MISKIE'S POV Sa unang linggo ay nahahalata kong wala sa sarili si Calyx. Hindi rin ito pumunta sa The bar kaya ang mga babae na laging nakaaligid sa kanya ay nagtataka at siyempre si Cally ang kinukulit dahil siya ang pinsan ni Calyx. Sinubukan ko ring puntahan si Calyx ng ilang beses sa condo niya pero hindi niya ako pinagbuksan at iniba niya rin ang passcode kaya kahit si Cally ay hindi makapasok. Pumapasok siya sa school pero diretso uwi siya at hindi naman din makausap, ramdam ko ang distansiya niya sa amin sa tuwing kakausapin siya. Kaya naman halos lahat kami ay napatingin kay Calyx ng nakangiti itong kinakawayan ang mga kakilala niya. Napatayo din ako at inabangan si Calyx mula sa pwesto namin, may agad na lumapit na babae at agad siyang hinalikan na agad din niyang tinugon. Ma

