Roel's POV Pagkatapos ng nangyari sa marriage booth, hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pag-iisip. Hindi ko rin alam kung bakit ako nandito, nakaupo sa isang bakanteng bench sa likod ng gym, malayo sa lahat ng kaguluhan ng Foundation Week. Para akong tumatakas, pero sa totoo lang, tinatakasan ko ang mga iniisip ko. Ang dami nang nangyari sa araw na 'to, at para bang hindi ko na kayang itago ang gulo sa isipan ko. Ibang-iba ang nararamdaman ko ngayon. Parang hindi ko na alam kung ano ba talaga ang gusto ko. Nang makita ko si Diana kanina sa booth, hindi ko maiwasang mapansin kung gaano siya ka-affected sa nangyari. Pilit siyang nagpapakatatag, at alam kong ayaw niyang makita ko na may nararamdaman siya, pero hindi niya maitatago sa akin ang lungkot sa mga mata niya. Parang may kirot sa

