Diana's POV Magta-tanghali na nang mangyari ang hindi inaasahan. Akala ko matapos ang nangyari kanina, makakahinga na ako ng maluwag at mailalagay sa likod ng isip ko ang lahat. Pero siyempre, parang may ibang plano ang tadhana. Habang abala ako sa pag-aayos ng booth namin, inire-rearrange ang mga natitirang items sa display table, napansin kong may paparating na grupo ng mga estudyante. Noong una, hindi ko masyadong pinansin, akala ko lang ay dumadaan sila. Pero nang makita ko si Cloudine na nangunguna sa grupo, biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Ngumiti siya nang malaki, mukhang masayang-masaya, habang palapit sa amin. Hindi ko maiwasang kabahan habang papalapit sila, lalo na’t mukhang diretso ang punta nila sa booth namin. "Diana! Hello!" masiglang bati ni Cloudine sabay yakap s

