Chapter 29: Paalam

1666 Words

Pagmulat ko ng mga mata, dama ko agad ang malamig na simoy ng hangin mula sa dagat. Huling araw na namin dito sa beach, at hindi ko maiwasan ang bigat na bumalot sa puso ko. Alam kong ito na rin ang huling pagkakataon na magkakasama kaming magkakaibigan sa ganitong klaseng kasiyahan—ang huling pagkakataon na kasama ko sila bago ko bitawan ang isang napakalaking desisyon. Habang abala ang lahat sa pag-eempake ng mga gamit at pag-aayos ng paligid, ako naman ay tahimik lang na nakaupo sa buhangin, nakatingin sa malawak na karagatan. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang sasabihin ko mamaya. Sila ang naging pamilya ko sa loob ng maraming taon, at ngayon, kailangan kong sabihin sa kanila na aalis na ako—na lilipat na ako ng school pagkatapos ng school year. Pero ang dahilan? Hindi ko kayan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD