Chapter 25: Ang pagbabago

1308 Words

Makalipas ang ilang linggo mula nang huling pag-uusap nina Roel at Diana, tila nag-iba ang ihip ng hangin sa buhay ni Diana. Sa simula, pinilit niyang maging normal ang lahat—nagpapatuloy siya sa mga araw na tila walang nangyari. Ngunit sa kabila ng lahat, hindi maikakailang nag-iwan ng malalim na sugat ang naging desisyon niya kay Roel. Hindi na sila nag-usap mula noon, at kahit magka-klase sila, kapansin-pansin ang distansyang namamagitan sa kanila. Sa loob ng silid-aralan, madalas na inuukol ni Diana ang sarili sa pag-aaral, pilit na binabalewala ang presensya ni Roel. Nabalitaan din niya mula kay Anna Marie na naging sila na ni Cloudine. Hindi man ito direktang sinabi ni Cloudine, ramdam ni Diana na sinadya nitong hindi ito banggitin sa kanya. Siguro, naisip ni Cloudine na mas mabutin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD