Mula nang magdesisyon si Diana na kailangan na niyang harapin si Roel. Alam niyang hindi na niya maaaring ipagpatuloy ang pagpapanggap na okay lang siya sa lahat ng nangyayari. Nais na niyang tapusin ang lahat ng ito bago pa mas lalong lumalim ang sakit sa kanyang dibdib. Sabado ng umaga, habang nakahiga si Diana sa kanyang kama, tinitingnan niya ang Harry Potter book set na hiniram niya kay Roel. Itong mga librong ito ang nagsimula ng kanilang pagkakaibigan—ang kanilang mga pag-uusap tungkol sa bawat karakter, bawat eksena, at bawat damdaming dala ng kwento. Pero ngayon, pakiramdam niya ay kailangan na niyang putulin ang ugnayan na iyon, kahit pa gaano kasakit. Nagpasya siyang bumangon, naghanda, at lumabas ng bahay. Habang naglalakad siya papunta sa mall kung saan sila magkikita ni Roe

