Nang matapos kami kumain umalis siya ang sweet pa nga niya. Este ang sarap pala niya magluto. Nandito lang ako sa kuwarto napapaisip. Totoo kaya ang sinabi niya sa akin na mahal niya ako? Hindi sa nagdududa ako pero kasi bigla na lang s'yang naging mabait. Paano kung peke pala lahat kakayanin ko kaya? Argh! Bahala na, ang mahalaga maiparamdam ko sa kaniya na mahal ko siya. Nanood na lang ako ng tv, wala akong magawa dito sa bahay puro lang kain tulog gusto ko naman lumabas. Hay! Isang taon na lang pala matatapos na ang kontrata namin. Ano na kayang mangyayari sa akin, kapag natapos na? Bahala na siguro hindi ko muna iisipin 'yon. I-enjoy ko na lang, ang mga araw at sandali na kasama ko ang taong mahal ko. Nang matapos ako manood nahiga naman ako at nagpagulong-gulong kinikilig ako sa mga n

