Nang magisng ako, naligo muna ako bago, bumaba. Pang limang araw na itong ginagawa kong, seduction plan. "Hello, Manang! Good morning!" masayang bati ko. Good mood kasi ako ngayon. "Good morning din sayo Hija?! Magluluto ka ulit?" "Opo Manang!" ani ko tsaka kumuha na ng mga gagamiting sangkap pagkatapos hiniwa ko na, at sumunod niluto ko na. Nang matapos nag-set up ako ng isang lamesa sa garden gusto kong mag date kami kahit dito lang sa bahay. Tinulungan ako ng mga bantay ko, ang babae kong bantay hindi na talaga bumalik. Nag-ayos na ako ng itsura ko, nakakahiya naman kung ang hagard ko. Tapos pinuntahan ko ito sa kuwarto, pumasok na ako pero wala siya sa kuwarto nito. Sakto naman na lumabas s'ya sa cr, napalunok ako kasi naman ang hot n'ya. "Tss. Laway mo!" ani nito saka ako nilamp

