Hatinggabi na pero, hindi pa ako nakakatulog ang tagal kung dalawin ng antok. Kaya bumaba muna ako para uminom ng tubig. Habang kumukuha ako ng tubig may isang malanding boses akong naririnig. "Baby please... pagbigyan muna ako!" ani nang malanding boses parang kilala ko kung kaninong boses 'yon. Pero ang kausap ng babae hindi nasagot. Dahan dahan naman ako lumapit sa madilim na parte ng dinning area, mabuti na lang talaga hindi ko binuksan ang ilaw na maliwanag. Nagtago ako sa may pader kung saan maaninag ko sila med'yo madilim, hindi ko mas'yado makita. Kaya lumapit pa ako hindi naman siguro ako nila makikita, dahil naka talikod sila. Nang naaninag ko na sila naririnig ko ang babae na malandi na akala mo hayok na hayok. "Sige na baby ibibigay ko lahat! I love you!" malanding ani nito.

