Tatlong linggo na ang nakalipas nang malaman ko ang totoo. Mga mafia pala ang mga kasama ko sa bahay pero hindi naman raw sila napatay ng mga inosente. Kaya nakahinga ako no'n nang maluwag, kaya ko nalaman lahat si Shavin na ang nagpaliwanag, dahil sa mga nalaman ko. Mas napamahal ako kay Klayt kaya hindi ko man gawain ang lumandi pero, gagawin ko makuha ko lang ang puso niya. Dati natatakot ako sa kaniya pero ngayon hindi na. Papunta ako ngayon sa kuwarto n'ya para guluhin ulit s'ya. Hindi ko alam kahit napakasungit n'ya, pero ang cute niya. Lalo na 'pag nakulitan s'ya tapos, halos umusok na ang ilong niya. Hindi ako papatalo sa babaeng higad na 'yon. Actually sa isang taon wala pa talagang nangyayari sa amin, kaya ngayong gabi sisiguraduhin kong makukuha ko s'ya. Dahil kanina alam kong

