PROLOGUE
©️All Rights Reserved 2021
HINAGOD ni Tawny ng tingin ang lalaking kakapasok lang sa bar. Lumapit ito sa counter at naupo sa bar stool sa tabi niya, bahagyang nakaharap sa kaniyang kinauupuan.
Tila naramdaman yata nito ang tingin niya kaya napatingin ito sa kaniya.
"Hi," kaagad niyang bati rito habang nakatingin sa ibabang bahagi ng katawan ng lalaking ito.
Medyo mataas ang boses niya upang matiyak na maririnig nito iyon sa kabila ng ingay roon.
"It doesn’t have mouth to greet you back," wika nito na ang tinutukoy ay ang nasa ibabang bahagi ng katawan nito. "So let me use my mouth to talk to you," narinig niyang sabi pa nito sa medyo mataas na timbre ng boses.
Napaangat siya ng tingin sa mukha nito at napatawa.
"Hindi ko naman gustong marinig ang pagbati niyan, pero kase..." sabi niya na binitin pa saglit ang sinasabi at sinulyapan ulit ang bahaging iyon ng katawan nito. "Ang zipper mo kase bukas," wika niya sabay tingin muli sa mukha nito bago tinungga ang alak sa wine glass na hawak niya.
"Ohw!" bulalas nito at kaagad iyong kinapa.
Bahagya pa itong tumalikod sa kaniya nang itaas ang zipper ng pantalong suot nito.
"Thanks," nakangiting sabi nito na noon ay nakaharap na ng tuwid sa kaniya at pasimple siyang hinagod ng tingin. "Is it truly legal for you to be here inside the bar?" diretsong tanong nito matapos ipirme sa mukha niya ang mga mata.
"Bakit hindi?" balik tanong niya. "Bawal pa ba sa bar ang twenty-five years old?" pabalang ang tono niya.
Ngumisi ito saka umiling. "Neneng-nene ka kase sa porma mo."
Siya naman ang napangisi. "Nene pala, para sabihin ko sa'yo, kaya ko ng dalhin sa sinapupunan ko ang anak mo, kung gusto mo."
Napamata ito sa kaniya at hindi nakapagsalita. Halatang na-shocked sa tinuran niya.
Sinalubong niya ang tingin nito pero ito ang unang nag-iwas ng mga mata sa kaniya at bumaling sa bartender, nagsabi ng alak dito.
Napailing siya at wala sa loob na tiningnan ang sarili niya.
'Nene raw? Loko pala s'ya, ano kaya kung sabihin ko sa kaniya na 'yong amoy ng pabango niya amoy balat ng punong kahoy?' sa loob-loob niya.
Tumingin siya sa mga babaeng sumasayaw sa magaslaw na musika upang tingnan ang kaibahan ng porma ng mga ito sa porma niya.
Lumakad siya at lumapit sa mga babaeng naroon at pasimpleng sinisipat ang pormahan ng mga ito.
Napabuntong-hininga siya saka tumingin sa lalaking nananatiling nakaupo sa counter. Tumutungga ito ng alak sa boteng hawak nito.
Lumakad siya pabalik sa kinaroroonan nito at kinalabit ito sa kanang braso.
At dahil hawak nito sa kanang kamay ang tinutunggang bote ng alak ay bahagya iyong lumigwak at natapunan ito sa mukha dahil sa ginawa niya.
"What the…!?" inis pero nabiting turan nito nang makita siya.
Pinunas nito ng palad ang mukhang nabasa ng alak.
"Sorry," napangiwing sabi niya sa pag-aalalang baka magalit ito.
Tiningnan siya nito. "What do you need?" tanong nito, salubong ang mga kilay.
"Ako pala si Tawny," pagpapakilala niya sabay lahad ng palad dito.
Tiningnan muna nito ang kamay niya bago ibinalik ang tingin sa kaniyang mukha.
Dinala nito ang bote ng alak sa kaliwang kamay at tinanggap ang palad niya gamit ang kanan.
Lihim siyang napasinghap nang maramdaman ang mainit at malambot nitong palad.
Tinitigan siya nito sa mga mata ganoon din siya rito.
"Dominic," kapagkuwa'y wika nito. "My name is Dominic," ulit pa nito. "Jhon Brhyan Dominic." Kusa itong bumitaw sa kamay niya.
"Dominic," bigkas niya sa pangalan nito. "Dom, gusto ko sanang mag-road trip, p'wede ba kitang sakyan?" Pinigil niyang matawa sa sariling sinabi.
Matiim ang naging titig nito sa kaniya at ilang sandaling hindi kumibo.
•••
HINDI alam ni Tawny kung saang lugar siya dinala ng lalaking ito. Mataas ang lugar na iyon at mapuno, tanaw sa malayo ang nagliliwanag na kalawakan ng lungsod habang tanglaw nila sa pusikit na gabi ang liwanag na nagmumula sa loob ng kotse nito.
Wala na siyang pakialam, basta ang nasa isip lang niya nang mga sandaling iyan ay ang bagong pakiramdam na ipinakilala ng lalaking ito sa kaniya.
Magkalapat ang kanilang mga labi at pinagsasaluhan ang mapusok na halik habang nakaupo siya sa unahan ng kotse nito.
Mabilis ang mga sumunod na nangyari. Hindi niya namalayan na nahubaran na pala siya nito ng mga kasuotan. Bahagya pa siyang nagulat at natauhan nang maramdaman ang sakit sa kaniyang p********e nang simulan nitong pag-isahin ang kanilang mga katawan.
Natigilan naman ito at napatitig sa kaniya nang malaman nitong iyon ang una niyang karanasan.
Banaag niya sa mukha nito ang piping tanong ngunit wala siyang planong sagutin ito.
"Please," bagkus ay anas niya sa namamalat na boses.
Napailing ito. "This is not right," sabi nito at akmang ilalayo ang sarili sa kaniya pero maagap niya itong pinigilan at sinampal.
Nabiling ang mukha nito dahil sa lakas ng kaniyang sampal. Nabanaag niya ang pagkabigla at galit sa mukha nito nang ibaling sa kaniya ang tingin.
"Kung ayaw mo eh 'di huwag, marami pa namang lalaki riyan," asik niya at akmang bababa na sa unahan ng kotse nito nang bigla siya nitong itulak pahiga sabay hiwalay sa kaniyang mga hita.
Nagulat siya pero kaagad na napaluha nang maramdaman ang matinding kirot sa kaniyang p********e. Pakiwari niya ay pinupunit ang buo niyang pagkatao.
Napahawak siya sa magkabilang braso nito at naidiin doon ang mga kuko habang tinitiis ang sakit, hanggang sa maramdaman niya na nagawa nitong mapag-isa ang ibabang bahagi ng kanilang mga katawan.
Pakiwari niya ay napunta sa dibdib niya ang sakit na nararamdaman sa kaniyang p********e nang titigan niya ang guwapo nitong mukha at makita sa mga mata nito ang bahid ng matinding galit habang nakatitig sa kaniya.
Impit siyang napasinghap sa sakit nang marahas at mabilis nitong igalaw ang balakang sa pagitan niya.
Ipinikit niya ang mga mata at hinayaang kumawala ang mga butil ng luha sa kaniyang mga mata. Tinanggap niya ang mapagparusa nitong pamamaraan.