PILYA ang ngiting iginawad sa kaniya ng OB-Gyne nang mabungaran siya, pero inignora niya iyon.
"Maupo ka," seryosong wika nito habang lumalapit sa desk.
Naupo ito sa inupuan ni Doctor Ice at bitbit nito ang clipboard na bitbit din ni Doctor Ice kanina.
Tumalima siya, naupo siya sa kaibayo nitong upuan.
"Nakita ko ang record ni Doctor Ice. Tama naman siya, hindi ganoon kalala pero nagkaroon ng kaunting infection. Ang rashes sa feminine area were swollen and had pus. Fortunately, hindi pa affected ang cervix. Ibibigay ko ang prescription ng gamot na iinumin mo para mas mapabilis ang paggaling ng genital part mo, pati na rin ng feminine wash na mas makakabuti mong gamitin para hindi na ma-irritate 'yan," medyo mahabang paliwanag nito habang isinusulat ang mga tinutukoy nito sa prescription paper.
Matapos doon ay iniabot nito iyon sa kaniya. Kinuha niya iyon at kaagad na nagpaalam dito matapos magpasalamat. Naiilang siya kaya ayaw na niyang magtagal pa.
Nang tumalikod siya ay sinundan siya nito ng tingin hanggang sa makalabas.
Kaagad naman siyang sinalubong ni Stephanie at gaya ng OB-Gyne ay pilya rin ang ngiti nito.
"Ano? Kumusta? Nakita ba ng guwapong cardiologist na iyon kung paano tumitibok ang pempem mo?" Bakas ang kilig sa anyo at tono nito.
Napaawang ang bibig niya matapos marinig ang tanong ng kaibigan. Malakas ang boses nito at napatingin pa nga rito ang lalaking nurse na dumaan sa tapat nila nang sandaling iyan.
"Ang bibig mo," inis na saway niya rito at iniwan ito.
Sumunod ito. "Narinig ko sila kanina. Hindi yata nila ako napansin kaya narinig ko ang discussion ng guwapong doktor na iyon sa OB-Gyne doctor na iyon."
"P'wede ba, Steph, itahimik mo na muna iyang matabil mong dila?" inis na saway pa niya rito.
"Eh, kase naiinis ako sa 'yo, meron kang hindi sinasabi sa 'kin," seryoso nang sabi nito dahilan para mapahinto siya.
Nilampasan siya nito at huminto sa harap niya, tumingin ng diretso sa kaniya.
"Akala mo ba hindi ko napansin kanina 'yong mga tingin mo sa kaniya at pati na rin ang tingin niya nang makita ka niya? Malakas ang hinala ko na nagkita na kayo before pero wala kang nabanggit," seryosong sabi nito.
"Stephanie, p'wede bang huwag dito?"
Napatawa ito. "Oh, eh, 'di parang inamin mo na rin." Humalukipkip ito habang kunwa'y nakaismid sa kaniya.
"Wala akong sinabi."
"Pero ganoon na rin 'yon."
Napailing na lang siya at nagpatuloy sa paglakad.
"Okay, panalo ka na. Masaya ka na ba?" pagsuko niya.
"Hindi pa, ikuwento mo sa akin mamaya ang tungkol diyan pagdating natin sa bahay mo para maging masaya ako gaya ng sabi mo."
"Hay." Na-stressed siya sa kaibigan at napabuga na lang ng hangin.
•••
NAPAKUNOT ang noo ni Ice nang makita ang hindi kilalang sasakyan sa tapat ng bahay niya at buhat doon sa labas ay natatanaw niya na maliwanag pa sa sala.
Maingat niyang pinausad ang kaniyang kotse upang makalusot sa sasakyang iyon na nasa tabi lang ng kotse ni Dominic.
Sinulyapan niya ang kaniyang wristwatch nang maihimpil ang kotse sa garahe. Alas-dyes na ng gabi at hindi naman iyon karaniwan kay Dominic. Maaga nitong pinatutulog si Alilee kaya maaga pa lang ay patay na ang ilaw sa sala.
Bigla ang pagkabog ng kaniyang dibdib at hindi niya malaman kung bakit.
'Sino kayang... bisita?' naitanong niya sa isip at mabagal na humakbang palapit sa main door.
Pinindot niya ang passcode saka marahang itinulak ang dahon ng pintuan. Kaagad niyang nakita si Dominic na nakaupo sa pang-isahang sofa at nakatutok ang mga mata sa wall built-in flat screen TV pero napamata siya nang makita ang hindi inaasahang bisita, si Alisa, kalaro ito ng anak nilang si Alilee.
"Daddy!" patiling tawag sa kaniya ng anak na siyang unang nakapansin sa kaniya.
Tumakbo ito palapit sa kinatatayuan niya at sinalubong siya ng halik sa kaniyang pisngi na mabilis niyang ginaya.
"Daddy, umuwi na si Mommy," pagbabalita sa kaniya ni Alilee, walang pagsidlan ng tuwa.
Hindi siya nagsalita at sinikap na hindi maligaw ang tingin kay Alisa na noon ay tahimik lang na nakatingin sa kaniya.
Dahil abala siya sa anak ay hindi niya napansin ang paraan ng titig nito sa kaniya, nasa mga mata nito ang magkakahalong emosyon subalit nangingibabaw roon ang kapaklahan.
Inilapat niya ang dahon ng pintuan. Tumayo naman si Dominic habang nakalingon sa kaniya.
"Dumating ka na pala," sabi nito na para bang noon lang siya napansin.
Tumango siya. "Pasensya na ginabi ako." Lumakad siya palapit dito habang nakaakbay sa anak.
"Uuwi na siguro ako, Ice," matamlay na sabi nito habang lumalakad upang salubungin siya.
"Mag-dinner na muna tayo, Dom, bago ka umuwi," pigil niya sa kaibigan.
"Salamat, Ice, pero busog pa ako," pagtanggi nito sabay hawak sa kaniyang balikat.
Napatitig siya rito.
Bakit parang kakaiba yata ang kislap ng mga mata nito ngayon?
Bumaba ang mga mata niya sa kamay nito na nakahawak sa kaniyang balikat at kaagad na napansin ang pulsuhan nito.
"Himala yata, wala kang suot na wristwatch ngayon," hindi niya napigil na puna rito.
Bumitaw ito sa balikat niya at hinimas ang sariling pulsuhan habang malamlam ang mga matang nakatitig doon.
"Aalis na ako, Ice." Inignora nito ang pagpuna niya at tinapik siya sa balikat. "Mag-usap kayo ni Alisa at sikapin mong gawin kung ano'ng tama," pabulong nitong sabi bago tuluyang tinungo ang doorway.
Nilingon niya ang kaibigan at hinintay hanggang sa makalabas sa pintuan. May problema ito, nararamdaman niya.
Nang ganap na lumapat ang dahon ng pintuan sa doorway ay binalingan niya si Alilee.
"Kumain ka na ba?" tanong niya sa anak.
Tumango ito. "Yes, Daddy, nagluto si Mommy ng masarap na dinner kaya dapat mag-eat ka. Sabi ni Tito Dom, hungry ka pagdating."
"Mm…tama naman, pero ang gusto ni Daddy eh matulog ka na muna, malalim na ang gabi at may pasok ka pa bukas," mahinahong sabi niya at iginiya ito patungo sa hagdanan pero pinigilan siya.
"Why don't you talk to Mommy? Naghintay s'ya sa'yo," malambing na sabi ni Alilee sa kaniya.
Tinitigan niya ang anak bago tiningnan si Alisa, malamig ang mga tingin na iyon na ipinukol niya rito. Tinitigan din siya nito at sa mga titig na iyon pa lang ay marami na itong sinasabi.
"Kakausapin ko naman si Mommy pero mamaya na, dapat matulog ka muna," sabi niya matapos na muling ibalik ang tingin sa anak.
Iginiya na niya ito patungo sa hagdanan. Sinundan sila ng tingin ni Alisa hanggang sa mawala sila sa paningin nito.
Nang maihatid sa silid ang anak ay kaagad niya itong pinahiga sa kama at kinumutan.
"Good night, Daddy," wika ng bata sa kaniya.
"Good night, sweetheart." Yumukod siya at dinampian ito ng halik sa noo. "Tulog na para makapag-usap kami ni Mommy."
Tumango ito at ipinikit ang mga mata.
Umayos siya ng tayo at ini-on ang lampshade.
Tinungo niya ang pinto at ini-off ang switch ng maliwanag na ilaw sa kisame. Sa tulong ng liwanag sa lampshade ay hopeless at maluha-luhang pinagmasdan niya ang kaniyang walang muwang na anak.
Wala itong kaalam-alam na ang relasyon nila ng ina nito ay matagal nang nawalan ng kapararakan.
Wala talaga siyang balak na kausapin pa si Alisa, sapagkat alam na niya ang pakay nito at hindi nito gustong maayos sila.
Kinabig niya pabukas ang dahon ng pintuan at bahagya pa siyang nabigla nang makitang nakatayo roon si Alisa, mukhang kanina pa naghihintay.
Lumakad siya at nilampasan ito.
"Mag-usap tayo," malumanay na sabi nito sa likuran niya.
"Pagod ako," kaagad niyang sabi sa pinakamatabang na paraan.
"Kukunin ko ang aking anak." Huminto ito sa pagsunod sa kaniya at hinintay ang sasabihin niya.
Awtomatiko siyang napahinto at napalingon dito nang marinig ang sinabi nito.
"Kailangan ko bang ulitin ang sinabi ko?" tanong nito nang hindi siya magsalita at manatiling nakatitig dito ang malamig na mga mata.
Imbes na magsalita ay lumakad siya patungo sa kitchen, kaagad itong sumunod sa kaniya.
Kumuha siya ng serving platters at nilagyan ang mga iyon ng pagkain, inayos ng lagay sa dining table. Matapos niyan ay kumuha siya ng dinnerware para sa kanilang dalawa.
"Gusto kong makasama ang anak ko," sabi nito habang nakasunod ng tingin sa bawat pagkilos niya.
"Anak natin!" mariing pagtatama niya rito, paasik.
"Hindi natin kailangang umabot pa sa korte, Ice. Hindi ba iyon din ang gusto mo?" tumaas ng bahagya ang boses nito.
Huminto siya sa ginagawa at tiningnan ito ng diretso. "Ang gusto ko, bumalik ka rito. Hindi tayo mag-uusap sa korte, tapos ang usapan," halos paanas na sabi niya sa gigil na paraan.
Hopeless na napailing si Alisa matapos marinig ang sinabi niya. "Ice, halos two years na tayong ganito, hindi ka pa ba napapagod?" maanghang nitong tanong.
"Why do I get tired?" balik tanong niya dito sa kalmadong tono. "Eh, mahal kita," tapos ay halos paanas na dagdag niya kasabay ang bahagyang pamamasa ng kaniyang mga mata.
Mapakla itong tumawa. "Mahal?" tapos ay sarkastikong tanong sa kaniya, wari'y pinagdududahan ang pagmamahal niya.
Naibaba niya ang tingin. "Kung gusto mong makasama ang anak natin, bumalik ka sa amin," malumanay na wika niya at hindi pinansin ang sinabi nito.
"Ako ang ina ni Alilee, mas may karapatan ako. At ako ang magdi-desisyon para sa kaniya."
"Bakit ba pinipilit mong kunin si Alilee?" maanghang na tanong niya at halos masapo ang kaniyang noo. "Didn't you hear me? All I want is for you to come back here. Anuman ang ginawa mo habang wala sa tabi ko hindi na mahalaga, bumalik—"
"Ice," putol nito sa kaniya sa medyo mataas na tono. "Hindi ko kayang ibigay sa 'yo ang gusto mo," tapos ay mahinang sabi nito, nasa tono ang pait.
Napakurap siya upang mapigil ang mapaluha nang tuluyan.
"Pero bakit, Alisa? Hindi ko maintindihan. Ano ba talagang dahilan? Akala ko kase okay tayo eh," halos paanas na wika niya rito, hindi niya naikubli ang pagguhit ng pait sa kaniyang boses nang bigkasin ang mga katanungang iyan.
"Kukunin ko ang anak ko sa ayaw at sa gusto mo. Iyon lang ang masasabi ko, Ice." Hindi nito pinansin ang mga tanong niya.
Hindi siya nagsalita at ibinaba ang platong kanina pa pala niya hawak.
"Ice, h'wag mo na sanang ipilit ang gusto mo. Matagal nang nawala ang nararamdaman ko para sa 'yo," mga katagang binitawan nito na parang bombang sumabog sa dibdib niya mismo.
Hindi niya natagalang manatili sa harap nito upang ipakita rito kung gaano siya nasaktan sa sinabi nito. Mabilis siyang lumakad palabas sa dining room at malalaki ang mga hakbang na tinungo ang kaniyang kuwarto.
"Ice!" narinig pa niyang tawag nito sa kaniya pero hindi niya pinansin.
Nang makapasok siya sa kaniyang kuwarto ay hindi niya napigil ang mapasuntok sa dingding kasabay ang tahimik na pag-iyak.
Sinapo niya ang kaniyang dibdib dahil pakiwari niya ay napupunit iyon.
•••
SA art room ay naroon si Tawny at nakatitig sa kaniyang painting na palagi niyang tinatakpan upang mapanatili ang kaayusan.
Inalis niya ang telang nakatabing doon at pinagmasdan doon ang mukha ni Ice.
Napangiti siya pero kaagad din iyong napawi nang may maalala.
Nang hubarin ni Ice ang rubber gloves kanina ay nakita niya ang wedding ring na suot nito. At ang pangalan nito, kung ganoon pala ay nag-alyas lang ito nang gabing iyon at ginamit ang pangalan ng kung sino.
Natigilan siya at biglang naalala si Dominic, ang lalaking kasama ni Alilee.
Napaawang ang bibig niya at wala sa loob na nasapo ang dibdib.
"Paano kung..." Nasapo niya ang dibdib dahil sa bagay na tumatakbo sa isip niya.
Paano kung magkakilala si Dominic at Ice?
Napakislot siya nang bigla ay mag-ingay ang cellphone niya, si Stephanie, tumatawag ng dis oras ng gabi. Tiyak na hindi pa rin ito makatulog at mapakali.
Kahit kinulit siya nito kanina ay hindi niya nagawang i-open dito ang tungkol sa nangyari sa pagitan nila ng doktor na si Ice pitong taon na ang nakaraan. Naduduwag siya, natatakot siyang husgahan nito.
Hindi tuloy niya maiwasang alalahanin ang gabing iyon.
•••
MAGKAHINANG ang mga mata nila ni Ice na mayroong magkaibang damdaming ipinakikita.
Sa mga mata niya ay naroon ang sakit sa walang ingat nitong pagpunit sa kaniyang kaberhinan habang sa mga mata naman nito ay naroon ang galit.
"I'll f**k you hard kung 'yon ang nais mo, pero make sure na hindi ko na makikita ang pagmumukha mo pagkatapos ng lahat ng ito, ng gabing ito," mariing sabi nito na may bakas ng panunuya.
Hindi siya nagsalita pero hindi inalis ang tingin sa mukha nito. Guwapo pa rin ito sa kabila ng lahat.
Nagpatuloy sa paggalaw ang balakang nito hanggang sa makita niya ang paglalaho ng galit sa mga mata nito maging pati ang paggalaw nito ay naging masuyo na.
Dahil diyan ay mas nararamdaman niya ang kasiyahan sa puso sa bawat paggalaw ng balakang nito sa pagitan niya.
Ewan ba niya, hindi naman iyon ang inaasahan niyang madarama kapag nangyari iyon. Dahil sa isip niya hindi naman niya ito kilala, hindi niya ito mahal. Ngunit ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyan ay abot -angit na kaligayahan, kaluwalhatian na nagpapala sa kaibuturan niya.
Pagkaraan ng ilan pang mga sandali ay hindi na niya napigil ang kaniyang mga pag-ungol at pagliyad.
Naramdaman niyang pinasok nito ang magkabilang bisig nito sa ilalim ng kaniyang mga tuhod at pinag-angkla iyon, tapos ay binuhat siya ng walang anuman. Bahagya pa siyang nagulat sa ginawa nito.
Ipinagpatuloy nito ang pag-angkin sa kaniya ng nakatayo hanggang sa kapwa nila maramdaman ang nalalapit na kasukdulan.
Magkasabay silang napaungol at bago pa man ay maagap na nitong pinaghiwalay ang ibabang bahagi ng kanilang mga katawan upang ilabas ang katas nito.
Kapwa sila naliligo sa mga pawis nila at humihingal nang huminto ito sa paggalaw.
Nanatili sila sa posisyong iyon at hindi niya mapigil na mapayakap dito ng mahigpit. Habang nakalapat ang baba niya sa balikat nito ay lumampas ang tingin niya patungo sa tanawing makikita buhat sa kinaroroonan nila. Iyon ang kalawakan ng lungsod na animo'y sinabuyan ng mga nagliliwanag na bituin.
Napangiti siya habang tinatanaw iyon.
"Let's get in the car," narinig niyang sabi nito na sinundan ng marahang pagkilos at ibinaba siya buhat sa mga bisig nito.
Pinulot nila sa damuhan ang mga hinubad nilang kasuotan at halos magkasabay pa silang nagbihis.
Nang makabalik sila sa loob ng sasakyan nito ay hindi nito iyon kaagad pinausad.
"Ito ang iyong unang karanasan, bakit ginusto mo sa ganitong paraan?" narinig niyang tanong nito sa napakalamig na tono.
Tumingin siya rito pero kaagad niyang binawi ang tingin nang makitang titig na titig ito sa kaniya.
"Gusto kong sirain ang buhay ko," seryosong tugon niya.
Napakunot ang noo nito at maanghang ang naging pagtawa. "f*****g crazy," madiin at seryoso nitong sabi bago pinausad ang sasakyan. "Baliw ka!" kutya pa nito sa kaniya.
"Who the f**k cares!?" mapakla niyang tanong dito.
Sino nga ba ang may pakialam?
Wala sa loob ang mapait na pagtawa ni Tawny matapos niyang alalahanin ang nakaraan.
Ang kaniyang ama, oo. Ito ang dahilan kung bakit nagrebelde siya noon.
Pinalano niyang sirain ang buhay niya para pasakitan ang kaniyang ama pero matapos ang namagitan sa kanila ni Ice nang gabing iyon, nagbago ang isip niya.