CHAPTER 3

1106 Words
[ GOLD HOUSE ] Jefeya Pov. "BILISAN mo ang pagda-drive baka mapagalitan tayo." "Buti na lang talaga ay nahanap natin siya kung hindi baka malaman ito ng esposo ni Mrs. Cebarro at masesesante pa tayo malamang sa malamang." Pinakikinggan ko lang ang kanilang pag-uusap habang nagpapanggap na ako'y wala pang malay dahil na-iisip ako kung paano makatakas dito but i gave up na dahil sinubukan ko nang buksan ang mga mata ko; nakita ko ang paligid ng dinaraanan nitong sasakyan, puros mga halaman lang, para bang bundok dito na sobrang layo pa bago ka makakita ng iba pang bahay. Tingin ko nga wala talagang bahay rito ni isa,tsk. Dahil sa sobrang kaba, takot at inis ay sinubukan kong mag wala pero ang bibilis nila, lahat sila ay nakahawak at nakapigil agad sa kilos ko. "Bwisit! Sino ba kayo! Ni hindi ko kayo kilala! Teka, pera ba ang kailangan niyo? Pero wala akong angaw na pera mahirap lang ako ni piso nga wala eh kaya please pakawalan niyo na ako nagsasayang lang kayo ng oras sa akin." "Pasensiya na po Mrs. Onvira napag-utusan lamang po kami," wari'y napakagalang ng isa sa nakapigil sa galaw ko ngayon at nakayuko itong kinausap ako. "Teka, ba't ka ba nagp-po at what did you just call me? Mrs. Onvira? Pinaglololoko niyo ba ako? Jefeya ang pangalan ko at isa pa, miss. Palang ako at hindi Mrs. Okay?" Bumilang ako ng tatlo para huminga nang malalim at mapahinahon ang sarili dahil baka pag hindi ko mapigilan ang sarili ay baka ako lang din ang mapahamak sa gagawin ko. "Narito na tayo, ayusin niyo ang itsura ni Mrs. Onvira," nagsalita ang driver at tumitingin ito sa akin sa rear-view mirror. Mukhang wala naman silang balak na saktan ako pero lahat sila ay nakatingin sa akin na para bang binabantayan nila ako na ewan, "Sino ba kayo? Mga kuwadrilyero ba kayo?... Mukhang hindi naman dahil sa mga suot ninyo pero—tama ba ang narinig ko kanina? Cebarro ang nagpakidnap sa akin?" Wala ni isa sa akin ang sumagot pang muli at nung huminto ang sasakyan ay bigla na lang silang nagsibabaan at nagsihelera sa pinto na lalabasan ko, panaginip ba ito? Ang laking bahay naman nitong pinuntahan namin, ang daming mga guards na nakahelera hanggang doon sa pinto ng mansion na ito at nakita kong may isang matandang babae ang naghihintay sa akin doon sa napakalaking pinto. Napakayayamanin ng mga suot nilang lahat kahit ang mga guard na ito na hindi mo talaga aakalain na guard lang sila. May biglaang bumukas ng pinto nitong sasakyan at mukhang pahiwatig na dapat ay bumaba na ako, so….Dahan-dahan akong lumabas dito at nang tumuntong na sa red carpet ang mga paa ko ay nagsi-bow silang lahat na para bang isa akong prinsesa na ewan. At oo, meron ngang red carpet na ngayon ko lang napansin dahil busy ako kaiisip. Naglakad na ako papunta sa babaeng naghihintay sa akin at nang makarating na ako ay biglaan ako nitong sinampal nang malakas kaya napahawak ako sa pisngi habang ang buhok ko ay natakluban ang pagmumukha ko,"B-bakit sinampal niyo ho ako?" Tatarayan ko sana ang matandang ito nang nanlaki ang mga mata kong tingnan ang mukha niya dahil feeling ko kilala ko siya. "Kahit tumakas ka pa nang paulit-ulit ay mahahanap at mahahanap kita! 'wag mo akong sagarin Onvira!" Sino ba kasi ang Onvira na 'yon at tila nagagalit ito sa akin. Habang nagagalit siya sa akin ay pinakikinggan ko lamang ang boses nito dahil parang nakita at narinig ko na talaga siya pero akmang sasampalin ko rin sana ang matandang ito ay mabilis niyang nahawakan ang kamay ko't nakita ko ang daliri niyang may singsing na siyang nagpaalala sa akin kung sino ang babaeng ito. Nakikita ko siya sa tv pero hindi siya isang artista kundi siya ang palaging kasama ng isang lalaki na nagmamay-ari ng isang malaki at sikat na company rito sa Pilipinas. Tama, siya si Mrs. Cebarro ang asawa ni Mr. Cebarro na nagmamay-ari ng Dolce Profumo Company o mas kilalang DPC, "omg! p-patawad maam." Nag-bow ako sa kaniya para mag sorry pero tinalikuran na niya ako ngunit bago siya tuluyang makalayo sa akin ay nahawakan ko siya sa balikat na siyang hinawakan niya rin ang kamay ko na siyang pinanghawak ko sa kaniya para iikot at kulang na lang ay baliin ang kamay ko. "Sumosobra ka nang matanda ka!" Dahil sa sinumpong ako ng galit ay naitulak ko siya ng malakas pero nasalo naman siya ng isa sa kasama niyang butler. Kita kong nagulat siya sa ginawa ko pero nag kunwari siyang inaayos ang damit at tumagilid siya. "Ipasok na siya sa kwarto niya!" What? Sa utos niyang iyon ay maraming mga maids ang lumapit sa akin at inalalayan akong pumasok sa nakakamanghang mansion na ito at pinapaakyat sa hindi ko naman dapat akyatin, "teka, ba't ba pinipilit niyo akong umakyat dito eh hindi naman ako nakatira dito! Husme, mga siraulo 'ata ang mga tao rito." Pinilit lang nila akong paakyatin hanggang sa tuluyan na akong ikinulong sa isang kwarto na napakalaki, I think pang dalawang pamilyang bahay ang laki nitong kwarto na ito, sinubukan kong buksan ang pinto pero naka-lock mula sa labas. Napahawak ako sa noo ko't sandaling natulala, iniisip na sana panaginip lang ito dahil baka wala pang isang araw baliw na ako. Tela, hindi talaga mawala sa isip ko kung gaano kalaki itong kwarto, sa baba pa lang malaki na ang space at parang mga ginto ang mga gamit dito na kahit ang sahig at hagdan ay pang yayamanin na rin, nasa gitna nga pala ng mansion sa baba ang hagdan at pati mismo 'yon ay napakalawak akayatan o babaan. Nasa gitna ang napakalaking bed nakadikit sa dingding na I think Alaska king bed ang type ng bed na ito na halos 4 or more na tao ang kasiya rito at simple lang siya, wala siyang kung anu-anong design sa palibot nito. Umiikot sa blue at silver ang kulay rito sa loob ng kwarto, may kung ano ang natatakpan ng tela ang nasa itaas ng kama at alam kong frame ito dahil medyo nakikita ang gilid nito. Nahihiya man akong tumapak sa kamang ito ay tumapak na ako para silipin ang picture na tinakpan dito, dahan-dahan ko nang hinihila ang tela at nang mag tagumpay akong maialis ito ay ganoon na lamang ang pagkagulat ko sa nakita dahil sa larawang nasa loob ng frame. K-kamukha ko ang babaeng nakawedding dress habang nakahawak sa bulaklak at nakapatong ang ulo sa balikat ng lalaking nakahawak sa bewang ko este sa babaeng ito na kamukha ko. "What on earth is this."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD