[ APPROACH ]
HABANG nagdidiscuss ang last subject teacher namin ay hindi ako mapakali, para bang may dapat akong gawin sa mga oras na ito dahil may hindi magandang mangyayari sa akin.
Pilit kong iniisip kung may nabangga na naman ba akong malaking grupo para manganib muli ang buhay ko, dahil sa tingin ko ang lalaking nakita ng mga estudyante sa labas at pati na rin ng mga classmates ko ay isang taong hindi ko dapat binangga.
Kaya siguro hindi ako mapakali dahil malapit na ang uwian at hindi ko alam kung dapat bang umuwi na ako dahil 'pag nasundan ako ay malamang pati nanay ko ay madadamay pero dapat ba akong mangamba?katapat ng bahay namin ang police station kaya hindi dapat ako mag-alala.
Hindi ko na alam ang gagawin ko, please help me to think what I'm gonna supposed to do.
"Ms. Olsin, stand up," tila nagbalik ako sa aking sarili nang marinig ang pangalan mula sa bibig ng aming gurong si Miss. Kiy.
Pero imbes na sundin siya ng utak ko ay tanong lang ang biglang lumabas sa bibig ko, "what is it? Just ask me quickly."
Nakasanayan ko na ang ganitong ugali, kaya siguro minsan wala talagang lumalapit o kumakaibigan sa akin.
"What is shagreen now commonly made from?"
Ibubuka ko na dapat ang bibig ko nang may pumalo sa table at mula sa peripheral vision ko ay kita kong nakalingon ito sa akin, "dogfish."
"What a pathetic--" I almost done sa sasabihin ko nang tinabig ako ng katabi ko.
"You're wrong, Huina." Huina is our classmate na bida-bidang sumagot kanina na dapat ako, tumingin ang katabi ko sa kaniya at ibinaling na ang tingin sa aming guro. "Rays is the answer Miss. Kiy."
I tried to stop my laugh but I can't hold it anymore so napahalakhak ako,"HAHAHA! Alam niyo--"
"Sharks ang sagot mga boba," Sabat ng isa ko na namang kaklase, lalo tuloy akong natawa.
Halos lahat sila ay napatingin sa direksyon ko dahil akala siguro nila na nababaliw na ako pero pinilit ko nang pigilan ang tawa ko at ilang minuto ang itinagal nito bago maging seryosong muli, "actually all of your answers are correct, nagyabangan pa kayo."
Nangawit ang panga ko ro'n ha, nagtaka naman ako nang biglang nanahimik ang mga kaklase ko't nakitang nagpipigil sa tawa ang mga ito until hindi na nila mapigilan pa so lahat sila ay natawa dahil sa naging sagot ko, siguro?
And now, hindi na ako mahihirapan maging seryoso muli dahil hindi ko alam kung anong nakakatawa sa sagot ko,"may mali ba sa sagot ko?"
Dahil sa nakita nilang naiinis na ang teacher namin sa harap ay napatigil sila at nagsiayos ng upo sabay tingin ng diretso sa harap.
"Actually walang nakakatawa sa sagot ni Jefeya, she's right, tama lahat ng sagot ng tatlo niyong kaklase." Dahil sa sinabi ni Miss. Ay napatingin na naman silang lahat sa direksyon ko dahil hindi sila makapaniwala sa narinig.
"May gusto kayong sabihin?" Tinaasan ko silang lahat ng kilay at kita sa mga nila ang pagkadismaya.
Napasigh na sila bago ibalik ang tingin sa harapan.
"Next question—"
"Again?" Agad kong reklamo dahil sakin siya nakatingin kaya alam kong ako na naman ang tatanungin niya.
"What does 'impignorate' mean?" Hindi niya pinansin ang reklamo ko at tama nga akong ako na naman ang tinatanong niya pero tulad kanina ay may mga nagsisagot na naman.
"To mortgage."
"Tsk it's so simple, to Pawn is the answer."
"Both of you are wrong, it's to Pledge."
Kahit kailan talaga, dahil sa kasasabat, kasasagot nila palagi sa tanong sa akin ay hinampas ko na ng dalawang kamay ko ang table top ko, "kahit magpatayan pa kayong tatlo riyan ay pare-pareho namang tama ang mga sagot ninyo, so ms. My answer is all of the answer of my classmates again," Madiin ko pang wika.
Kung kanina ay natawa ang mga kaklase ko sa isinagot ko, ngayon ay napakunot silang lahat ng noo at mukhang hindi naniniwala sa sagot ko.
"You kidding me Jefeya," hindi pagsang-ayon ni Liob na isa sa sumagot sa dalawang question.
"Bakit? Gusto mo humanap ako ng iba pang sagot at para maging cool sa tainga mo'y gusto mo scientific name pa na answer ang isagot ko? Well, sorry ha dahil hindi ako kasing talino mo at hindi ako kasing arrogant mo. Sa sobrang galing, feeling mo sagot mo na lang lagi ang tama."
Dahil sa sinabi ko ay muntikan pa niya akong sugurin buti na lang ay napigilan siya ng katabi niya, " nagsasabi lang ako." Akala mo'y batang inagawan ng laruan.
"Let him go, as if namang kaya niya ako," gusto ko sanang ako na mismo ang lumapit sa kaniya pero pinukpok na ni Ms. Ang green board.
"Since uwian na, maglinis na kayo pero bago 'yon ay gusto kong sabihin sa inyo na tama ang sagot ni Jefeya so magsitigil na kayo," mabilis na nawala sa paningin namin si Miss. Kiy at binalak ko na rin sanang sumunod pero may humarang sa pinto.
Tatakas ako, duh, ano pang silbi ng janitor dito kung wala na silang lilinisin pa.
Sinipa ko ang malapit na upuan sa akin at taas noong nakipagtitigan sa babaeng Yora na humarang sa akin, "Tatabi ka or gusto mong ihampas ko ang bag ko na ito sa'yo?"
"Pero lahat tayo ay dapat—" wala naman akong ginagawa sa kaniya pero tumabi na lang siya agad.
Napaisip tuloy ako sa ikinikilos niya pero humakbang na ako palabas bago pa mag-iba ang desisyon niya.
Ni hindi niya ako tiningnan sa mata para magdesisyon ng gano'n, I don't feel na natakot siya sa akin pero feeling ko kusang loob niya na ewan na ginawa 'yon.
Never mind, uuwi na ako.
Habang naglalakad ako sa walang gaanong taong kalsadang may iba akong nararamdaman, bigla akong kinutuban, para bang may kung sino ang nakatingin sa akin kaya habang naglalakad ay palinga-linga ako sa paligid habang.
"Hmmmfffpp," what the hell is going on! I can't scream, someone's suddenly covered my mouth gamit ang panyo.
Isa, dalawa, tatlo, marami silang nakapalibot sa akin at ipinasok nila ako sa black limousine car na biglaan na lang din huminto sa harapan ko kung kaya't wala na talaga ang pag-asa kong may makakakita't makakatulong pa sa akin.
Legwas na lang sana ang layo ko sa bahay subalit naabutan ako ng mga kupal na ito, ang akala ko ay hindi nila nilagyan ng pampatulog ang panyo pero mali ako dahil pabagsak na ang mata ko, unti-unti nang sumasara ang talukap ko.
"Nandito ka lang po pala, pinahirapan mo kami," rinig kong winika ng isa sa kanila na nasa harapan ata ng sasakyan.
I don't know them, kung makapagsalita sila ay parang kilala nila ako, gusto ko sanang basagin ang salamin ng sasakyang ito pero hindi ko na maimulat ang mga mata ko at mukhang wala na akong ligtas sa pagkakataong ito.