[2025,Present]
•Jefeya Pov•
"TUMABI kayo kung ayaw niyong tamaan sa akin," kay aga-aga away agad ang bubungad sa akin sa lunes na ito, naiinis pa naman ako 'pag araw na 'to.
Ni hindi man lang ako hinayaang makatungtong sa lupa ng school namin ng mga ungas na lalaking ito, at yeah, kung sa mga story babae ang kaaway ng mga bida ako naman ay mga lalaki sa totoong buhay.
Galit sila dahil kahit babae ako ay nakikipagrambulan ako sa kanila, wala akong pake sa natatamo kong sugat or injury pa man 'yan dahil ang gusto ko lang ay kasiyahan.
"Boss, kung ako sa'yo tumabi na tayo," bulong ng isang lalaki na nasa likod nitong ungas na nasa harap ko at nakahalukipkip pa.
Para sa kaalaman ninyo'y marami siyang mga kasama pero hindi ako natatakot, mukha lang silang mga adik pero it doesn't mean ay dapat ko na silang katakutan, duh, puwede namang tumakbo kung sakali mang tangkaan nila ang buhay ko.
Sometimes kasi I feel lazy to fight with the others, "Bilisan niyong tumabi dahil male-late na ako."
"Ang lakas ng loob mong babae kang—"
"Boss babaan niyo ang boses niyo," bulong naman no'ng isa pa sa kaniya dahil kung hindi ako nagkakamali ay nakarambulan ko na ang iba niyang mga underlings especially 'yong mga bumubulong sa kaniya, kaya siguro alam nila ang mga kaya kong gawin kahit babae ako.
Napasapo naman sa noo ang leader leaderan nila at halatang pinipigilan na mainis, "Gusto ko lang sanang!—sorry, gusto ko lang sanang itanong sa'yo kung ba't itinapon mo sa basurahan ang mga bag namin especially ang maganda kong bag?"
Wala namang pinagkaiba kahit babaan pa niya ang boses niya, mas mukha pa ngang galit ang mahinahon niyang boses kaysa sa malakas na sigaw niya na halos lumabas na ang mga ugat sa noo.
Napaisip ako bigla dahil wala akong maalala na ginawa ko 'yong bintang niya, "teka iisipin ko muna wait lang kayo."
"Iyong nasa gilid ng kalsada ro'n oh," tumuro siya sa likuran ko at hindi na ako nag-abalang lumingon pa ro'n dahil bigla na lang nag-pop sa ala-ala ko na may tinapon nga ako ngayon-ngayon lang.
Aish, napangiti ako nang maalala ko rin sa wakas, 'yon pala yon.
"Eh? Mga bag niyo pala 'yon? Sorrry a-akala k-ko kasi mga basura na, ang kalat kasi," napa-finger snap ako at ipinatong ang isang kamay sa braso niya't tinap ng dalawang beses, "Okay lang 'yan bag lang 'yon atsaka natanggal niyo naman na 'no?"
Imbes na maiwala ko ang inis nila lalo na siya ay mas lalo 'atang sumama ang tinginan niya at ng iba pa niyang kasama sa akin napaisip tuloy ako bigla, "Wait, ang tatanga ninyo, huwag niyong sabihin na hindi niyo pa rin kinukuha sa basurahan ang mga bag ninyo?" Nakatungo kong tanong.
Kaya pala napansin kong wala silang bag sa likod na madalas kong nakikita sa mga likod or kamay nila sa tuwing nagkikita kami ng mga ito at pansin ko namang parang nag-iisip ang mga kasama niya kaya napaisip na rin ulit tuloy ako.
Akala ko'y hindi nila maintindihan ang tanong ko iyon pala matagal lang talaga magproseso sa utak nila ang mga salita ko lalo na itong leader na naka-poker face, sampung segundo 'ata bago nanlaki ang mga mata niya'y bigla na lang siyang kumaripas ng takbo papunta roon kasama ang mga tuta nito.
Sigurado akong nakuha na 'yon ng garbage collector, ang sho-shonga kasi. Nakita na pala nila mismo ang mga bag nila ro'n kanina tapos mas inuna pa ang ang magreklamo sa harap ko pero okay na rin at least makakapasok na ako.
Gayon pa man, hindi lang naman sila ang siga rito dahil halos kalahati na 'ata ng estudyante sa school na itong pinapasukan ko ay patapon-buhay, it's a public school kaya ano pa bang aasahan ko.
Mabilis akong nakapasok sa school pero habang naglalakad ako sa hallway ay may mga nakikita akong nagchi-chismisan sa kada pinto ng classroom na nadadaanan ko at sa akin nakatingin.
Ano kayang mga problema ng mga ito sa akin.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa nakarating na ako sa room namin at nakakatawa lang dahil gano'n din ang mga kaklase ko feeling ko tuloy isa akong artistang may scandal.
"Jefeya, sino 'yong lalaki kanina?"
Tanong ng isa kong kaklase na medyo close ko, buti na lang may nauna na sa akin; magtatanong na sana kasi ako.
So they're talking about the man na kausap ko kanina, pero nakapagtataka lang, alam ko medyo sikat siya rito kaya paano o bakit hindi nila kilala ang lalaking 'yon?
Husme, hindi ko rin maintindihan ang mga taong ito e 'no? Ang daming puwedeng problemahin ba't about pa sa guy na 'yon.
Hindi naman kagwapuhan.
"Si Geymo," sagot ko sa kaniya, nilakasan ko pa para marinig nilang lahat.
Pero 'yong mga reaksiyon nila sa sagot ko'y akala nila nagsisinungaling ako, para bang iniisip nila nagjo-joke ako pero I'm not, seryoso ako sa isinagot ko, "Alam ko na ang mga mukhang 'yan, so hindi 'yong leader nila ang tinutukoy niyo? So sino pala? Isa ba sa mga kasama niyang lalaki? Abay, Mga hudas ba kayo? Sa sobrang dami no'n hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niyo."
Padabog akong umupo sa upuan ko at bawat dabog o tunog na nalilikha ko ay nagre-react din ang mga mukha nila.
"Iyong naka-jacket na black, mask at naka-cap, sa may likuran mo banda kanina, ang akala nga namin ay kilala mo dahil nakasunod ang taong iyon sa'yo hanggang sa pagpasok mo rito sa school," naguguluhan at napapaisip pang wika ni Heria.
Dahil sa sinabi niya ay napalingon ako sa corridor at sunod naman akong napalinga sa labas ng bintana, well dito ang puwesto ko sa tabi ng bintana at wala naman akong napapansin na kakaiba.
15 students lang sa bawat classroom ang school na ito, but mula no'ng first day as a grade 12 is 14 lang kami, we are not the last section kaya paanong nangyari na hanggang ngayon sa lahat ng classroom ay kami lang ang kulang ng isang student.
Baka may nagse-self study sa amin? Or baka kinulang lang ng student? hindi kaya ay nadrop out agad first day pa lang ng school no'n? ay ewan ko na talaga!
Bigla ko na namang naalala 'yong nangyari isang taon na ang nakalilipas.
FLASHBACK
[Friday, around 5 pm]
Habang nililigpit ko ang mga gamit ko para umuwi na ay may natanggap akong text message mula sa isang lalaking nagbabanta sa buhay ko, wala akong pake kahit ilan pa ang pagbabanta ang gawin niya dahil hindi ako natatakot sa kaniya.
Pero nang matanggap ko itong message niya na kakaiba sa lahat ng ipinadadala niya sa'kin ay napatayo agad ako sa kinauupuan ko at napasilip sa bintana, iilan na lang kaming tao rito sa room at school kaya naglakas loob na pumasok ang lalaking 'yon dito.
Isang lalaki ang nakasuot ng black jacket at nakasumbrero, since kilala ko na siya ay hindi na siya nagsuot pa ng mask, mula rito sa 3rd floor ay nakikita ko ang labi niyang nakangisi pero hindi ito humngad para makita ako, sinadya niyang ipakita lang ang nakangisi nitong labi sa akin para sindakin ako.
Balak ko na sanang babain siya or isumbong sa principal nang makatanggap na naman ako ng text message at tila'y alam niya ang magiging move ko kaya binantaan na naman ako nito, may habol pa siyang text na mas ikinatakot at kaba ko dahil ang inihabol niyang message ay ang pagbabanta sa buhay ng aking nanay, nanay ko na siya'ng tanging pinakamahalaga at natitira sa akin.
Hawak niya ang nanay ko pero wala akong ibang magagawa 'kundi ang iligtas siya, gusto ko mang magsumbong sa police dahil seryoso na itong nangyayari sa akin ay wala na akong magagawa pa dahil malaking grupo ito, ramdam kong may iba pang nakatingin sa akin para bantayan ang kilos ko.
Labag man sa loob ko ay gagawin ko ang ipinag-uutos niya na siyang magliligtas sa nanay ko; ang lumabas ako rito, umakyat sa roofdeck at tumalon.
Maraming tao ang gusto akong mamatay dahil maliban sa malalaking tao na ang nababangga ko ay nagagawa ko pa silang maipakulong dahil sa mga masasama nilang gawain, pero ito ang pinakaunang grupo na ginamit ang kahinaan ko para tuluyan akong mabura sa mundong ito.
Habang umaakyat ako sa roofdeck ay walang tigil ang paglabas ng luha ko sa aking mga mata.
Dahil sa gawain ko ay nadamay ang pinakamamahal ko. Alam kong makaliligtas si mama kung gagawin ko ito dahil marunong tumupad sa usapan ang lalaking 'yon.
Ito na ang pinakahihintay nila.
Nakarating na ako rito sa lugar na gusto niyang puntahan ko, hindi ko nga namalayang nasa ledge na ako at ready to jump na.
Napapikit ako ng marahan at bumuntong hininga bago muling dumilat.
Natatakot ako dahil marami pa akong pangarap sa buhay, pero mas hindi ko naman kakayanin kung ang nag-iisang inspirasyon ko sa buhay ay mawawala nang dahil sa pinaggagawa ko kaya mas mabuti nang ako ang mawala.
Ready na ako.
Ready na nga ba talaga?
Ipinikit ko na muli ang aking mga mata't pinakiramdaman ang hangin.
Para bang napakatagal ng aking paggalaw, binigay ko na sa hangin ang aking katawan nang...
Bigla akong napasinghap dahil may biglang humatak at yumakap sa akin pero hindi agad ako nakadilat dahil ngayon ko lang naramdaman ang takot at panginginig. Isa pa'y hindi ko alam ang gagawin ko sa mga oras na ito.
Ano ba'ng pumasok sa isip ko at gagawin ko talaga ang gusto ng lalaking iyon? Handa ba talaga akong magpakatanga kapalit ng kaligtasan ng aking ina? Gano'n ba talaga ang pagmamahal?
Pero nang magproseso na sa akin na wala na pa lang tao ang nakayakap pa sa akin ay napadilat agad ako at wala na akong nakitang ibang tao rito maliban na lang sa mga pulis na kararating lang at sunod-sunod na nagsisiakyatan rito sa roofdeck.
Chineck agad nila ako if okay lang ako and pagkalingon ko sa likuran ko't napasilip sa baba ay nakita kong hinuhuli na ang lalaking 'yon pati na rin ang mga kasama niyang naka-itim na jacket din.
Tama nga akong marami silang nakabantay sa kilos ko pero paanong nagkaroon ng pulis dito ni hindi pa ako tumatawag sa kanila?
Balak ko sanang tanungin ang isang police nang bigla akong nahilo't naramdaman ang pagkauntog ng ulo ko sa sahig.
"Ms."
"Ms."
FLASHBACK END
Until now ay wala pa rin akong ideya kung sino ang taong iyon.
Bigla na lang akong nakaramdam ng kaba dahil it's either isa na naman sa maghihiganti sa akin o 'yong tao na nagligtas sa akin ang tao na nakita ng mga ito kanina na nakasunod daw sa akin.
Aaminin kong matapos ang mga nangyari sa akin noon ay natakot ako at hindi na maaalis sa akin 'yon kahit kailan pero hindi ko pa rin itinigil ang ginagawa ko dahil feeling ko ay 'yon ang misyon ko rito sa lupa at para bang bisyo ko na siya na hindi ko kayang ihinto. Pero hindi na ako katulad ng dati na hindi naging maingat, itinago ko na ang nanay ko at malapit sa police station kami ngayon nakatira para masiguro na ang kaligtasan namin.
Sa sobrang busy ko maisip ay hindi ko namalayang hawak ko na pala ang tubigan at halos mangalahati na dahil nabuhos na sa sahig.
Hanggang kailan kaya ako magiging ganito, bawat hakbang ko rito sa school ay sumisikip ang dibdib ko na para bang pakiramdam ko ay hindi ako safe.
Minsan ay napapaisip ako kung kaya ko pa bang mag tagal dito dahil habang tumatagal...
"J-Jefeya..."
Ay unti-unti ko nang nararamdaman ang pagkaayaw ng lahat sa akin, nasasakal ako sa tuwing iniisip na ligtas pa kaya ako rito? O may tao pa kaya sa school na ito ang gugustuhin akong makasama dahil sa totoo lang...
"Y-'yong medyas ko, Jefeya!"
Malapit na akong sumuko.