Chapter 4
Shaira pov
Mahigit isang buwan na ako dito at halos nakapag-ipon na rin ako kahit papaano. Mahigit dalawang linggo ko na rin hindi nakikita ang lalakeng naghahalik bigla. Hindi ko alam kung bakit hindi maalis sa isip ko ang gwapo niyang mukha at ang malambot niya labi. Kahit mabilis lang ang pagdampi ng labi niya sa' kin ay hindi ko iyon makalimutan.
Naiinis ako sa sarili ko dahil nagpapa-apekto ako sa lalakeng iyon, At ang mas nakakainis ay parang wala man lang sa kanya ang nangyari.
Bwist, Kailangan mabura iyon sa isip ko!
Erase! Erase, Dapat focus lang ako sa plano.
Enhale, Exhale. Huminga ako ng malalim, Mukha na akong bal*w na ewan dahil sa pinang-gagawa ko. Naiiling akong umupo sa kama, Burahin mo sa isip ang lalakeng taga syudad. Dapat walang sagabal sa plano 'mong makapag-ipon.
Nang maisip ang ipon ko ay tiningnan ko ang ilalim ng kama, hinila ko doon palabas ang bag na naglalaman ng aking gamit. Napangiti ako ng makita kung ilang halaga na ang naitabi ko, tama nga si natasha malakas ang kita dito. Yun nga lang ay kailangan 'mong sumayaw sa harap ng maraming kalalakihan. Nakaka-panliit man sa sarili ay pilit ko pa rin ginagawa upang makapag-ipon ako ng sapat na pera, Kailangan ko pa ng malaking halaga upang umuwi ng probinsya.
Bigla ay bumukas ang pinto kaya muli 'kong binalik ang pera sa bag, isinalingsing ko iyon sa ilalim ng makita si natasha na hawak ang kanyang cellphone. Nilahad niya iyon at nakita ko si mama na tumatawag.
Nakausap ko na si mama tungkol sa sitwasyon ko, kaso lang ay puro kasinungalingan lamang ang sinabi ko. Hindi ko pinaalam na sa isang night club ako nagtatrabaho at nagbibigay aliw sa kalalakihan, Iyong alam niya lang ang sinabi ko upang hindi siya mag-alala, Ayokong mangyari iyon.
"Hello ma, Napatawag ka?" bungad ko, nanatiling nakikinig si natasha sa gilid. Ngunit ng marinig ko ang paghikbi ni mama sa kabilang linya ay naalarma ako.
"Ma anong problema?" kinakabahang tanong ko, tumayo ako at hinihintay ang kanyang pagsagot.
"Si M-mayumi kasi." Naputol ang kanyang pagsasalita dahil hindi nito maibigkas ang nais sabihin dahil sa kanyang pag-iyak. Ngunit batid 'kong may nangyari ng masama.
"Anong nangyari kay mayumi? Inatake na naman ba siya ng kanyang sakit?" tanong ko, pilit 'kong tinatatagan ang sarili kahit kinakabahan na ako sa pweding malaman.
Ang bunso 'kong kapatid ay may sakit sa puso, Hindi siya maoperahan dahil salat kami sa pera. Pabalik balik siya sa ospital minsan, kaya dumadating yung araw na napupuno kami ng utang. Malaki ang pasasalamat ko sa mga kapitbahay namin doon dahil tinutulungan nila kami sa tuwing gipit na gipit kami sa gastusin.
"K-kasalukuyan kaming nasa ospital, Anak. S-sinugod namin si mayumi dahil nahihirapan itong huminga, M-may l-lumalabas na d-dugo sa kanya. A-ang sabi ng doctor k-kailangan na siyang maoperahan kung h-hindi baka bumigay bigla ang kanyang katawan pag h-hindi pa naagapan.."
Napaupo ako sa kama dahil sa sinabi nito, Ang isang operasyon ay umaabot ng mahigit kalahating milyon. Saan ako kukuha ng ganoong kalaking halaga, Tuluyan na akong naiyak dahil sa isiping nanganganib ang aking kapatid. Lumapit bigla sa' kin si natasha upang haluhin ako.
"Kailan ito kailangan operahan?" pinilit 'kong hindi pumiyok sa aking pagsasalita, Mahina si mama pagdating sa bunso 'kong kapatid. Kung ipaparamdam 'kong mahina ako ay walang mangyayari. Dapat maging malakas ako upang kahit papaano ay maging kampante siya.
"Nasa loob ito, Under Observation pa siya. Pero ang sabi ng kanyang doctor ay huwag ng patagalin ang operasyon, Sigurado bukas ay bubuksan na siya.."
"S-sige ma.." lumunok muna ako bago ipagpatuloy ang sasabihin. "Didiskarte ako ng pera dito, Huwag kayong mag-alala. Gagawin ko ang lahat para lamang maoperahan na si mayumi.." pinahid ko ang luhang lumandas sa aking pisngi.
"S-salamat anak, Pasensya na at kailangan 'mong gawin ito.."
"Obligasyon ko ang mga kapatid ko ma, At kahit mahirap ay gagawin ko upang hindi sila maghirap. Basta sang-ayunan niyo lamang ang nais ng doctor, Tatawag akong muli pag nakapag-hanap na ako ng pera.."
"Sige, anak. M-mag-iingat ka riyan.." ibinaba ko na ang linya kasabay ng muling pagpahid ng aking luha, inabot ko iyon kay natasha na halatang narinig ang pinag-usapan namin.
"You need money for operation.." tumungo ako, naiiyak sa katotohanang walang magawa. Pero kailangan 'kong kumilos, Oras lamang ang hinahabol ko.
"Ang kapatid 'kong bunso, May sakit ito sa puso. Hindi na kinakaya ng kanyang katawan kaya kailangan na siyang ma-operahan.." paunang anas ko, kinagat ko ang pang-ibabang labi upang pigilan ang maiyak. "Kailangan ko ng pera.."
Tumango ito. "I know." bumuntong hininga siya. "Do you want to deal tonight, Matutulungan ka ng perang kikitain mo. Ngunit alam mo ang kapalit nito.."
Napapikit ako sa kanyang tinuran, Ito ang pinaka-ayaw ko ngunit parang gagawin ko ito upang mailigtas ang buhay ng aking kapatid.
"Hangga saan aabot ang halagang makukuha ko?"
"Dipende iyon sa mga parokyano.."
"Sapat na ang kalahating milyon para sa' kin.." ani ko at muling nabagabag sa kaisipang sino naman ang bibili sakin sa halagang iyon.
Hindi ko alam ang pweding mangyari ngunit susubukan ko.
"Hindi ko masasabi na aabot iyon sa halagang milyon, Ang unang deal na magaganap ay nasa Singkwenta 'Mil lamang.." napapikit ako, Magiging bayarang babae pa yata ako upang mabuo lamang ang perang kakalanganin sa operasyon.
Tsk.
"Pero huwag 'kang mag-alala, Tutulungan kita. Ako ang bahala sayo.." malungkot akong ngumiti matapos niyang sabihin iyon. Kahit papaano ay may karamay ako sa aking problema.
__
Sumapit ang gabi na hinihintay ko, Nabanggit na iyon ni natasha kay ma'ma kaya halos ipagdiwang niya iyon. Malaking komisyon ang makukuha ng matandang iyon dahil malaking halaga ang ilalabas ng mga manunuod.
Sana lamang ay mapunta ako sa hindi marahas na lalake, Nakakapanlumong isipin na dinanas ko ito sa murang edad. Wala akong ibang malalapitan, At tanging ako lamang ang inaasahan ni mama sa ngayon. Wala akong pagpipilian kundi gawin ang labag sa kalooban ko.
Lilipas din ang lahat.
Bumukas ang pinto ng aking silid, pumasok doon si natasha kasama ang mukhang pera na amo ko. Nakangiti ito, at sa sobrang laki ng kanyang ngiti ay mapagkakamalan mo siyang nanalo sa lotto. Kung sabagay, para na siyang nanalo sa lotto dahil sa desisyon ko.
Gusto ko itong hambalusin, ngunit pag naiisip 'kong matanda siya ay kinakalma ko na lamang ang sarili. Saka na siguro pag nawala na ako sa tamang pag-iisip.
"Nasabi na siguro sayo ni natasha ang patakaran sa dealing, Nag-uumpisa iyon sa halagang limangpu. At kung suswertihan ka ay aabot iyon ng milyon, dipendi sa mga taong manonood syempre.." tinapik niya ang aking balikat kaya halos magsitayuan ang balahibo ko, Josko lord. Patawarin mo ako kung may magawa akong hindi maganda sa matandang ito.
"Maganda ang gabi para sa magandang katulad mo, Huwag 'kang masyadong magpakipot sa makakabili sayo dahil ayokong masira sa mga tao ko, tandaan mo yan.." ngumisi siya bago niya harapin si natasha na wala man lang ekspresyon sa kanyang mukha.
"Ayusan mo iyan at pagandahin, Doon na ako sa ibaba upang Mag-announce na lalabas na siya matapos ang isang oras.." tumalikod na ito na hindi nabubura ang ngisi sa labi, huminga ako ng malalim upang mabawasan ang nag-iinit 'kong ulo dito.
Lecheng matandang iyon. Sarap bunutan ng maputing buhok!
"Ayos ka lang?" bigla ay tanong ni natasha, ngumiwi ako.
"Hindi, Naiinis ako. At parang gusto 'kong pumatay ng matandang ukluban!" natawa ito, kaya inismiran ko siya.
"Ang mga matatanda ay ganyan lamang, Mukhang pera.."
"Tsk, sobra ang boss 'mong iyon, Mukha na siyang limang daan sa katakawan niya ng pera!"
tumango ito "Literal na limang daan!." lumapit siya, inakbayan ako. "Kailangan na kitang ayusan, Basta ang maipapayo ko sayo ay magdasal ka."
"Tinatakot mo ako lalo!" asik ko, natawa siya.
"Sa una lang masakit, pero ma-eenjoy mo rin pag nagtagal.."
"P*ny*ta!" halos matawa ito sa inasal ko, para akong masusuka kung iisipin 'kong matandang lalake ang makakabili sa' kin.
Sigurado akong matanda nga, Sino ba ang kasing-edad ko na may milyon milyong pera! Napapailing ako sa isiping iyon. Bwist!
___
Saktong isang oras ng makapag-handa ako, Mukha na akong lalaban sa pakapalan ng kolorete sa itsura ko, At mahihiyang lumapit sa akin ang cristmast light sa kintab ng suot ko, Handa na talaga akong magpabayad at magpa-alipin sa lalakeng makakabili sakin.
Kinakabahan ako.
Huminga ako ng malalim bago libutin ang paningin sa paligid, kakalabas pa lang namin at halos naghihintay na ang mga tao sa labas. Suot ko pa rin aking maskara dahil kasama ito sa plano, Pag umabot ng mahigit isang daang libo ay kakailangan ko na itong hubarin upang mas lalong ganahan ang mga lalakeng manunood.
Para na akong maiihi sa kaba, Nanlalamig ang palad ko maging ang aking buong katawan. Gusto ko na lang matapos ang gabing ito.
"Sana isa sa mga adonis ang makabili sayo, Alam mo. Yung mga nakasama niyo noong isang gabi.." mas lalong dumoble ang kaba ko dahil sa sinabi ni natasha.
"Nariyan ba sila?" tumango ito, natatawa sa reaksyon ko.
"HAHA Oo, Kasama ang papa Jacob mo.." kinagat ko ang pang-ibabang labi, narito siya at masasaksihan ang kahihiyang gagawin ko.
Kung sana ay siya na lang ang makabili sakin.
Napamura ako sa isip, Bakit siya bigla ang gusto ko!
Nang-ilinga ko ang paningin sa gilid ay naroon nga siya sa pwesto niya, Naka-uniporme ito. Halatang pumapasok sa paaralan, Seryoso lamang itong umiinom na tila malalim ang iniisip.
Sana nga lang siya ang makakuha sakin.
"Huy, Shai. Ang gwapo ni jacob HAHA." nilihis ko ang paningin dito, peste. Mukhang nakalimutan na ako ng lalakeng iyon.
"Hindi gaano, sakto lang upang mag-mukhang tao.."
"Wow ha, Seye pe telege nanggaling yen.." sinamaan ko siya ng tingin sa nanliliit niyang boses, Ang lakas din pala mang-asar ng isang 'to.
"Halika na nga!" anas niya kalaunan, Nawala ako sa kundisyon dahil hindi man lang ako tinapunan ng tingin ng lalakeng iyon.
Tama nga si natasha, Gwapo siya.
At ang gaya niyang gwapo ay hindi pag-aaksayahan ng oras ang isang katulad ko.
Probinsyanang bayaran, Yan na ngayon ang maihahalintulad ko sa sarili.
____