Chapter 3
Shaira Pat Valdez pov.
Maaga pa lang ay mulat na ang aking mata, Pero pinanatili ko ang sarili sa higaan. Tamad na tamad ako, at sobrang sakit ng ulo ko sa hindi maayos na pagtulog.
Naiinis ako sa kadahilang naiisip ko siya. Sobrang laki ng epekto sakin ng ginawa nito, Parang hangga ngayon ay ramdam ko pa ang kanyang labi na nakadampi sa akin.
Sobrang lambot nito.
Amoy na amoy ko ang mint ng kanyang hininga dahil sa paghalik niya sakin, Halatang maalaga sa kanyang sarili.
Tch, Bakit ba pilit iyon pumapasok sa isip ko.
Maleleche pa yata ako sa lalakeng iyon.
Nagpagulong ako sa kama baka sakaling maalis sa isip ko iyon, ngunit nakatatak na sa isip ko ang pangyayaring ginawa niya. Hinalikan niya ako!
"Ninakawan niya ako ng halik! S*ra na ba ang ulo mo!!" kinuha ko ang unan at pinagsusuntok iyon, iniisip ko na hawak ko ang kanyang ulo at pinupuno ng batok.
Nang-gigigil ako!
Hindi lang basta halik iyon, Dahil first ko ang kinuha niya! First kiss ko iyon!
Akala niya ba tutugon ako porket gwapo siya! Walang hiya, Nang-gigigil ako sagad hangga sa aking likod. Hayst!
Bigla ay natigilan ako sa biglaang pagkatok, nakalock ang pinto dahil wala pa akong tiwala sa mga kasamahan naming lalake na nagbabantay dito. Mas mabuting magduda muna bago magtiwala.
"Shai kakain na!" Sigaw ni natasha mismo sa pinto, tinapon ko ang unan sa dulo ng kama bago tumayo.
"Nariyan na!" sagot ko, hindi ko na inabalang mag-ayos dahil wala ako sa kundisyon upang asikasuhin ang aking sarili.
Hindi na importante kung ano ng itsura ko.
Paglabas ko ay siyang bumungad sakin, para akong lantang gulay na nakatayo habang ito ay nakangiwing nakatingin.
"Mukhang hindi ka nakatulog sa itsura mo, Anong oras ka ba pinapasok ni ma'ma?"
"Ala-una Y' media yata iyon." tumango ito habang palabas kami ng aming silid.
"Sayang at nakatulog ako, Nakasama niyo pala ang mga gwapong costumer. Anong nangyari sa inyo?"
Nag-iwas ako ng tingin. "W-wala namang nangyari.." tinaasan niya ako ng kilay.
"Talaga ba? Bakit namumula ka bigla? Tch, Bakit hindi mo sabihin kung saan ka dinala ni Jacob, Sabi ni kate sa 'akin ay hinila ka daw nito palabas.."
Napapikit ako "Wala naman talagang nangyari, Halika na nga ang dami 'mong tanong.."
Inakbayan ako nito. "Huwag kang mag-alala, Kung ano man ang nangyari sa inyo ay hindi ko ipagsasabi.." sinamaan ko siya ng tingin, bakit ba pinipilit niyang may nangyari.
Tch, meron nga. Ngunit isang mabilisang halik lang.
"Masyado 'kang mausisa natasha.." nauna na akong lumabas at dumiretso sa labasan kung saan naroon ang mga nag-aayos na waitress.
Nilibot ko ang paningin.
Bakit tila nag-iba ang ayos nito.
Mukhang naging Resto-bar.
Kung ganon, Restaurant nga ito tuwing umaga. At pag-sasapit ang gabi ay doon iibahin ang ayos ng mga upuan.
"Mag-agahan na kayo.." salubong ni ma'ma, Sumunod ako rito ng maglakad siya papalapit sa mga nakasama ko kagabi. Naupo ako roon kasunod si natasha.
"Eto ang kinita niyo kagabi.." anas ni ma'ma, May inilabas itong puting sobre. "Kinuha ko na ang akin, Pagbutihan niyo uli mamayang gabi upang marami ang ating kita.." ngumiti ito.
Tsk.
"Ma'ma, Maari ba kaming lumabas. May bibilhin kami sa bangketa kung pwedi sana.." bigla ay saad ni kate, tumango ito sabay baling sa' kin.
"Kayo lang, Huwag niyong isama ang bagong ito. Panigurado tatakasan niya kayo.." tumayo ito kaya halos mapaismid ako saking kinauupuan, Kung wala lang akong respeto sa matanda ay kanina ko pa iyon sinabunutan.
Ngunit hindi pa naman ako ganoon kasama.
"Bakit Shaira? Balak mo 'bang umalis na rito?" tanong ni faith, nag-uumpisa ng kumain.
Tumango ako "Hindi talaga ito ang inaasahan 'kong trabaho.." ani ko, kinuha ang kape at sumimsim ng bahagya.
"Hindi ka papayagan ni ma'ma." singit ni kate, "Malaki ang binayad ni giovanni kagabi, At gagawin 'kang pagkakakitaan ni ma'ma panigurado.."
Sumang-ayon rin si faith "May kumukuha sa' yo kagabi, Kausap ni ma'ma. Ngunit hindi nagustuhan ang binigay nitong presyo kaya narito ka pa.."
Nag-angat ako ng tingin. "Anong ibig 'mong sabihin?"
"Ipagbibili ka nila sa mataas na halaga shaira, Kaya kung ako sa' yo aalis na ako ngayon pa lang.." tugon ni kate na siyang nagpatikhim kay natasha.
"Tigilan niyo nga si shaira, tinatakot niyo siya!"
"Totoo naman, hindi ba?" sumandal si kate, pinag-krus ang kamay.
"Oo, totoo iyon. Kaya nga huwag niyo ng ipaalam.." nilingon ko ito.
"Alam mo?"
"Yeah, But we have plans right? Sigurado makakaipon ka pa bago makaalis dito." lumapit ito sa tenga ko "Huwag ka lang maingay.." ibinulong niya iyon at muling nagpatuloy sa pagkain.
Mas sang-ayon ako kay natasha, Mag-iipon muna ako bago tumakas. At para na rin may pera ako kung sakaling hindi man ako makauwi agad ng probinsya.
"Pero kung sakaling may bumili sa' yo sasama ka ba?" bigla ay tanong ni kate, maka-ilang ulit akong umiling.
Hindi ako magpapabili kahit sa mataas na halaga, Hindi sa ganitong trabaho masisira ang puri ko,
"Halimbawa, Isa sa mga adonis ang magbabayad hindi ka pa ba sasama, Example si Jacob. Yung humila sa' yo palabas.."
Nag-iwas ako ng tingin, Kagabi niya pa sinabi iyon. Kinumbinsi niya akong magpabayad upang makita ang mukha ko, ngunit hindi lang iyon. May iba pa siyang kundisyon. At iyon ang pinaka-ayaw ko, Malay ko ba sa kundisyon niya, kahit gwapo ito, matangkad, mabango at makinis ay hindi ako madadala.
Bwist, Hangga ngayon kabisado ko pa ang gandang lalakeng meron siya. Iba talaga pag laking syudad, Parang artista ito kung titingnan, pag malapitan naman ay parang modelo, Hindi kaya artista iyon, Tsk. Lumalayo na ang naiisip ko, Bakit ko nga ba iniisip ang lalakeng naghahalik bigla!
"Napaisip ka shaira, Mukhang bet mo si Jacob ha.." pang-aasar ni abby, napasimangot ako.
"Wala akong panahon sa mga lalake.."
"Weh? Narinig ko na ang linyang yan, shaira.." nailing na lang ako at tuluyan ng inubos ang kape, hindi ko naman maitatangging napukaw niya ang atensyon ko kagabi, Iyong mga mata niya kasi ay parang hinihigop ako para lamang mapatitig sa kanya.
Ayss! Burahin mo iyan sa isip mo Shaira Pat!
"Wala pa rin talagang pinagbago si giovanni, ang galing mangabayo! HAHAHA.." naiiling ako sa tinuran ni kate, bago sumandal sa upuan.
"Maging si philip hindi nagpapahuli, Mygosh! Muntik na akong hindi makauwi kagabi.." kinikilig na ani faith, habang si abby ay salubong ang kilay.
"Si miguel talaga, Tablado ako. Nagdududa na nga ako sa kanya. Hindi kaya bakla iyon at nagpapanggap lang upang makasama ang mga adonis.."
"Bakla nga siguro." sabat ni natasha, "Pero sayang ang gandang lalake naman kung ganon, baka hindi lang siguro ikaw ang tipo niya. HAHAHA."
"Tch, Walang nakakatawa.." ngumuso ito kaya muli akong nailing sa pinag-uusapan nila, hindi ako inosente sa pinag-uusapan nila. Ngunit kahit ano ay wala pa akong karanasan, At ang nangyari kagabi ay iyon pa lang ang unang halik na naranasan ko.
At ang Jacob na 'yon ang siyang buminyag sa labi ko.
Tsk, Kung tutuusin ay maraming nanliligaw sa akin. Lalo na sa probinsya na halos hindi ko na lang pansinin dahil mas abala ako sa pag-aaral at pagtitinda upang kahit papaano ay makatulong ako kay mama.
Naalala ko pa ang laging habilin nito sakin, Ayos lang daw sa kanya na magkaroon na ako ng nobyo. Ngunit ang matinding habilin nito ay maghanap daw ako ng lalakeng tapat magmahal, kahit hindi gwapo, kahit kamukha naming hikahos sa buhay ay ayos lang daw dito. Basta ang mahalaga ay mayaman ito sa pagmamahal.
"Uy, Shai. Your day dreaming.." singhal bigla ni natasha, tapos na pala ito sa kanyang pagkain.
"May sinasabi ka ba?"
"Psh, Oo. Umakyat na tayo at magbubukas na itong resto. Baka maabutan pa tayo ni ma'ma dito, mainit pa naman ang ulo niya tuwing umaga, Alam mo na menupouse na kasi HAHAH.."
"Grabe ka, Baka bigla ka nitong marinig.."
"Totoo naman, halika na nga.." muli ay bumalik kami sa aking silid, naupo ako sa kama habang siya ay nakasandal sa pinto.
"Ano ba ang iniisip mo?" Tanong nito ng muli niyang mapansin ang pananahimik ko.
Bumuntong hininga ako. "Si mama lang, Nag-aalala na ako. Hindi kasi ako nakatawag sa kanila.."
Naupo siya sa tabi ko "Kabisado mo ba ang numero nila?"
"Hindi, Nakasave iyon sa cellphone ko. Pero pag-gising ko wala na iyon.." muli ay napabuntong hininga ako sa kaisipang ito, baka nag-aalala na sila mama. Hindi naman ako sigurado kung nakausap na ba nila si tita. Mas maganda parin kung ako mismo ang magpa-alam sa kanila na maayos lang ako.
Wala akong planong ipaalam sa kanila ang nangyari, Masyado silang mag-aalala. At baka makasama pa iyon kay bunso dahil may sakit ito.
"Alam ko na, Why dont you try a letter? Pwedi na'tin iyon ipadala sa emailbox ngayon, Ipapadaan natin kay kate paglumabas sila." mabilis akong sumang-ayon sa sinabi nito, mabuti na lang at meron pang email kahit sa panahong ito, Magpapadala na nga lang ako ng sulat.
Tumayo ako upang maghagilap ng pweding pagsulat, Tumulong din si natasha kaya halos kinse minutos lang ng matapos ko ang sulat na ipapadala sa kanila. Nilagay ko rin doon ang numero ni natasha upang makatawag agad sila sa' kin sa oras na matanggap nila ito.
Grabe, Sobrang miss ko na sila. Mahirap din palang mawalay sa pamilya, Lalo na't hindi ka sanay mag-isa.
Nakakalungkot, Pero pipilitin 'kong maging matatag para sa kanila at sa sarili ko.
____
A/N ; Another Point of view.
Jacob Monteclaro Pov.
Its passed Eleven in the morning when i wokeup, Hawak ang ulo akong naupo sa kama habang nakapikit, Hindi naman ako nalasing kagabi pero bakit ang sakit ng ulo ko. F*ck,
Hindi ka nga nalasing pero sumakit ang ulo mo kakaisip sa babaeng iyon, hindi ako pinatulog ng kaisipang hindi ko siya nai-uwi! Ang misteryoso niyang mukha ang siyang pumupukaw sa diwa ko kaya halos hindi ako nakatulog ng maayos.
I walked on my side table while creassing my head, Its killing me hardly! D*mn, Kinuha ko ang pain killer doon at ininom. Naiiling akong naglakad patungong banyo upang iligo itong sakit ng ulo ko.
Ngayon lang nangyari sa'kin to, Isang baguhan ang nagpagulo sa isip ko, Tsk.
Nang matapos sa pagligo ay naupo ako sa kama habang pinapatuyo ang aking buhok, Iniisip ko kung anong magandang gawin ngayon upang malihis sa isipan ko ang babaeng nakamaskara.
Ang malambot niyang labi.
Ang boses niya, Kahit naghahamok ay gusto ko iyon.
D*mn it Jacob!
Naiirita akong tumayo at nagtungo sa kusina upang magtimpla ng maiinom, Sarili ko ang condo. At napaka-boring ng araw ko ngayon. Kung sanang naisama ko ang babaeng iyon dito paniguradong mawawala ang sakit ng ulo ko.
Tsk.
Napapabuntong hininga akong sumimsim ng kape, Malilibang rin ako bukas dahil paniguradong maraming abalahin ang gagawin sa university. Unang araw ng pasok bukas, At kahit tinatamad ako ay pilit akong papasok upang makalimutan ang babaeng iyon.
Hindi muna siya dapat iniisip pa, Ang mga babae ay sakit lang sa ulo. At dapat sa kanila ay pinapa-ikot lang sa mga kamay mo.
Naglakad ako sa sala at doon naupo, Muli akong dinalaw ng kalungkutan dahil sa litratong bumungad sakin, Ang dalawang importanteng tao na nakangiti habang naka-yakap sa' kin. Kung sana ay narito sila mas magiging masaya ang buhay ko. Ngunit simula ng mamatay sila ay para na rin akong patay na nabubuhay.
Ang mga taong umampon sakin at kumalinga, Ay minsan lang binawi, Ang tinuturing 'kong ama na namatay dahil sa pamamaril.
Hindi ko mapapatawad ang gumawa nito, kahit mahabang taon na ang lumipas ay sariwa pa rin sa'kin kung paano umiyak si mommy sa lungkot at bawian ng buhay sa pangungulila.
Kinasusuklaman ko ang lalakeng iyon.
Sumandal ako sa sofa kasabay ng pag-ring ng aking cellphone, Kinuha ko iyon at ng makitang si giovanni ang tumatawag ay sinagot ko.
"What?" Masungit na bungad ko.
Tumikhim siya "Where are you running man?"
"Im here in my unit."
"Tsk, Anong ginagawa mo diyan! Nakalimutan mo, Bukas na ang pasukan.."
"So?
"Anong so! Nandito kami sa fatima, Im with philip and miguel, Were waiting for you. Bilisan mo!" nailayo ko ang cellphone dahil sa malakas niyang boses, Tsk. Anong gagawin ko doon kung bukas pa ang pasukan. Sasagot pa lang sana ako ng bigla niya akong pagbabaan ng linya.
Mga s*raulo..
Tumayo ako hawak ang aking ulo, D*mn. Bakit hindi effective 'yung gamot. Gusto 'kong matulog ngunit pag naiisip ko na dadalawin na naman ako ng babaeng iyon sa panaginip ay hindi na lang.
Much better to go out.
Nang makapagbihis ay dumiretso na ako sa ibaba upang sumakay ng kotse, Binuhay ko ang makina at pinaandar iyon patungo sa fatima university.
_
FATIMA PARKINGLOT.
Bumaba ako ng kotse at nilinga ang paningin, nakita ko sila na naghihintay sa harapan. Si giovanni na iritable, Si philip na nakikipag-kwentuhan sa dalawang babaeng naka-uniporme. Habang si miguel ay nakasandal malapit sa guard post. Wala na namam pakealam sa paligid.
Naglakad ako palapit kaya tumuwid ng tayo si miguel, Salubong ang kilay. "Your late." aniya, tumalikod at nagpa-una ng pumasok.
"Problema ng lalakeng iyon.." tanong ko kay philip.
"Lagi naman may problema ang lolo mo, nagtanong ka pa.." asik niya, nilingon ko si giovanni.
"Anong meron?"
"Kuhanan ng schedule para bukas, Nakalimutan mo. Tsk, Sinabi ko na kasi sayo na ang mga babae ay iniiwan sa labas at huwag mo ng ipasok sa isip mo.." Sinamaan ko siya ng tingin.
"Anong pinagsasabi mo!"
"Uh, Maang-maangan lang. Saan ba kayo nagpunta ng babaeng naka-maskara?"
Nag-iwas ako ng tingin "Wala.."
"Weh, Bakit hindi mo sabihin?" singit ni philip, pinag-taasan ko siya ng kilay.
"Mind your own philip! Tigilan niyo akong dalawa.." nilagpasan ko sila at sumunod kay miguel na malayo na ang narating, Tsk. Ang isang 'to ay may sariling mundo kahit kailan.
"Mukhang walang nangyari sa kanila.." pagpaparining ni philip sa gilid, hindi ko ito nilingon. Diretso ang aking lakad hangga sa mapantayan ko si miguel.
"Anong mukha, Wala ngang nangyari. Tsk kawawang Jacob natigang ng isang gabi." binalingan ko si giovanni ng masamang tingin.
"Stop bring back what happen last night, Mga walang magawa!"
"Why are you so affected?" singit ni miguel, Nilingon ko ito.
"Anong affected, Im not. Duh!"
"Duhh!" chorus na sigaw ng dalawa kaya halos batukan ko ang mga ito.
"Shut up!" angil ko at nagpaunang maglakad, tsk, Pagtulungan ba naman ako.
Lalo lang akong naiinis.
Sa susunod talagang magkita kami ng babaeng iyon ay hindi na siya makaka-hindi sa' kin. Kung kailangan gamitin ko lahat ng pera ko ay gagawin ko upang mapakita sa mga ito na hindi ako talo.
Nang makarating sa gitnang hallway ay lumingon ako sa tatlo, Sabay na silang naglalakad habang ang mga nakakasalubong nila ay hindi maiwasan mapatingin dito.
Halos hawak namin lahat ng atensyon dito sa loob ng unibersidad, walang ni isa ang hindi nakakakilala sa' min, Syempre lalo na ako.
Napangisi ako kaya halos pagtawanan ako ng dalawa.
"Hes crazy.." naiiling na ani philip.
"Yeah, Tinaaman ng pag-ibig.." dagdag ni giovanni.
Hindi ko na lang sila pinansin sa pagpaparinig nila, Mga walang kwentang kasama.
"Your way is in the other side.." wika ni miguel, tinuturo ang gusali ng mga criminology.
"Oo, Sa cafeteria na lang tayo magkita mamayang uwian.."
"Okay, Im going in my department.." aniya sabay talikod, Siya ang nag-iisang cullinary sa' amin. Nagtapos ito ng HRM pero continue parin ang kanyang pag-aaral.
Samantalang si philip ay bussiness ang kinuha dahil sa mga magulang nito, Si Giovanni ay isang Engr. hindi lang halata sa ugali niyang matalino ito, Siya ang literal na playboy sa aming lahat.
"Your treat today jacob, Nilayasan mo kami kagabi kaya ikaw ang magpapakain samin ngayon.." anas ni giovanni na siyang kinaismid ko.
"Mga patay gutom talaga kayo, tsk." asik ko, natawa sila. "Mauuna na ako sa inyo.." Hindi ko na sila hinintay makapagsalita, Naglakad na ako patungo sa departamentong aking papasukan.
Nang makapasok sa silid ay sa dulong pwesto ako naupo, Nasa ika-dalawang taon ang pinapasukan ko. Kaya halos pamilyar na mukha lamang ang mga kasama ko dito sa loob. Walang pinag-bago, Ako parin ang pinaka-gwapo.
Naiiling ako hangga sa pumasok ang terror teacher na advicer na rin namin ngayon, Kaonting discussion lamang ang sinabi niya sa harapan bago ibigay ang magiging schedule namin para bukas, Umalis rin ito kaya halos mainis ako kay giovanni. Kahit bukas ay makukuha ko ito, kung makasigaw pa naman siya sa telepono kanina ay parang hindi ako makakapasok kung wala ito.
Tsk, Kung mas boring sa condo ay mas doble din pala dito sa unibersidad. Nababadtrip ako bigla.
Salubong ang kilay 'kong bumaba ng gusali, nilalagpasan ang mga babaeng nakatingin sa' kin. Wala ako sa mood maghanap ng kalandian ngayon, Ang mga babae ay pare-pareho lamang.
Mga manloloko.
"Jacob!" Nilingon ko si giovanni ng makababa ako, malaki ang hakbang niya ng makalapit sakin.
"Akala ko ay tatagal ako ng isang oras doon, tsk. Wala man lang sinabi ang prof." giit nito,
"Masyado 'kang nanabik mag-aral, Wala naman kwenta ang nangyari ngayon." asik ko at dumiretso na sa cafeteria, Gaya namin ay naroon na rin sila philip at miguel. Mukhang wala rin nangyari sa kanila.
Siguro bukas pa talaga mag-uumpisang mag-discuss ang lahat.
"Oh mygod! Si Jacob!" bigla ay tili ng babae sa cafeteria, Naagaw niya ang atensyon ng lahat.
"Ang gwapo!"
"Sobra! Single siya ngayon dahil wala na sila ni samantha, Yiee."
"Omo! For real!"
"Yeah!"
Nilagpasan namin ang table nila, Hangga ngayon ay hindi naalis ang bulungan sa issue namin ni samantha. Ang Ex girlfriend ko, Sa tuwing naririnig ko ang pangalan niya ay parang masusuka ako.
Nasusuka ako sa kalandian niya. Sinayang niya lang ang oras ko.
Salubong ang kilay 'kong naupo sa regular naming pwesto, halos matawa si vanz ng makitang may pagkain na sa lamesa, Tumawa rin si philip. Magkasundo talaga ang dalawang bal*w.
"Sabi niya ay libre mo, Um-order na ako.." ani miguel, tinanguan ko lang siya at kinuha ang natipuhang pagkain.
Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ng bigla ay may humigit ng upuan sa gilid ko, nilingon ko iyon. At ng makita ay halos mawalan ako ng gana.
"Can I Join here, Adonis boys.." magiliw na ani to, tumango si philip na nakangiti sa' kin kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Ops, Thankyou.." Lumingon siya sa' kin. "Ow babe, Hello. How's your schedule?" blankong ekspresyon ko itong tiningnan kaya nabura ang ngiting meron siya.
"We already break up last night samantha, What are you doing here?" malamig na anas ko, nalungkot ito.
"I did'nt agree on that, Babe."
"Shut up and leave, I dont need your approval!" sumama ang tingin niya.
"Ipagpapalit mo ba ako sa nakamaskarang babae?" Nangunot ang noo ko, Paano niya nalaman. "Isang prostitute at babaeng bayaran, Ganon na ba kababa ang standard mo sa babae ngayon.." ngumisi siya, kaya nilaban ko ito ng tingin.
Matapos ng nangyari ay eto siya, Matapos niyang magpagamit sa kaibigan ko noon. Eto siya at kakausapin ako na parang walang nangyari, Tsk.
"Ano ba sayo kung siya ang natipuhan ko?" napamaang siya."Wala na akong pakinabang sayo, Natikman ko na kung anong meron ka at hindi na ako uulit pa sayo.." padabog akong tumayo at nagmartsa na palabas ng cafeteria, dinig ko pa ang bulungan ngunit ni isa ay wala akong nilingon.
Nasira ang araw ko dahil sa babaeng iyon.
Padabog akong sumakay ng kotse at halos kalampagin ko ang manubela dahil sa nararamdamang inis sa dibdib. Ang kapal ng mukha niya, Matapos ko itong bigyan ng pangalawang pagkakataon ay lolokohin niya lang akong uli.
Tsk, Sa lahat ng babae bakit sa manloloko pa ako nagmahal. Ang dalawang taon na ginugol ko sa kanya ay nasayang lang, Wala siyang kwenta.
Lahat ng babae ay walang kwenta.
_____
Chapter 3 End.