Chapter 8 (Friendly Date) Shaira pov Pakiramdam ko'y masikip ang aking espasyo sa paligid, Maalinsangan ang bumungad sa diwa 'kong nakagising. May nararamdaman akong mabigat na nakadagan banda sa aking tagiliran, Tinangka 'kong gumalaw ngunit hindi ako nagtagumpay. Ang isip ko'y nananaginip lamang ako ngunit ng imulat ko ang aking mata ay halos manlaki iyon dahil sa unang nasilayan ko. Ang kaonting katinuan meron ako ay unti-unting nawawala dahil sa lalakeng nakatabi sa'kin, Ang gwapo niyang mukha ay hindi malubayan ng aking mga mata. "GoodMorning, Promdi-girl.." napapakurap ako habang nakangisi ito, Ang nararamdaman 'kong mabigat ay kamay pala ng lalakeng ito. Itinulak ko siya ng mapagtanto ang pwesto namin, kinapa ko ang sarili bago mag-angat ng tingin sa kanya. "Anong ginagawa

