Chapter 9 (Jacob the beast) Jacob Pov. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong napapatingin sa aking relo, naiinip at sumasakit ang ulo ko sa huling klase. Naninibago ako ngayon dahil bigla ay nais ko ng umuwi, ayaw tanggapin ng sistema ko kung anong dahilan. Hindi maalis sa isip ko ang babaeng baguhan, napapaisip ako kung ano na ang ginagawa niya. Lumabas ba ito o tumakas na, d*mn. Mababaliw na ako sa sariling problema. Wala naman siguro akong nararamdaman sa babaeng iyon, hindi ko alam. Siguro ay pag-aalala lamang ito. Tama, nag-aalala lamang ako sa kanya kung sakaling lumabas siya. Paano kung mapahamak siya bigla, ako ang huling kasama niya. Hindi malayong ako ang sisihin, tama. Iyon lamang ang concern ko sa probinsyanang iyon. Nang sandaling palabasin kami sa klase ay nagp

