DENICE'S POV MATAPOS ng usapan namin ni Mommy V ay umuwi rin ako agad... mabuti na nga lang dahil walang nakakita sa'king fans. Mahirap na at baka maistranded nanaman ako at ma expose sa media. Tulad ng napag-usapan ay bumili rin ako ng pasalubong para kay Kice at kasama na rin si Mom and Dad. Nasa garden sila ng maabutan ko and as usual nag babike nanaman ang anak ko "Mom!" Sigaw n'ya ng makita ako sa likod ni mom and dad. may roong nagniningning na ngiti sa kaniyang labi at nagmadali naman s'ya sa paglapit at binigyan ako ng nananabik na yakap "Mag gagabi na... bakit nagbabike kapa?" May bakas ng pag-aalalalang sambit ko pero nginitian n'ya lang ako Bumuntong hinga ako dahil ano pa nga bang magagawa ko, Ang gusto ko kasi ay mag enjoy s'ya habang bata pa s'ya... di katulad sa'kin na

