FORCED MARRIAGE CHAPTER 8 S2 WRITTEN BY MASKYMEAN DENICE'S POV PASADO alas-dose ng hapon ng makatanggap ako ng tawag mula sa manager ko Kumakain kami ng mga oras na 'yon pero sinagot ko parin ang tawag n'ya "Hello Mommy V?" "Oh my god!!!!!" Tili n'ya kaya nailayo ko sa tenga ko ang telepono "I miss you na bebe D!!!" Dagdag n'ya at dinig ko pa rin 'yon kahit ang layo na ng telepono sa tenga ko "Balita?" Natatawang saad ko "Anong balita-balita! Shunga! Ako dapat ang balitaan mo, Oh eh kamusta kana? Ang tagal nating di nagkita? Di mo man lang ako dinalaw! Nakakatampo ka" bakas ang panlulumo ang tono n'ya at ngumiwi naman ako "Kung di pa kita bibigyan ng Work ay wala ka ng balak bumalik sa pilipinas! Dapat pala matagal ko ng ginawa!, Baklang 'to di ko inaasahang tatagal ang bakasyon

