DENICE'S POV TAHIMIK naming dinaraos ang tanghalian, nando'n parin ang pagkailang pero pareho namin napagkasunduan ni mom na itago na muna ang napag usapan kanina..... Wala akong naisagot sa tanong n'ya at alam kong naiintindihan n'ya ako lalo pa't naguguluhan din ako Nagpunta kami sa park pagkatapos. Nagbike si Dad at si Kice, medyo nagulat pa ako ng marunong runong na s'ya dahil di ko naman inaasahan na pati sa bagay na ito ay natutunan n'ya lamang sa maikling panahon. Di ko naman masabayan kasi di naman ako marunong kaya nanood na lang ako at todo tago kahit pribado pa ang park na'to Umuwi kaming pagod lalo na si Kice na pahkatapos namin kumain sa labas ay Dire-diretcho na ang tulog ■♡■♡■♡■♡■♡■ Araw ng Huwebes at nadito parin kami sa bahay nila mom, panay ang bonding namin dahil b

