Chapter 3

1619 Words
ANTON'S POV: NAPABUGA ako ng hangin na kinuha ang coat ko at isinuot iyon. Today is my younger sister's wedding. Lumaki ako na solong anak nila mommy at daddy. Nagtapos ako sa kursong AB Pol Sci na related sa politics. Maaga akong sumabak sa pulitika. Noong unang beses ay sumabak muna ako bilang municipal councilor at ilang taon din ang nakalipas bago ako natutunang mahalin ng mga tao. Naging mayor ako sa aming bayan at nagkaroon ng kasintahan. Si Gabby Buenaventura. Isang pediatrics doctor namin sa RHU ng bayan. Unang kita ko pa lang kay Gabby, nabihag na niya ang puso ko. Aminado akong nahirapan akong mapasagot si Gabby. At dala ng pangangailangan ko bilang lalake, nagagawa kong mambabae kahit may pinopormahan na ako. Isang taon ko ring niligawan si Gabby. I was so happy when she finally say yes to me! Pero sadyang hindi kami ang nakatadhana. Dahil naaksidente ako dahilan para malumpo ako ng ilang taon. Naghiwalay kami ni Gabby. Masaya ako para sa kanya. Dahil kahit hindi kami ang nagkatuluyan noon, napunta naman siya sa isang lalakeng matino at karapat-dapat sa pagmamahal niya. Matino at disenteng babae si Gabby. Kaya hindi niya deserve ang katulad ko na nagagawang tumikim sa ibang babae kahit may relasyon na kaming dalawa at malapit ng ikasal. Hindi kasi ibinibigay ni Gabby ang mga pangangailangan ko bilang lalake. Kahit napasagot ko na siya at nakapag-propose na ako noon sa kanya, may boundaries pa rin sa pagitan namin. Dahil sa aksidente, maraming nagbago sa akin. Inalagaan pa rin naman ako ni Gabby. Nagkalabuan din sila ng nobyo nito noon at naghiwalay. Nagkasama kami abroad ni Gabby. Dahil siya ang kasa-kasama kong nag-aalaga noon sa baby Andrew ko nang iwanan kami ng kanyang ina na kinasama ko abroad. Noong una, maayos naman. Siya ang naging therapist ko noong nagpapagaling ako sa America. Nagsama kami at nagkaanak. Pero unti-unti siyang nagbago. Hanggang sa nakakaya ko nang maglakad pero may saklay o tungkod ako. Iniwan niya kami ng anak namin at sumama sa ibang lalake. Mabuti na lang, naroon si Gabby nang mga panahong iyon. Kaya hindi ako nahirapan sa pag-aalaga sa anak ko habang nagpapagaling ako. Lumipas ang ilang taon, nagawa kong makabangon sa pagkakabaldado ko. Nakabalik ako ng bansa, nagpakasal na rin si Gabby sa dating nobyo niya na naging matalik kong kaibigan– si Matteo Payne. Nakabalik ako sa pagiging public servant sa probinsya namin dito sa Zambales. Luckily, minahal pa rin ako ng taong bayan. Sila ang dahilan kaya unti-unting tumaas ang ranggo ko sa gobyerno. Hindi nila ako binibigo sa tuwing eleks’yon at lalaban ako sa mas mataas na pwesto. Kaya ginagawa ko rin ang pabor sa kanila pabalik. Ni minsan, hindi ako nagbulsa ng kaban ng bayan. Hindi ko inaabuso ang posisyon ko at inuuna kong paunlarin ang mga nasasakupan ko. Mula sa mga bata, buntis, mag-aaral, PWD at senior citizen. Sila ang pinaka-top priority ko na binibigyan pansin at tulong financial at physical. Hindi na rin nagpakita pa ang ina ni Andrew sa akin. Lumipas na ang maraming taon pero wala na itong naging paramdam. Hanggang sa mamahinga na ang aking ina. Nagulat ako na isang araw, nalaman kong may nakababatang kapatid pala akong babae na hindi ko manlang alam. At ang ina nito ay walang iba kundi– ang first love ng daddy na hindi niya kailanman nakalimutan. Si Tita Nicole Savedra. Ang ina ni Nicolette na lumaki sa Manila at buong akala, ang amang nakagisnan niya ang totoo niyang ama. Ngayon ay maayos na ang lahat. Masaya ang aming pamilya. Si Tita Nicole at daddy ay nagsasama na ngayon sa mansion. Nagpakasal na rin silang dalawa. Maluwag sa puso ko na tinanggap si tita at Nicollete. Dahil likas na mabait ang mga ito at marunong rumespeto. Kahit nga hindi kadugo ng tita ang anak kong si Andrew– na mahigit sampung taong gulang na ngayon, apo ang turing niya sa anak ko. Sila ng daddy ang nag-aalaga sa anak ko. Kaya walang rason para hindi ko sila tanggapin sa pamilya namin. Lalo na't nakikita ko kung gaano nila kamahal ang isa't-isa kahit na pinagkaitan sila ng tadhana sa mahabang panahon. “There you are, son. Hinihintay ka na nila Captain Lucas. Kayo ang mauuna doon,” ani daddy na makita akong pababa ng hagdanan. Nakapagbihis na din sila nila Tita Nicole at Andrew. Ako na lang ang hinihintay nilang bumaba. Ako kasi ang best man ni Lucas– ang groom at kapatid din ni Matteo na matalik kong kaibigan. “Pasensiya na, Dad, Tita Nicole, napaghintay ko pa kayo. Tara na po,” sagot ko na ikinatango ng mga ito. “Daddy, you look handsome po today!” Napangiti akong hinaplos sa ulo ang anak ko habang palabas na kaming apat sa mansion. “Thank you, son. You too, napakagwapo naman ng anak kong ‘yan. Kakabahan na ba ang daddy? Mas gwapo ka kaysa sa akin e,” sagot ko dito na napahagikhik. “Mas gwapo ka pa rin, Daddy. Syempre, Jr mo lang ako. Ikaw pa rin ang original,” kindat nito na nakipag-fist bump sa akin. “Ahem! Apo, ako yata ang original e,” singit ng daddy na nasa likuran namin. Natawa kami ni Andrew na nilingon ang mga ito at nahuli silang kinurot ng tita ang daddy na napahagikhik. Ito ang isa kaya mabilis kong natutunang tanggapin sa pamilya si Tita Nicole. Dahil napapasaya niya ang ama ko. Bagay na hindi nagawa ng mommy ko noong nabubuhay pa siya. Dahil hindi ito ni minsan natutunang mahalin ng daddy. Pinakasalan niya lang at ibinahay ang mommy noon– dahil sa akin. Sumakay kami sa kotse. Sa isla kasi ang venue ng kasal. Umuwi kami kagabi nang medyo malalim na ang gabi. Maraming bisita sila Lucas kaya naman umuwi na lang kami para hindi na gumamit ng silid sa rest house nila. Malapit lang naman ang isla dito sa mansion, kaya umuwi na lang kami. PAGDATING namin sa isla, marami-rami na ang bisitang nandidito sa venue. Sa pampang ang venue ng kasal kung saan ikakasal sina Lucas at Nicolette. “Daddy, look oh, she's so beautiful. I want her to become my mom!” bulalas ni Andrew na may itinuro sa gawi ng mga abay. Nangunotnoo ako na napasunod ng tingin sa itinuro niya. Napaubo ako na napatikhim. “Naku, anak. Hindi iyon pwede, ano ka ba? Parang suntok sa buwan naman na maging mommy mo siya. Ang balita ko, she's a famous international model. Tiyak na maraming nakapaligid sa kanya. O baka– may nobyo na siya.” Sagot ko sa anak ko na napanguso. “But I like her po for you, Daddy. Bagay po kayo oh? Sino po siya?” Andrew asked, bakas ang curiosity sa mga matang inosente. Napakamot ako sa batok. “Her name is Trixie. Siya ang kapatid ng Tito Matteo at Tito Lucas mo na nasa Toronto. Doon siya nakatira, kaya imposibleng maging mommy mo siya, but you can call her tita. Kasi tita mo naman talaga siya,” sagot ko na hinaplos ito sa ulo. Alam ko namang nangungulila sa pagmamahal ng isang ina ang anak ko. Nababasa ko sa mga mata niya kung gaano siya kainggit sa mga anak nila Matteo at Gabby na may mommy ang mga ito. Pero ano'ng magagawa ko? Wala akong mahanap na babaeng tunay na magmamahal sa akin. Dalawang beses na akong nasawi sa babaeng minahal ko. Kaya hindi na ulit ako umibig pa at nag-focus na lamang sa paninilbihan sa taong bayan at syempre, sa anak ko. “I don't want to call her tita, Dad. I prefer to call her mommy– instead. Gusto ko po siyang maging mommy. She looks nice naman po e. At sobrang ganda at sexy niya po,” sagot nito na mahinang ikinatawa ko sabay iling. “Masungit siya, anak. Hindi nga niya ako pinansin kagabi e,” mahinang usal ko na maalala na hindi manlang ako tinapunan ng tingin ni Trixie nang ipakilala siya nila Tito Luke sa aming pamilya. Hindi naman nagtagal, tinawag na kami ng wedding coordinator. Napalunok ako nang maglakad na kaming mga abay patungo sa upuan namin. Si Trixie kasi ang kapareha ko. Kabado ako na naglahad ng braso at pilit ngumiti dito. Pero hindi niya manlang inabot ang kamay ko at sinabayan lang akong maglakad ng red carpet hanggang makarating kami sa harapan at naghiwalay. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib nang makaupo na ako. Naghiwalay din kami ni Trixie dahil iba ang upuan naming mga lalake sa kanilang mga babae. Napabuga ako ng hangin, niluwagan ang necktie ko at para akong nasasakal. Hanggang sa matapos na ang seremonya sa kasal. Wala akong naisaulo dahil naglalakbay ang diwa ko. Kusang napapasulyap ang mga mata ko sa gawi ni Trixie. Hindi siya maingay katulad sa mga kasama niya. Mas tahimik siya kumpara kina Matteo, Lucas at Jane na mga kapatid niyang likas na makulit ang personality. MAGDIDILIM na nang magsimula ang kasiyahan dito sa harapan ng rest house kung saan ang venue. Abala ang lahat sa kani-kanilang mesa. Nasa harapan ang newlywed. Masayang naglalambingan. Napabuga ako ng hangin, nagsalin ng wine sa dalawang wineglass. Nakita ko kasi si Trixie, nagtungo sa pampang at mas gustong mapag-isa kaysa makisalamuha at makisama sa mga nagkakasiyahan dito sa party. "Damn, Anton. Makikipagkilala ka lang naman. Hindi mo naman aayahin ng kasal si Trixie para kabahan ka nang ganyan," kastigo ko sa sarili sabay iling. Nilingon ko si Trixie. Nakaupo sa gilid ng pampang na nakatanaw sa madilim na dagat. Tila malalim ang iniisip. Napahinga ako nang malalim, nagsimulang maglakad palabas ng party para puntahan ito sa pampang. "Bahala na. Kung bugaan niya ako ng apoy e 'di-- gano'n talaga."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD