Marcus’ Point of View (Isang araw bago ang kanilang pagkikita ni Paulo sa Chinatown)
Pagkatapos ng aking klase ay dumeretso ako sa Men’s Dormitory para sa aking duty sa front desk. Kailangan ko ring mag-check ng mga kuwarto at ang attendance ng mga estudyante. May curfew hour kami at kailangang mapanatiling maayos at gumagana ang mga gamit sa bawat kuwarto. Kasalukuyan akong nag-aayos ng mga kung anu-anong papel na nagkalat sa front desk nang mapansin ang isang pamilyar na taong pumasok sa dorm. Si Paulo.
“Looking cute as always,” ang sabi ko sa aking isipan. “Paulo!” ang pagtawag ko naman sa kanya. “Paulo!” ang pagtawag ko naman sa kanyang pangalan. Lumapit naman siya sa akin. “Katatapos lang ng klase mo?” ang tanong ko naman sabay tingin sa orasan. Mag-aalas siyete na ng gabi. Mayroon siguro siyang evening class sa kanyang schedule.
“Ah, hindi,” ang tugon naman niya. “Kanina pa natapos ang klase ko. Ikaw ang magbabantay ngayon?”
“Yeah. Since I’m a year older, ako ang mag-che-check mamaya sa inyo. So, saan ka galing?” ang sunod ko namang tanong. I really wanted to know him better, and his whereabouts. Pero na-realize ko na baka masyado akong nagiging mabilis. “Sorry, I might be invading your privacy,” ang kaagad ko namang paghingi ng paumanhin.
Napa-iling naman siya. I could feel he’s becoming comfortable around me little by little.
“Nagpunta ako sa Chinatown kasama si Adrian,” ang tugon naman niya.
“Chinatown? What did you there?” I asked again. I suddenly remembered that one time he asked me about my nationality. “May lahi ka bang Chinese? Kaya mo naitanong sa akin?”
“Ah, wala,” ang saad naman niya. “Unang beses ko kasing makapunta rito sa lugar na ito kay naman naisipan ko namang mamasyal sa paligid.”
“Oh, I don’t think an hour or two is enough to go around Chinatown,” ang wika ko. Chinatown is quite a big place. “Kung gusto mo talagang mamasyal; you can call me during the weekends.”
“Pag-iisipan ko,” ang tugon naman niya. Hindi naman na ako nagulat sa sagot niyang napaka-safe.
“Anyway, how was your trip to Chinatown?” ang pagbabalik ko sa aming usapan. “Did you find something interesting?”
“Ah, wala naman masyado,” ang tugon niya. Hindi ko naintinidihan ang ibig niyang sabihin. Wala? Tapos masyado? Guess I’m not really that still fluent in Filipino. “Bumili ako ng fried siopao.”
“Fried siopao?” ang nagtataka kong tanong. First time kong makaranig ng siopao na… fried. “Well, that sounds… interesting.”
“Oo,” ang pagkumpirma naman niya. “Kaya naman bumili ako. Totoo kaya na gawa sa pusa ang siopao?” he asked randomly.
“Wait. What?!” ang natatawa ko namang reaksyon. Geez, his cuteness really is at another level. I’m enraptured. “I’m sure they’re not.”
“Heto,” ang wika naman niya sabay kuha ng kung ano man mula sa plastic bag na bitbit niya. Akto namang iaabot niya sa akin ang siopao nang napatingin ako sa purselas na suot niya. Nanaginip ako at sa panaginip na ‘yun kabilang ang suot niyang purselas. Si Joaquin. Ang lalaking napanaginipan ko at nakilala bilang isang Chrisanto Yap o Chris.
“Okay ka lang. Marcus?” ang tanong naman ni Paulo sa akin kaya naman natauhan ako.
“Did you buy that there?”
“Ang alin? Ang siopao o ang purselas? Alin ang tinutukoy mo?”
“Yung siopao, siguradong binili mo sa Chinatown,” ang wika ko. “Yung bracelet ang tinutukoy ko.”
“Ah, oo. Binili ko rin ‘to sa Chinatown.”
“Are you looking for love?” ang tanong niya pa. “This is a rose quartz bracelet, right? This serves as a lucky charm for love.”
Napasinghap naman siya nang marinig sa akin kung ano ang purselas na ‘yun at para saan ito.
“Paano mo alam? Mahilig ka rin ba sa ganito?” ang mga tanong niya sa akin.
“Just a lucky guess,” ang pagsisinungaling ko naman. Sa totoo niyan ay nang magising ako ay hinanap ko sa internet kung anong klase ng bracelet ang suot niya. “May kakilala lang ako na may ganyan.”
“Ah, kaya pala.”
“Anyway, thank you for this,” ang pasasalamat ko sabay pakita sa hawak kong fried siopao. “You do know how to get to a man’s heart.”
Nanlaki naman ang mga mata niya nang marinig ‘yun mula sa akin. Mukhang alam niya ang ibig kong sabihin.
“Huy, ano ba ‘yang sinasabi mo?” ang reaksyon niya. “Baka magalit pa ang girlfriend mo.”
“Wala akong girlfriend,” ang pagtatama ko naman niya. “And I’m not interested with women.”
“Di nga?” ang gulat namang niyang reaksyon. Nasanay naman na ako sa mga ganitong reaksyon kaya naman napangiti lang naman ako at tumango.
“Do you have a problem with that?” ang nagtataka ko namang tanong.
“W-wala,” ang kaagad naman niyang tugon. “Nagulat lang ako at namangha na rin kasi napakabukas mo sa bagay na ‘yan.”
“This is what I am,” ang paliwanag ko. “And there’s nothing wrong with it. Wala rin naman akong pakialam sa sasabihin ng iba.”
Napatango naman siya. I really wanted to know his thoughts but I’m quite afraid to ask.
“Hindi ka ba natatakot?” ang tanong niya sa akin.
“Na alin?” ang tanong ko naman pabalik.
“Na mahusgahan ng mga tao sa paligid,” ang paliwanag naman niya.
“Just like what I’ve said, I don’t really give a damn,” ang pagpapaalala ko sa nasabi ko sa kanya. “Ayokong mabuhay na natatakot sa sasabihin ng iba. I don’t want to be controlled by what other’s think of me…How about you?” Alam kong wala ako sa lugar… but I really need to ask him something.
“Anong ako?” ang tanong naman niya pabalik sabay kunot ng kanyang noo.
“Are you… straight?” ang diretsahan ko namang tanong. “Or like me?”
Ramdam ko na hindi siya komportable sa ganitong usapan. Oh, my! What have I done? Ayokong muli siyang mas lumayo sa akin.
“Uhm, nagkakagusto nga ako sa kapwa ko lalaki,” ang sa wakas ay pagkumpirma niya. Pakiramdam ko ay nakahinga ako nang maluwag sa aking narinig.
“That’s a relief,” ang komento ko na nagpakunot ng kanyang noo.
“Anong ibig mong sabihin?” ang nagtataka niyang tanong.
“Oh, nothing,” ang tugon ko sabay iling. Liligawan ko siya. I want to know him better, and then, I’ll find a good time to confess.
“Paulo!” ang pagtawag naman ng isang pamilyar na boses kaya naman napatingin kaming dalawa. It’s Adrian. “Bakit narito ka pa?” Tanong niya kay Paulo bago napatingin sa akin. “Ah, kaya pala,” ang mahina niyang komento ngunit narinig ko pa rin naman. “Marcus, andyan ka pala.”
“Yeah, ako ang naka-assign ngayon na mag-ayos dito sa front desk at magpa-rollcall mamaya,” ang paliwanag ko.
“Ah, Angelo, nakabili na pala ako ng panghapunan,” ang saad naman ni Adrian. “Mauna na ako sa taas. Sasabay ka ba o gusto mo munang magpa-iwan?”
Napatingin naman si Paulo sa akin.
“I’m fine here,” ang wika ko naman. “You can have your dinner,” ang saad ko pa. Tumango naman kaya naman napangiti ako. He’s such a precious human being. “Enjoy your dinner.”
“Thank you. Ikaw rin,” ang tugon ko bago sila umakyat patungo sa kanilang kuwarto. Sa totoo lang, naiingit ako kay Adrian. He could freely hang out with Paulo. Guess I really caught that love bug.
“Bro!” ang pagtawag naman sa akin ni Dustin nang makita ko siyang nanggaling ng hagdanan. Kaagad naman siyang lumapit sa akin. “I’m hungry. Can we eat?”
“Sure,” ang pagpayag ko naman bago linisan ang front desk. Nagtungo naman kami sa kainan malapit sa Saint Anthony.
“Did something happen?” ang tanong naman niya sa akin habang kumakain kami. “You seem to be more cheerful than usual.
“Well, I saw Paulo again,” ang tugon ko naman sabay ngiti. “And this time, nagkausap kami nang mas mahaba.”
“Oh, that’s why,” ang reaksyon naman niya sabay iling. “Tinamaan ka na talaga sa Paulo na ‘yun, ano?”
“Ewan ko rin ba. Hindi ko maipaliwanag,” ang saad ko. ‘But the moment I first saw him; I just know he’s the one.”
“So cheesy, bro,” ang komento naman niya.
“Shut up.”
Nang makapaghapunan kami ay bumalik kami sa Men’s Dormitory. Ipinagpatuloy ko ang gawain ko sa Front Desk while doing some of my personal errands. Pagkalipas ng ilang oras, kinuha ko ang listahan at isa-isang nagtungo sa mga kuwarto.
Bumilis ang t***k ng aking puso nang makita ang pangalan nila Paulo at Adrian sa susunod na kuwarto. Kumatok naman ako. Hindi naman nagtagal ay may nagbukas ng pintuan. Dumungaw naman si Paulo kaya napangiti ako.
“Can I come in?” ang paalam ko sa kanya. Tumango naman siya at tumabi. Pumasok ako sa kuwarto nila at tumingin sa paligid. They’re both in the room. Adrian didn’t mind me; he’s busy watching a movie. Napatingin naman ako sa hawak kong listahan. “John Paulo Collado. Adrian Cruz. You’re both here. Check. Titignan ko lang ang ibang bagay.”
“Sige,” ang pagpayag naman ni Paulo. Binuksan ko naman ang airconditioner.
“Gumagana,” ang anunsyo ko naman sabay sulat sa papel nang makitang maayos ang airconditioner. Pumasok din ako sa banyo at nagsulat muli nang ma-check ang ilaw at ang shower. Hindi naman ako nagtagal doon at lumabas din. Humarap ako kay Paulo.
“Uhm, ‘yun lang,” ang saad ko naman sa kanila. “Have a good night.”
“Good night, Marcus,” ang maligalig na bati sa akin ni Adrian nang sa huli ay mapansin ako. Inihatid naman ako ni Paulo patungo sa pintuan.
“Rest well, Paulo,” ang wika ko naman pagkalabas.
“Ikaw rin,” ang tugon naman niya. Kinakabahan ako but it’s now or never.
“Uhm, Paulo,” ang pagtawag ko naman; isasara na sana niya ang pintuan ngunit natigilan. “I’m just wondering if it’s okay to get your number? And add you on your social media accounts?”
“Para saan?” ang tanong niya sa akin.
“Since we’re friends already. Kung kaibigan na nga ang tingin mo sa akin,” ang paliwanag ko naman sabay puppy dog pout pa para mapapayag siya. I need to make the first move already. Napakamot naman siya ng ulo.
“Ikaw ang bahala,” ang nag-aalangan naman niyag pagpayag. Hindi ko naiwasan ang ngumiti dahil sa tuwa.
“Here,” ang saad ko sabay abot ng hawak kong papel at ballpen. “Dito mo na lang isulat ang phone number mo.”
Kinuha naman niya ‘yun mula sa akin at sinulat ang kanyang phone number.
“Ayan,” ang wika naman niya sabay balik sa akin ng papel at ballpen. Napasulyap naman ako sa kanyang isinulat. I can’t believe I actually have his number already.
“Thank you,” ang nakangiti kong pasasalamat. “Good night.”
“Good night din,” ang bati naman niya pabalik bago tuluyang isinara ang pintuan.