John Paulo’s Point of View
Nang makalayo kami sa tindahan nila Aling Awring ay napatingin ako kay Adrian. Natigilan naman siya sa aking ginawa.
“Hindi ako makapaniwala,” ang saad ko. “Totoo ang lahat ng nasa panaginip ko. Hindi ko aakalain na nabubuhay lahat ng tao sa aking panaginip.”
“Galit na galit si Lola Awring,” ang komento niya. “Lalo na nang marinig ang mga pangalan ni Crisanto at Joaquin.”
“Nakita ko nga,” ang pagkumpirma ko naman. “Kaya nga mas lalong lumaki ang pagnanais kong malaman ang tunay na nangyari kay Joaquin.”
“Ano nang balak mo ngayon?” ang tanong niya sa akin.
“Mas magiging madali sana ang lahat kung naka-usap natin nang maayos si Lola Awring,” ang saad ko. “Pero hindi ko alam kung anong gagawin ngayon maliban na lang sa muling hindtayin na makakita ako ng isang pangitain o isang panaginip.”
“Mamaya na natin ituloy ang ating usapan,” ang pag-iiba naman niya ng usapan. “Bumalik na muna tayo sa dorm.”
“Sige,” ang pagpayag ko naman. “Gusto mo ba ulit bumili nung fried sipao na binili natin dito nung isang araw?”
Kaagad naman siyang tumango.
“Naaalala mo pa ba kung nasaan ‘yung bilihan?’ ang sunod ko namang tanong.
“Hindi na rin,” ang tugon ko sabay kamot ng aking batok. “Hanapin na lang natin ulit.”
Nagsimula naman kaming maglakad sa paligid. Hindi pa rin maalis sa aking isipan ang nangyari kanina. Bakit ng aba ganun na lang ang reaksyon ni Lola Awring nang marinig ang pangalan nila Joaquin at Chris. Ano nga bang nangyari? Natigilan naman ako nang may mapansin sa paligid.
“Adrian,” ang pagtawag ko naman sa kanya.
“Bakit?” ang tanong naman niya sa akin; natigilan din naman siya.
“Parang pamilyar ang lugar na ito,” ang wika sabay tingin sa isang maliit na kalye.
“Gusto mo bang puntahan saglit?”
Tumango naman ako. Sabay naming tinahak ang kalyeng ‘yun. May ilang tindahan din ang naroon. Isang tindahan naman ang nakakuha sa aking atensyon na siya ko namang linapitan. Tindahan ito ng mga egg tart.
“Paulo, mukhang masarap,” ang komento naman ni Adrian. “Ito na lang bilhin natin para makabalik na rin tayo kaagad sa dorm.”
Hindi naman ako umangal sa kanyang suhestyon at pinapili siya. Hinintay ko naman siya sa tabi.
“Anna, magsara ka ng maaga ngayon,” ang wika ng boses na nagmumula sa tindahan kaya napatingin naman ako. Isang babaeng parang kasing taon lang ni Mama. Magaan ang pakiramdam ko sa kanya.
“Opo, Ate Sam,” ang tugon naman ng tindera. Napatingin naman sa akin ang babaeng nagngangalang Sam at nginitian ako. Napangiti naman ako pabalik.
“Paulo, tara na,” ang pagtawag ni Adrian nang makabili siya ng egg tarts. Napatingin naman ako sa kanya at tumango. Nakatulala ka na naman. May nakita ka na namang bang pangitain?”
“Ah, wala naman,” ang tugon ko naman. Muli akong lumingon ngunit wala na nag babae kanina. Nagsimula naman kaming maglakad ni Adrian palayo. Hindi pa man kami nakakalayo ay may nakabanggaan ako kaya naman natigilan ako at napatingin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang pamilyar na mukha. Si Marcus, tulala at mukhang nagpipigil ng luha.
“Marcus?” ang gulat kong pagtawag sa kanyang pangalan. Natauhan naman siya at napatingin sa akin. Kaagad rumihistro sa kanyang mukha ang gulat nang makita kaming dalawa ni Adrian.
“Ang liit lang talaga ng mundo,” ang komento naman ni Adrian. “Anong ginagawa mo rito?” ang tanong niya kay Marcus.
“I got bored so I went here,” ang tugon naman niya. “Naalala ko kasi ‘yung sinabi ni Paulo nung isang araw na nagpunta kayo rito kaya naisipan kong pumunta rito.”
Napansin ko naman ang pagtitig niya sa tindahan ng mga egg tart kaya naman napatingin din ako. Hindi naman ito nakalagpas sa paningin ni Adrian.
“Mukhang masarap ang mga tinda nilang egg tart doon,” ang komento naman ni Adrian. “Heto nga, bumili kami. Gusto mor in bang bumili?”
“I, uh, don’t think I want to,” ang pagtanggi naman ni Marcus. Ramdam ko ang lungkot sa kanyang boses. Okay lang kaya siya?”
“Pabalik na kami ni Adrian sa dorm, gusto mo bang sumabay?” ang tanong ko naman sa kanya.
“I guess,” ang maikli naman niyang tugon.
“Tara na,” ang yaya ko naman. “Mag-abang tayo ng jeep pagkalabas ng arko.”
“Hindi na kailangan. I brought my car,” ang komento naman niya kaya napatingin kami ni Adrian sa isa’t-isa.
“Naks, ang gara,” ang puri naman ni Adrian sa kanya. “Iba talaga ang mayaman.”
Napangiti lang naman si Marcus.
“Let’s go,” ang saad niya. Sinundan naman naming siya patungo kung nasaan ang kanyang sasakyan. Hindi naman nagtagal ay nakarating kami kung saan siya nag-park. Ang ganda nga ng sasakyang pagmamay-ari niya. Kaagad naman niya kaming pinasakay.
*****
Nang makapag-park siya sa tapat ng Men’s Dormitory ay halos sabay-sabay kaming bumaba. Napatingin naman ako sa aking wrist watch. Ngayon ko lang naman naramdaman ang gutom.
“Do you want to eat dinner with me?” ang tanong naman sa amin ni Marcus. “My treat.”
“Ha? Pwede naman kaming sumabay sa’yo pero wag mo na kaming ilibre,” ang komento ko naman. “Nakakahiya.”
“Alright,” ang pagpayag naman niya sabay tango. “Saan niyo gusto kumain?”
“Huwag na tayo lumayo,” ang komento naman ni Adrian. “Diyan na lang tayo sa kainan na malapit sa Gate Five.”
“That sounds good,” ang saad naman ni Marcus.
“Si Dustin nga pala?” ang tanong ko.
“Well, may gagawin daw siya.”
“Ah, mukhang busy na agad siya.”
Nagsimula naman kaming maglakad patungo sa kainan. Magkasabay naman sila ni Adrian na kung ano-ano ang dinadaldal sa kanya. Hindi naman kalayuan yun kaya mabilis din naman kaming nakarating. Kaagad din naman kaming um-order ng pagkain.
“Teka, mayroon ba kayong hindi sinasabi sa akin?” ang tanong naman ni Adrian sa aming dalawa. Napakunot naman ako ng noo at napatingin kay Marcus. Muli ko namang ibinaling ang tingin ko sa kanya.
“Anong ibig mong sabihin, Adrian?” ang nagtataka kong tanong. Itinuro naman niya ang aming mga kamay. Napatingin naman ako sa aking kamay kasunod ang kamay ni Marcus. Nanlaki naman ang aking mga mata nang may mapansin kay Marcus. Nakasuot siya ng isang purselas na kapareho sa akin; yung binili ko sa Chinatown na gawa sa rose quartz at swerte sa pag-ibig.
“K-kailan ka pa nagkaraoon ng ganyan?” ang bulalas ko nang makita ‘yun.
“kabibili ko lang din kanina,” ang tugon niya.
“Bakit ka bumili?” ang sunod ko namang tanong na ikinatawa niya.
“Ikaw? Bakit ka bumili?” ang pagbato niya ng tanong ko sa akin.
“Maganda kasi ang kulay tapos binigyan pa ako ng discount nung nagtitinda,” ang tugon ko naman.
“Oh? Hindi ka bumili niyan para swertehin ka sa pag-ibig?”
“Hindi, no!” nag matigas ko namang pagtanggi. “Wala akong panahon sa ganyan. Ang focus ko ngayon ay mag-aral. Teka, huwag mong sabihin sa akin na bumili ka ng ganyang purselas para magkaroon ka ng jowa?”
“Well, are you judging me?”
“Nagpapaniwala ka naman sa ganyan,” ang komento ko naman.
“Well, wala namang mawawala. Tsak kailangan ko ng swerte ngayon. Iba na rin ‘yung may inspirasyon ka habang nag-aaral. Don’t you think so?”
“Diyan nga bunaba ang grado ko, eh” ang bulong ko naman sa aking sarili sabay ikot ng aking mga mata.
“Ano ‘yun?” ang tanong naman niya sa akin.
“Wala,” ang saad ko naman. “Isa pa, sa tingin ko, hindi mo naman na kailangan ‘yan kung jowa lang naman ang hanap mo,” nag komento ko.
“Bakit naman?”
“Wala bang salamin sa bahay niyo o sa dorm room mo?” ang sunod ko namang tanong.
“Uhm, meron naman,” ang tugon niya sa retorikal kong tanong. Napabuntong-hininga naman ako. Hindi ako makapaniwala sa sasabihin ko sa kanya.
“Guwapo ka,” ang tugon ko. “Palakaibigan, mabait, mapagbigay, mukha namang masipag at matalino.”
“Stop,” ang nakangiti niyang pagsuway sa akin. “You’re making it sounds like I’m perfect.”
“Hindi ba?” ang tanong naman ko naman.
“Well, I have a lot of imperfections,” ang tugon niya.
“Tulad ng?”
“Well, I’m insecure. I’m always shy,” ang tugon naman niya. “Always afraid. Those things.”
Ngayon ko lang napagtanto na medyo may kapareho nga kaming dalawa kahit paano. Napatango naman ako bilang pagtanggap sa mga sinabi niya.