Paulo’s Point of View
Hindi ko mapigalan ang pagluha habang nakatitig pa rin sa mukha nitong si Aurora Lee. Napatingin ako kay Adrian.
“Adrian,” ang pagtawag ko sa kanya na hindi pa rinn tumitigil sap ag-iyak. “Hindi ko maintindihan kung bakit ako umiiyak.”
“Ako rin,” ang tugon naman niya.
“Ang pakiramdam ko parang matagal ko na siyang kilala,” ang saad ko. “Alam mo ‘yung pakiramdam na gustong-gusto ko siyang makita na para bang matagal ko na siyang kilala. Hindi ko alam kung paano maipapalawanag.”
“Naiintindihan ko na hindi,” ang komento naman niya sabay buntong-hininga. Tinapik-tapik naman niya ang balikat ko. Inabutan naman niya ako ng panyo at ginamit ko ‘yun upang punasan ang mga luha ko. Muli akong napatingin sa mukha ni Aurora.
“Sigurado ako na siya si Aurora sa mga panaginip ko,” ang pagkumpirma ko naman. “Pero… bakit wala si Crisanto Yap at Joaquin F?”
“Kung iisipin mo nang mabuti, hindi talaga natin makikita si Joaquin,” ang komento naman niya.
“Bakit naman?” ang nagtataka ko namang tanong sa kanya.
“Yung nagmumulto sa’yo, sa taong 1969 siya nagpapakita,” ang paliwanag naman niya habang napapatango naman ako. “Ang ibig sabihin niyon, sa mga panahong ‘yun siya namatay.”
“Pwede rin pero… pwede rin namang may naiwan siyang gawain na hindi na niya natapos dito sa Saint Anthony kaya kailangan niya ng tulong ng isang estudyente rito.”
“Oo nga, ano?” ang reaksyon naman niya. “Hay, ewan! Naguguluhan na ako,” ang bulalas niya sabay gulo sa kanyang buhok. Kahit ako rin naman ay naguguluhan. “Pero Paulo, hindi pa rin niyan nasasagot ang katanungan kung bakit wala ang pangalan niya at ni Cris sa yearbook.”
“Hindi kaya may nanagyaring masama bago sila nagtapos?” ang tanong ko naman. “Pwede namang tumigil sila sa pag-aaral, o kaya nag-transfer sa ibang University—”
“O ang pinakapangit na pagpipilian… namatay sila,” ang pagpapatuloy naman ni Adrian.
“Huwag naman sana,” ang reaksyon ko naman. Pakiramdam ko ay kinalibutan ako sa aking narinig.
“Ano man ang nangyari, Paulo; patay na si Joaquin ngayon,” ang komento naman niya. “Pero si Chris kaya? At si Aurora? Buhay pa kaya sila?”
“Yun ay hindi ko rin alam,” ang tugon naman niya.
“Gusto kong malaman,” ang saad ko naman. “At kailangan nating mahanap ang kasagutan.”
“Pero paano?”
“Naaalala mo ‘yung araw na nagpunta tayo sa Chinatown?” ang tanong ko naman sa kanya. Kaagad naman siyang tumango. “Sa unang tindahan na pinuntahan natin, pagmamay-ari yun ng angkan nila Aurora. May lahi siyang intsik. Pwede tayong magtanong doon kung pwede nating maka-usap si Aurora tungkol kau Chris at Joaquin.”
“Tama. Magandang ideya nga ‘yan,” ang komento niya.
“Tara sa Chinatown,” ang kaagad ko namang pagyaya sa kanya.
“Ngayon na?!’ ang gulat naman niyang reaksyon. Tumango naman ako.
“Oo. Ngayon na,” ang pagkumpirma ko naman.
“Mukhang wala naman akong ibang magagawa,” ang pagpayag naman niya. Kinuha ko naman ang phone ko at kinuhanan ng litrato ang larawan ni Aurora. Isinara ko naman ang mga yearbook sa mesa at binitbit.
“Tara na,” ang muli kong pagtawag sa kanya. Magkasunod naman kaming nagtungo sa Student Assistant. “Ibabalik na po naming ang mga ito,” ang wika ko sa kanya. Napangiti naman siya sabay kuha sa mga yearbook.
“Nahanap niyo ba ang yearbook ng nanay mo?” ang tanong naman ng Student Assistant kay Adrian.
“A-ah, oo,” ang tugon naman ni Adrian.
“Okay na,” ang anunsyo ng Student Assitant.
“Thank you,” ang pasasalamat ko naman. Napatingin ako kay Adrian Kapwa kami napatango sa isa’t-isa bago naglakad palabas ng University Library.
“Sa tingin ko, type ako ng student assistant nan aka-usap natin,” ang komento naman ni Adrian nang makasabay sa akin.
“Ayan ka na naman sa pag-iilusyon mo, Adrian,” ang natatawa ko namang reaksyon.
“Hindi mo ba nakita ang pagngiti niya sa akin?” ang tanong naman niya. “May halong pang-aakit.”
“Ewan ko sa’yo,” ang tugon ko sabay tawa. “Dalian na natin.”
Lumabas nga kami ng University Campus upang mag-abang ng jeep sa malapit na waiting shed.
****
Pagkababa naming ng jeep ay napatitig ako kaagad sa makulay na arkong nakita ko nung isang araw.
“Naaalala mo pa ba kung saang banda ‘yung tinutukoy mong tindahan?” ang tanong naman ni Adrian sa akin. Mabagal naman ang tumango habang nakatitig pa rin sa arko. Napabuntong-hininga naman ako. Hindi ko alam kung anong naghihintay para sa aming dalawa. “Handa ka na ba?” ang sunod naman niyang tanong sa akin. Muli naman akong tumango bago tumingin sa kanya. Tinahak naming ang daan patungo sa loob. Para akong nasa ibang mundo pagkalagpas naming ng arko. Pagkalipas ng ilang minutong paglalakad ay nakarating din kami sa lokasyon kung nasaan ang tindahan na pagmamay-ari ng lolo at lola ni Aurora. Napaisip tuloy ako; madalas kayang magpunta si Joaquin dito? At ako? Pangalawang beses ko pa lang nakakapunta rito pero… pakiramdam ko ay kabisado ko na ang mga daan sa lugar na ito. Ang mga nakikita ko at mga naamoy ko ay nagbibigay sa akin ng pakiramdam ng pagiging nostalhik kahit nga isang beses pa lang ako nakapunta rito. Pakiramdam ko ay parang muling bumabalik sa akin ang aking panaginip. Parang naririnig ko pa rin ang dagundong ng mga drum at nakikita ang mga papel na lamparang nakasabit. Natatanaw ko rin ang mga lion dancers at dragon dancers sa ilang bahagi ng kalsada na may ilang naglalakad na tao.
Kaagad naman kaming lumapit sa tinderang nagbabantay sa tindahan.
“Hello po,” ang hindi ko siguradong pagbati.
“Ano pong sa kanila?” ang tanong naman ng tindera. Napatingin naman ako sa mga tinitinda nila. “Uhm, apat na piraso po nito,” ang tugon ko naman sabay turo sa isa sa mga produkto nila. “Otsenta pesos ang lahat.”
“Ate, pwede po bang magtanong?” ang paalam ko naman sa kanya sabay abot ng aking bayad.
“Oo naman,” ang kaagad naman niyang pagpayag. “Matagal na po ba ang tindahan niyo rito?” ang tanong ko naman. Naitanong ko na ito dati pero gusto ko lang sigurong mas makasigurado.
“Oo, dekada sesenta pa kami narito,” ang tugon naman niya. “Kaya nga mas maraming taong pumupunta rito sa tindahan namin kasi may tiwala na sila sa kalidad ng aming mga produkto.”
“Kaya nga po kami dito pumunta,” ang pambobola naman ni Adrian na mukhang ikinatuwa ng tindera.
“Eh, ‘yung mga may-ari po?” ang sunod ko namang tanong. “Pareho pa rin po ba?”
“Kung ang angkan ng mga Lee ang tinutukoy mo, sila pa rin ang nagmamay-ari ng tindaha na ito,” ang pagkumpirma naman niya. “Bakit niyo pala naitanong?”
“Ah, may kamag-anank kasi akong nagpapatanong,” ang saad naman ni Adrian.
“Ganun ba?”
“Opo. Hinahanap po naming si Aurora Lee?” ang saad ko.
“Si Lola Awring? Aba, narito siya.”
Napatingin naman kami ni Adrian sa isa’t-isa.
“Pwede po ba naming siyang maka-usap?” ang paki-usap ko naman sa tindera. “Importante po lang kasi talaga.”
“O, sige,” ang pagpayag naman niya. “Sumunod kayo sa akin.”
Pinanood naming siyang tumayo at maglakad patungo sa loob. Tahimik naman naming siyang sinundan papasok.
“Lola Awring,” ang pagtawag ng tindera sa isang matandang babaeng nakaupo sa isang lumang sofa. Napalingon naman siya at nakita ko ang mukhang kawangis ng nasa yearbook Nakaramdam ako ng kakaibang galak na hindi ko maipaliwanag. Gusto ko siyang lapitan at yakapin pero ginawa ko ang lahat upang pigilan ang aking sarili. “May bisita po kayo,” ang saad ng tindera sa bay turo sa amin. Napatingin naman sa amin si Lola Awring o Aurora. “Babalik na po muna ako sa puwesto ko. Pinanood naman namin ang paglabas niya.
“Kayo,” ang saad ni Lola Awring kaya naman napatingin kami ni Adrian sa kanya. “Kilala ko ba kayo?”
“Uhm, hindi po,” ang tugon ko, “Pero estudyante po kami ng Saint Anthony.”
“Hindi ako interisado sa mga reunion kung ‘yan ang ipinunta niyo rito,” ang kaagad naman niyang komento.
“Ay, hindi ho,” ang pagtatama ko naman. “Hindi po kami nagpunta rito para sa mga bagay na ‘yan.”
Napakunot naman siya ng noo.
“Kung ganoon, anong pakay niyo sa akin?” ang tanong naman niya.
“Kayo po ba si Aurora Lee?” ang tanong naman ni Adrian.
“Oo, ako nga,” ang pagkumpirma naman niya.
“Narito po kami dahil kay Joaquin,” ang saad ko. Nanlaki ang kanyang mga mata nang marinig ang aking sinabi.
“J-Joaquin?” ang pag-uulit niya; halatang may halong gulat sa kanyang boses.
“Opo, tungkol sa kanya at kay Crisanto Yap,” ang pagkumpirma ko naman.
“P-paano niyo sila kilala?” ang mas lalo niyang gulat na tanong.
“Hindi po kayo maniniwala pero… napapanaginipan ko sila,” ang paliwanag ko naman sa kanya.
“Napapanaginipan?”
“Ganun na nga po,” ang pagkumpirma ko naman. “Kasama ka po sa napapanaginipan ko. Kaya ko po kayo pinuntahan dito.”
“Kalokohan!” ang galit naman niyang komento kaya naman natigilan kami ni Adrian. “Hindi ko alam kung kanino o kung saan niyo napulot ang mga pangalan naming pero hindi ‘yan isang magandang biro.”
“Lola, hindi po kami nagbibiro,” ang singit naman ni Adrian.
“At sa tingin niyo maniniwala na lamang ako sa inyo?” ang galit niya pang saad. “Itigil niyo ito., Akon a nag nakikiusap Pagpahingain niyo na nag kaluluwa ng matagal nang nahihimlay. Umalis na kayo!”
“Lola—”
“Umalis na kayo! Utang na loob!’ ang bulyaw naman niya. Wala naman kaming ibang nagawa kundi sumunod sa kanya. Kahit na mabigat sa pakiramdam ay lumabas nga kami ni Adrian ng tindahan.