Chapter Two: Vice-President

1461 Words
Pau’s Point of View             Natigilan ang lahat at tumahimik upang making.             “We called everyone here so we could discuss about an important matter,” ang pagsisimula ni Ate Somi. “We all know that we don’t have an official club for English majors. We are required to establish one. This is a requirement for us to establish our departmeisa’t-sa. nt organization. We would have to elect our officers today.”             Nagsimula namang magbulungan ang mga estudyante samantalang napatingin naman kami ni Adrian sa isa’t-isa. Kapwa kami hindi makasabay sa nangyayari.             “Don’t worry. This is just an unofficial election,” ang paliwanag pa ni Ate Somi. “You know, just for the documents. So, we could elect… but it would take us forever. Or someone could volunteer for the positions and we can go home.”             “Ate, kayo na lang,” ang komento ng isa sa mga lower batches. Napangiti lang naman si Ate Somi at ipinaliwanag sa amin na kailangan din ang ng mga pangalan mula sa lower batches.             “Hindi tayo makakauwi hanggang hindi tayo makakapili ng officers,” sa wakas ay ang pananagalog ni Ate Somi.             “In nominate Somi Lee for President,” ang sabi ng isa sa mga seniors na sinang-ayunan din naman ng lahat.             “I nominate Adrian Cruz for Vice-President,” ang paghalal naman ng isa sa mga kaklase namin sa kanya. Napatingin ako sa mukha ni Adrian, puno ito ng pagkagulat. Napatayo naman siya.             “Hindi!” ang malakas niyang pagtutol. “I nominate John Paul Collado.”             “Huy!” ang reaksyon ko naman ngunit hindi niya ako pinansin, bagkus ay hinila niya ako patayo.             “Ako na po ang treasurer o kung ano pa mang posisyon,” ang sabi ni Adrian. “basta si Pau po ang sa posisyong yan.”             “We’ll take that bargain,” ang tugon naman ni Ate Somi sabay sulat ng pangalan ko sa whiteboard. “Anymore nominations?”             Wala namang ibang umimik. Marahil siguro ay gusto na rin nilang umalis. Nawalan na ako ng pag-asang mabura pa ang pangalan ko nang magsimulang magbilang si Ate Somi. Nang dumating sa ika-zero at opisyal na tinalaga ako bilang bise presidente ng club na balak nilang itayo. Napaupo naman ako.             “Adrian!” ang reaksyon ko.             “Sorry,” ang paghingi niya naman ng paumanhin. “kailangan kong gawin yun.”             Wala na akong magagawa kundi ang mapabuntong-hininga. Pilit ko na lang inisip na sa papel lang nila gagamitin ang pangalan ko. Ilang minuto pa nga ang lumipas at nakumpleto na ang lahat ng mga posisiyon sa listahan. Kinuha naman nila nag contact details naming para sa mga update. Pagkatapos naman nun ay dumeretso kami ni Adrian sa dormitory. Kasalukuyan akong nagbabasa nang naupo si Adrian sa tabi ng kama ko. Natigilan naman ako at napatingin sa kanya.             “Anong binabasa mo?” ang tanong niya.             “Uhm, BL,” ang tugon ko.             “BL?” ang pag-uulit niya. “Ano yun?”             “Boy’s love,” ang sagot ko. Napatango naman siya.             “Bakit nga pala. English nag kinuha mong major?” ang sunod niyang tanong.             “Wala naman akong ibang pagpipilian,” ang tugon ko. “Si Nanay ang pumili ng kurso ko. Pangarap niya noon pa na maging guro… pero nag-asawa siya nang maaga kaya hanggang highs school ang natapos niya. Eh, ikaw?”             “Halos magkapareho lang tayo ng rason,” ang paliwanag niya. “Si Mama, teacher siya kaya gusto niya rin ako maging isang teacher. Pinapili niya ako. Teacher o dentista? Takot ako sa dugo kaya ito ang kinuha ko.”             Kapwa kami natigilan nang sabay tumunog ang mga smartphone naming. Sabay naming tinignan kung ano ang sanhi ng notification. Isang text message mula sa isang unknown number. “Hello, this is Somi Lee, your English Society President. Please, attend the inauguration of the new set of officers at the University Gymnasium at 5pm tomorrow. Please, wear your uniform and be on time. Thank you.”             Napatingin kami ni Adrian sa isa’t-isa.             “Wala na tayong magagawa,” ang komento naman niya. “Sundin na lang natin ang sinasabi ng Club President natin. Okay ba yun, Mr. Vice President?”             “Tigilan mo ako,” ang natatawa kong komento bago kumuha ng unan at inihampas sa kanya.             KINABUKASAN…             Pagkatapos ng klase ay nagtungo kami ni Adrian sa student lobby ng School of Education. Nakatanggap kami ng mensahe kaninang umaga na magkikita-kita ba muna kami sa lobby bago sabay-sabay magtungo sa University Gymnasium.             “Let’s go,” ang anunsyo naman ni Ate Somi nang makompleto kaming lahat. Sumabay siya sa amin ni Adrian sa paglalakad. “Ano na ulit ang mga pangalan niyo?”             “Pau po,” ang pagpapakilala ko sa aking sarili.”             “Ako naman po si Adrian,” ang saad naman ni Adrian.             “Palagi kayong magkasama, magjowa ba kayo?” ang tanong naman ni Ate Somi. Pakiramdam ko ay rumagasa lahat ng dugo papunta sa aking mga pisngi. Natawa lang naman si Adrian bilang reaksyon.             “Magkaibigan lang po kami,” ang paliwanag ko habang nakatingin sa daan. “at tsaka, magka-roommate.”             “Akala ko naman…” si Ate Somi. “Alam niyo na.”             “Ah, siya lang po yun,” ang pagtatama naman ni Adrian. “Wala naman pong kaso sa akin kung ano si Pau.”             Natigilan kami nang makarinig ng mga sigawan at palakpakan sa di kalayuan. Malapit na rin kami sa soccer field kung saan katabi lang ng University Gymnasium.             “May welga po ba?” ang tanong ko kay Ate Somi.             “Wala,” ang natatawa niyang tugon. “Masanay ka na. Ganyan talaga kapag hapon dito sa Soccer field.  Nariyan kasi ang Soccer Team, nag-eensayo. Tapos sa bandang gilid, naroon din ang University Cheer Squad. Maraming estudyante ang nagpupunta rito para panoorin sila.”             Napatango naman ako. Hindi nga nagtagal ay natatanaw ko na ang ilang taong naglalaro ng Soccer sa field. Habang naglalakad ay palakas ng palakas ang music na pinapatugtog sa malayuan. Batid kong kung saan man ito nanggagaling, doon naman makikita ang Cheer Squad. Pagkatapos pa nga ng ilang minute ay nakarating din kami sa University Gymnasium.             “Ang daming tao,” ang bulong ko sa aking isipan nang makasilip sa loob. Pagkatapos makapirma sa isang attendance sheet ay pumasok kami sa loob. Napatingin ako sa paligid. May mga nakaset na mesa at upuan. Napansin ko ang ibang estudyante na nakasuot ng iba’t-iba pang klase ng uniporme.             “School of Education, dito po banda,” ang sabi ng isang usher na sinundan naman namin. May nakalagay sa mesa kaya kaagad naming nahanap ang aming dapat puntahan.             “Adrian, pupunta muna ako ng banyo,” ang paalam ko. “Baka sumabog na itong pantog ko.”             Dalian naman akong nagpunta ng banyo upang sagutin ang tawag ng kalikasan. Nang matapos ay dalian akong lumabas ng restroom. Hindi pa man din ako nakakalayo ay may bumangga sa akin. Sa lakas ng impact ay napapikit ako at hinintay ang masakit na pagbagsak. Naramdaman ko na lamang na may brasong pumulupot sa aking baywang at hinila ako papatayo.             Sa sobrang lakas naman ng paghila niya ay napadausdos naman ang aking mukha sa dibdib nito at kaaagd kaming bumagsak sa sahig kasabay ng malakas na hiyaw mula sa ilang nakasaksi. Nakapatong ako sa taong yun. Nakapikit pa rin ako dahil sa pagkagulat. Nang makahinga ng maluwag ay nararamdaman ko na nag hininga ng taong yun.             “Are you alright?” ang pabulong niyang tanong sa akin. Malalim at may lamig ang kanyang boses. Binuksan ko naman ang aking mga mata. Tinignan ko ang kabuuan ng kanyang mukha. Medyo maputi, makinis nag mukha, maypagka-chinito, manipis na labi, matangos na ilong at mahahabang pilik-mata. Masasabi kong gwapo nga siya. Natigilan ako sa pagsisiyasat nang muli siyang magsalita. “Liking the view?”             Imbes na sumagot ay napailing ako. Hindi ako makapaniwala sa pagiging presko nito. Hindi ko namalayan na tinitigan ko siya nang kay tagal. Itinungkod ko ang aking kamay at tumayo. Sumunod din naman siya. Kaagad kong napansin ang suot niyang uniporme. Mula siya sa School of Business             “Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo,” ang galit kong komento. “Bulag ka ba?”             “Uhm, oo,” ang pilosopo naman niyang sagot sabay ngiti. Nanggigigil ako sa taong ito. “Anong pangalan mo?”             “Wala akong oras makipagkaibigan sa’yo,” ang komento ko. “Mukha mo pa lang, hindi na katiwa-tiwala.”             “Bakit parang ang laki ng galit mo sa akin?” ang tanong niya ngunit hindi naman ako umimik. Bagkus ay bumalik ako kung nasaan ang mga co-officers ko. Kaagad akong naupo, napatingin naman sa akin si Adrian.             “Anong nangyari sa’yo?” ang tanong niya. “Pulang-pula ka at mukha kang papatay ng tao.”             “Kung pwede lang talaga,” ang diin ko naman.             “Sino ba yang kaaway mo?” ang tanong niya. Hinanap ko naman ang lalakeng nakabanggaan ko kanina at itinuro nang makita.             “Si Marcus yan,” ang singit naman ni Ate Somi.             “Kilala mo siya?!” ang gulat kong tanong.             “Sino ba namang hindi?” ang tanong naman niya pabalik. “Guwapo na nga, may kaya pa.”             Napaiwas naman ako ng tingin nang mahuli ako nitong Marcus na ito na nakatitig sa kanya.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD