Chapter Three : Inauguration

1135 Words
John Paulo’s Point of View “Guwapo, may kaya, at presko,” ang sunod sinabi ko naman. “Napa-cliché ng katauhan.” “So, don’t tell me ikaw naman ‘yung tipo ng taong tahimik, ayaw sa mga tao. Ganern?” anng tanong naman sa akin ni Ate Somi. Napakunot naman ako ng noo. “Parang mga characters lang sa isang pelikula o isang nobela. Tapos sila ang magkakatuluyan sa huli.” “Film junkie ka ba Ate?” ang tanong ko naman. “Parang and dami mo annag napanood na pelikula.” “Well, I make sure I spend some time,” ang paliwanag naman niya. “Eh, ikaw ba?” “Hindi naman ganoon kadalas, Ate.” Muli kong binaling ang aking tingin kay Marcus. Hindi ko alam kung bakit pero malakas ang aking pakiramdam na nakita ko na siya noon. Pero… hindi ko maalala kung saan at kung kailan. Bukod pa doon ay parang nabuhusan ng gasolina ang aking puso. Nag-aapoy ito sag alit. Ito ang unang beses na nakita ko siya ngunit parang may mabigat na siyang ginawa sa akin. “Bakit hindi mo subukang makipagkaibigan sa kanya?” ang suhestyon naman ni Ate Somi. Napatingin naman ako sa kanya. “Kahit kailan hindi ako makikipagkaibigan sa kanya,” ang galit kong saad sa pagitan ng aking mga ngipin. “Hala, bakit naman?” ang nagtatakang tanong niya. “Hindi naman nangangagat si Marcus. Kilala ng lahat na mabait siya.” “Yang ganyang tabas ng mukha; hindi kaagad mapagkakatiwalaan,” ang komento ko naman. “Hala, judgemental lang, besh?” ang reaksyon naman niya. “Teka, Ate Somi,” ang pagtawag ko naman sa kanyang pangalan. “Paano mo ba siya kasi kilala? Hindi ba siya isang Freshman na katulad ko?” “Hindi. Actually, isa siyang Sophomore student ng School of Business Administration,” ang tugon naman niya. “And reigning Mister Saint Anthony. Hindi lang kasi siya guwapo; matalino pa.” Napatango naman ako at muling napatingin sa direksyon ni Marcus. Napakunot naman ako ng noo nang mahuling nakatitig siya sa akin. Nginitian naman niya ako na nakapagpa-inis pa sa akin lalo. Inangat ko naman ang aking kamao upang ipakita sa kanya. Naiirita talaga ako sa kanya. Iniwas ko naman ang aking tingin upang hindi ko na lalong maramdaman pa ang galit sa kanya. Ano bang nangyayari sa akin? Hindi naman nagtagal ay magsisimula na ang inagurasyon ng mga officers ng mga club ng Saint Anthony. Nagsimula ito sa simpleng mensahe mula sa Head Director ng Office of Student Affairs at nagtapos sa panunumpa namin ng aming tungkulin. “Hindi ako makapaniwala na naging totoo nga ang mga posisyon natin,” ang komento ko sa aking upuan nang matapos ang aming panunumpa. “Wala na tayong magagawa diyan,” ang komento naman ni Ate Somi. “Mukhang magkakasama-sama tayo ng isang taon. Nae-excite akong makatrabaho kayong lahat. Gawin natin ang lahat para sa English Club. Sa mga nakababatang officers, huwag kayong magdadalawang-isip na lumapit sa amin kung kailangan niyo ng tulong. Kailangan nating mag-set ng isang pormal na meeting ngayong linggo. Magte-text na lang ako. Sa ngayon, enjoyin muna natin ang gabing ito. Let’s then take the chance to know each other really well.” Napatango naman kaming lahat. Bagay na bagay kay Ate Somi ang kanyang posisyon bilang isang Presidente. Sa tingin ko ay alam niya ang kanyang ginagawa at mukhang sanay na rin siya. “May mga pagkaing inihanda. Enjoy,” ang bilin naman ng isa sa mga School Supreme Government officers na lumapit sa aming table. Tinuro naman niya ang isang malaking mesa sa gilid. Ang ibang estudyante ay nagsimula na ring pumila. “Mabuti naman may pagkain!” ang masayang saad ni Adrian. “Kanina pa ako nagugutom. Tara na Pau.” Napatingin naman kami kay Ate Somi; naghihintay ng kanyang pagpayag. “Go ahead,” ang kaagad naman niyang pagpayag. Tumayo naman kami ni Adrian at nakipila. “Ano kayang mga pagkain ang naroon?” ang tanong naman ni Adrian sa akin. Sinubukan ko namang sumilit sa harapan pero masyadong malayo kaya kahit na isang putahe ay hindi ko masilayan. “Hey,” ang sabi ng isang boses kaya naman natigilan ako at napatingin. Si Marcus. Napatingin naman ako sa aking likuran at kay Adrian upang makasigurado kung ako nga ba ang kanyang kinaka-usap. Muli kong ibinaling ang aking tingin kay Marcus sabay turo sa sarili ko. “Oo, ikaw nga ang kinaka-usap ko.” “Anong kailangan mo?” ang malamig ko namang tugon. “Here,” ang saad naman niya sabay aktong iaabot ang pinggan na may pagkain. Napatitig naman ako doon. Bumalik naman ang aking tingin sa mukha niya. Nagsimula na naman akong magalit. “Para saan ‘to?” ang tanong ko naman. “Para kainin?” ang hindi naman niya siguradong tugon. “Salamat na lang,” ang pagtanggi ko naman. “Hindi ako lumpo at kaya kong kumuha ng sarili kong makakain.” “Alam ko,” ang tugon naman niya. “Kinuhanan na kita; so, you won’t bother. A way to say sorry sa pagbangga ko sa’yo kanina.” “Ang bait mo naman pala,” ang komento ko sabay kuha ng pagkain. “Adrian, gutom ka na, ‘di ba?” ang tanong ko naman kay Adrian nang tumungin ako sa kanya. Inabot ko naman sa kanya ang pagkaing ibinigay ni Marcus. Napasinghap naman si Adrian samantalang napasimangot naman si Marcus. “Uhm… mauuna na ako sa mesa,” ang paalam naman sa akin ni Adrian. “Ayokong pumagitna sa isang giyera. Salamat dito sa pagkain, Marcus.” Napangiti lang naman si Marcus na kaagad namang nawala nang umalis si Adrian. “May problema ka ba sa akin?” ang tanong naman sa akin ni Marcus. “Because, you, kow, I’m trying to be civil here.” “Meron,” ang tugon ko naman. “Yang buong presensya mo.” “Look, gusto ko lang makipagkaibigan,” ang saad niya. “Hindi eepekto sa akin ‘yan,” ang malamig ko namang tugon. “Hindi mo kailangang maging kaibigan ang lahat ng tao.” “Well, that’s true,” ang tugon naman niya. “But I want to be friends with you.” “Pero ayaw ko,” ang saad ko naman. “And why’s that?” “Hindi ko alam,” ang tugon ko naman. “Pwede ba? Huwag ka na ulit lumapit sa akin?” Natigilan naman ako nang oras ko na para kumuha ng pagkain. “Kung wala ka nang sasabihin pa; kukuha na ako ng makakain ko,” ang masungit ko pa ring paalam at tuluyan na nga siyang iniwan sa kanyang kinalalagyan. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD