Chapter Four: Moon Cake

1625 Words
  Pau’s Point of View Nagbalik naman ako sa aking upuan. Kaagad namang napatingin sa akon si Adrian. “Pau,” ang pagtawag niya sa aking pangalan. Napatingin naman ako sa kanya. “Bakit mo naman ginawa ‘yun?” “Ang alin?” ang maang-maangan ko naman. Napaikot naman siya ng mga mata. “Alam mo kung anong tinutukoy ko,” ang paliwanag naman niya. “Mukhang mabait naman ‘yung si Marcus. Bakit mo naman sinungitan?” “Hindi ba nagugutom ka na?” ang tanong ko naman sa kanya. “Pinauna lang kita.” “Hindi ako naniniwala na ‘yan talaga ang rason mo,” ang komento naman niya. “Magkakakilala ba kayo? May ginawa ba siya na… ikinagalit mo sa kanya.” “Uhm… ang totoo niyan, unang beses ko pa lang siya nakita. Ngayong araw lang,” ang paliwanag ko naman. “Pero bakit ganoon?” “Ang alin?” ang tanong naman niya pabalik. “Unang pagkakataon ko siyang nakita at nakilala pero… pakiramdam ko, matagal ko na siyang kilala,” ang sunod kong sinabi. “Hindi ko rin alam kung bakit na lang ganoon ang galit ko para sa kanya.” “Galit talaga?” ang pagpansin naman niya sa salitang aking ginamit. “Hindi man lang inis? O bwisit? Napakalalim ng salitang galit, Pau. Ibig sabihin noon ay… may pinaghuhugutan ka.” Hindi ko rin alam kung tamang salita ba ang ‘galit’ para gamitin ko pero sa tuwing dumadapo ang aking mga mata sa kanya ay tila ba naninikip ang aking dibdib at tila naghahabol ako ng hininga na gusto kong maiyak sa aking kinalalagyan. Gusto kong lumayo agad kay Marcus sa tuwing siya ay lumalapit sa akin. Ganun ang pakiramdam. Napakibit-balikat na lamang ako bilang tugon. “Alam mo, ikain mo na lang ‘yan.” “Na-gui-guilty tuloy ako. Para sa’yo dapat itong binigay niya,” ang komento naman ni Adrian. “King na-gui-guilty ka; isa lang solusyon diyan,” ang tugon ko. “Ano naman?” ang tanong niya. “Huwag mo na lang kainin,’ ang nakangiti kong tukso sa kanya. “Alam mo ang palaging sinasabi sa akin ng nanay ko?” ang tanong naman sa akin ni Adrian. “Ang pagkain sa hapagkainan ay grasya mula sa Diyos. Kaya naman hinid dapat nasasayang at sinasayang.” Natawa naman ako sa kanyang sagot at napailing. Maraming araw pa ang kailangan naming gugugulin upang matutunan ang tungkol sa amin ni Adrian. Ngunit isang bagay na ang sigurado ako, pagkain ang isa sa mga nagpapasaya kay Adrian. Pinanood ko naman siyang bumalik sa pila upang kumuha ng pangalang plato. Napakunot naman ako ng noo pagbalik niya. Kabundok ang pagkaing nasa plato niya. “Hindi ka pa ba nabusog sa una?” ang gulat kong tanong. “Hmm, paano ko ba ipapaliwanag?” ang tanong naman niya sa ere bago napatingin sa akin. “Pa-una pa lang ‘yun. Appetizer sa ibang salita.” “Appetizer?” ang reaksyon ko naman. “Sa dami ng ibinigay ni Marcus.” “Kaunti pa ‘yun,” ang tugon naman ni Adrian. Muli naman akong napatingin sa kinuha niyang makakain. Napatingin din naman ako sa katawan ni Adrian. “Paanong hindi ka tumataba sa dami ng kinakain mo?” ang tanong ko sa kanya. “Ganito na talaga ang katawan ko,” ang paliwanag naman niya. “Mabilis din kasi ang metabolismo ko.” Bigla kong naisip na malulugi ang mga restawrant na nag-aalok ng unlimited na pagkain kapag si Adrian ang customer. Mukhang nagsisimula pa lang siya. Natigilan naman ako nang mapansing papalapit si Marcus sa aming mesa. Kaagad ko namang iniwas ang aking tingin at simula na namang mainis. “Marcus!” ang pagtawag naman ni Ate Somi sa kanya. “Ate Somi!” ang pagtawag naman ni Marcus sa kanya. “Kamusta?” “Okay naman ako,” ang tugon naman ni Ate. “Ang tagal nating hindi nagkita,” ang saad naman ni Marcus. “Nagbakasyon ako sa Korea,” ang paliwanag naman ni Ate Somi. “Kaya pala,” ang tugon naman ni Marcus. Hindi ko pa rin siya hinaharap. “Anyway, I’m here to bring you something. Nagbakasyon din ang pamilya ko sa Taiwan kaya naman medyo naparami ang bili namin ng souvenirs. That’s why I’m here. I want to give you something.” Napatingin naman ako sa inabot ni Marcus kay Ate Somi. Isang paper bag. “Thank you,” ang pasasalamat ni Ate Somi. “Hindi ka na sana nag-abala pa.” “Close naman tayo, Ate,” ang paliwanag naman ni Marcus. Muli ko namang ibinaling ang aking atensyon sa aking kinakain at hindi na nakinig pa sa usapan nila. “Hey, Mr. Sungit. What’s his name?” “Paulo,” ang tugon naman ni Ate Somi kaya naman napakunot ako ng noo at napatingin sa kanya. Nakangiti naman siyang napatingin sa akin. “Paulo,” ang pagbanggit naman ni Marcus sa aking pangalan. Tinapunan ko naman siya ng masamang tingin. “Woah, there, tiger!” ang suway naman niya sabay angat ng kanyang mga kamay na parang isasangga sa akin. “Kasalanan na rin bang banggitin ang pangalan mo?” Hindi naman ako umimik bagkus ay tinitigan ko lang naman siya. “Heto, pampakalma,” ang saad niya sabay pilit na abot ng isang kahon sa akin. Dahil sa pagtitig ng mga kasama ko sa akin ay napilitan ko ‘yung tanggapin. Madali ko naman ‘yung inilapag sa tabi ng aking pinggan. “S-salamat,” ang mahina ko pasasalamat sa kanya. Napangiti naman siya at tumango. Nagpaalam naman siya kaya nakahinga ako nang maluwag. Napatingin naman ako sa kahong ibinigay ni Marcus. Kinuha ko naman ‘yun at binuksan. Napanganga ako nang makita ko kung ano ang nasa loob. Mooncakes. Tila ba may matinding liwanag ang nanggaling sa kahong yun at sinakop ang aking buong paningin. Isang hindi pamilyar na mukha ang aking nasilayan; hindi ito klaro kaya naman hindi ko masigurado kung sino siya. “Joaquin,” ang saad ng mukha. “Magsasama tayo. Pangako ko ‘yan sa’yo. Pangako.” “Paulo...Paulo!” ang pagtawag sa akin ng isang boses sabay alog ng aking balikat. Kaagad nawala sa aking paningin ang mukhang tumawa sa akin sa pangalang Joaquin. Muling bumalik sa aking paningin ang mooncakes na binigay sa akin Marcus. “Paulo!” ang muling pagtawag sa akin ni Adrian. Napatingin naman ako sa kanya. “Hala, okay ka lang?” ang tanong niya sa akin. “Bakit ka umiiyak?” “H-ha?” ang reaksyon ko naman. Naramdaman ko nga na may mainit na dumaloy sa aking pisngi. Natigilan naman ako at hinawakan ang aking pisngi. Basa nga ito ng luha. Hindi ko maipaliwanag kung bakit nga ako naluha. Ang alam ko lang ay nakaramdam ako ng matinding lungkot nang nakita ko ang mooncake at ang mukhang ‘yun. “H-hindi. May kung anong pumasok sa mata ko kaya naluha ako,” ang pagsisinungaling ko naman at kaagad na pinunasan ang aking luha gamit ang likuran ng aking kamay. Muli akong napatingin sa karton ng mooncakes at sinara ito. “Ate Somi,” ang pagtawag naman ni Adrian sa kanya kaya napatingin ako. “Nagpunta ka ng Korea noong bakasyon?” “Oo,” ang masayang tugon ni Ate Somi. “Nakaka-inggit naman,” ang saad naman  ni Adrian. “Hindi naman ako nagpunta doon para magsaya,” ang saad naman ni Ate Somi. “Anong ibig mong sabihin, Ate?” ang tanong ko naman. “Binisita lang naming ang lolo at lola ko,” ang paliwanag naman niya. “Ah, sa Korea sila nakatira.” “Oo, mga Koreans kasi sila,” ang sunod naman niyang paliwanag. “Korean kasi ang daddy ko.” “Kaya pala tunog Korean din ang pangalan mo,” ang komento naman ni Adrian. “Somi.” “Ang Korean name ko talaga ay Jang Somi,” ang paliwanag naman niya. “Doon ako nag-aral ng ilang taon bago lumipat dito sa Pilipinas. Nang napunta ako rito, naging Sofia Mikaela Perez. Somi pa rin dahil sa first name ko.” Napatango naman kami sa aming nalaman. Hindi ko alam na pwede ka palang magpalit ng pangalan. Lumipas ang oras at natapos din ang munting handaan. Tinahamak naman naming ni Adrian ang daan patungo sa dormitoryo. Bitbit ko pa rin ang kahon ng mooncakes na binigay ni Marcus. “Adrian,” ang pagtawag ko sa kanya. “Hmm?” ang reaksyon naman niya habang naglalakad. “May kakaiba akong karanasan kanina,” ang saad ko naman. “Kakaiba?” ang pag-uulit naman niya. “Na-in love ka na ba kay Marcus at sa mga mooncake niya?” ang tukso niya. “Huy, hindi!” ang reakyon ko naman na ikinatawa niya. “Pero… tungkol ito sa mooncakes.” “Oh, anong meron sa mooncakes na binigay niya sa’yo?” ang tanong naman niya. “Kasi… kasi…” “Kasi?” ang naiinip naman niyang tanong. “Para akong nanaginip nang gising,” ang paliwanag ko naman. “Nung nakita ko ‘yung mooncakes. Para akong nanaginip. Nag-iba ang aking paningin. Adrian, may nakita akong mukha pero… hindi malinaw. Tapos tinawag niya akong Joaquin.” “Ang weird naman,” ang komento naman niya. “Nakakakilabot… pero ano kayang ibig sabihin nang nakita mo?” Napakibit-balikat naman ako dahil hindi ko rin alam ang sagot sa kanyang kasagutan. “Baka guni-guni ko lang,” ang saad ko. Tama. Wala ‘yung saysay. Masyado lang siguro akong na-stress sa biglaang pagiging officer ko. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD