Chapter Five: Happy New Year!

1179 Words
  Paulo’s Point of View Nang makarating kami sa aming kuwarto ay kaagad akong nagbihis at naghanda para sa aking pagtulog. Dumeretso naman ako sa aking kama upang magsimulang magbasa. “Papatayin ko ba ang mga ilaw?” ang tanong naman sa akin ni Adrian kaya natigilan ako at napatingin sa kanya. “Sandali lang,” ang paki-usap ko naman bago binuksan ang night lamp ko. “Pwede na.” Pinatay nga ni Adrian ang ilaw bago tuluyang nagtungo ng kanyang kama. Tahimik ko namang sinimulan ang aking pagbabasa. Sa mga araw na ito ay nagagawa ko pa ring magbasa dahil unang linggo pa lang ng semester. Hindi ko alam kung magkakaroon pa ako ng parehong oras sa mga susunod na araw. Sa aking pagbabasa ay hindi ko namalayan na… nakatulog ako.   **** Maingay ang paligid. Rinig ko ang ingay ng mga drum sa paligid. Nasaan ako? Napatingin ako sa paligid. Nasa isa akong kalye; napakapamilyar nito.  Maraming tao at tila ba may isang selebrasyon na nagaganap. “Xin nian kuai le! (Happy New Year)” ang pagbati ng mga tao sa isa’t-isa. “Wacky!” ang pagtawag naman ng isang boses kaya napatingin ako. Isang babae. Unang beses ko siyang nakita ngunit parang kilala ko siya. “Ano pang itinatayo-tayo mo diyan? Halika na!” Malakas ang kutob ko na Aurora ang kanyang pangalan. “Aurora,” ang pagtawag ko sa kanya. Natigilan naman siya at napatingin naman sa akin. “Nasaan tayo?” ang tanong ko. “Ano ka ba, Joaquin?” ang retorikal naman niyang tanong. Joaquin? Ito ang pangalan na tinawag sa akin ng lalake sa aking gising na panaginip. “Nasa Binondo tayo ngayon. Sinabi ko naman sa’yo na bibisitahin natin ang ye ye (lolo) at nai nai (lola) ko,” ang paliwanag niya pa habang hila-hila pa rin ako. “Aurora, sandali lang,” ang pagpigil ko naman sa kanya nang makita ang lion dance performance. “Gusto kong panoorin ‘yun.” Natawa naman siya sa aking sinabi. “Sige na nga,” ang pagpayag naman niya. Lumapit naman kami sa mga kumpol ng taong nanonood. Napahanga ako sa performance ng lion dancers. Muli akong napatingin sa paligid. Nadekorasyonan ang paligid ng mga pulang palamuti. Napakaraming nakasabit na pulang  papel na lampara. Bukod pa  roon ay may mga pulang papel na naguhitan ng mga manok. “Wacky, halika na,” ang muling pagyaya ni Aurora sa akin. Nagtungo nga kami sa isa sa mga tindahan sa Binondo. “Ye ye!” ang masayang pagtawag ni Aurora sa kanyang lolo bago yumakap. “Ni xiang wo ma? (Do you miss me)” “Wo zhen de hen xiang ni, (I really miss you)” ang tugon naman ng kanyang lolo.  Patuloy naman silang nagkamustahan sa lenggwaheng hindi ko maintindihan. Napatingin ako sa palaigid. May kalendaryo na nakasabit sa gilid. Napakunot ako ng noon ang makita ‘yun. 1689 ang taon. Taon ng tandang para sa Bagong Taon ng mga intsik. Nagpaalam muna ako kay Aurora na maglalakad-lakad at babalik na lang. ‘Yun nga ang aking ginawa. Napuno ang aking paningin ng sari-saring makikita. Maliban sa Lion Dance na aming pinanood kanina ay pinanood ko naman mag-isa ang Dragon Dance. May mga sari-saring produkto ring ibinebenta sa paligid na hindi ko natis kundi bumili. Nakarating naman ako sa isa sa mga tindahan na nagbebenta ng accessories. “Ni hao! (Hello)” ang pagbati ng nagbabantay sa tindahang ‘yun. Hindi ko naman alam kung anong isasagot dahi hindi ako marunong sa salitang Mandarin. “Ni hao,” ang aking tugon sabay ngiti. “Ikaw… ano… hanap?” ang paputol-putol naman niyang tanong sa akin. Naiintindihan ko naman na hindi siya ganoong nakakapagsalita ng Tagalog. “Gusto mo… good luck? Ako… marami… benta.” Napatingin naman ako sa mga naka-display na purselas. “Ito… Jade Piyao,” ang turo niya sa purelas na kulay berde. May parang hugis dragon sa isa sa mga beads. “Para sap era. Ito… good health,” ang turo naman niya sa isa. Ito… baka gusto mo… rose quartz. Para sa pag-ibig, dahil new year… bigay… kita… discount.” “Sige po!” anng kaagad ko namang pagpayag. Isinuot ko naman kaagad ang purselas na binili ko.  “Xin nian kuai le!” ang pagbati ko naman pagkalabas ng tindahan niya. “Xin nian kuai le!” ang pagbati niya pabalik. Ipinagpatuloy ko naman ang paglalakad. Natigilan naman ako nang may makita sa isang banda. May stand na nagbebenta ng moon cakes. Kaagad naman akong lumapit. Matagal kong pinag-isipan kung alin ang kukunin. Nang makapagdesisyon ay kukunin ko na ang isang kahon. Natigilan naman ako nang may kamay na humawak sa parehong kahon. Kaagod ko namang binawi ang kamay ko at napalingon. Isang binata na siguro ay kasing taon ko rin lang. Nakasuot siya ng tradisyonal na damit ng mga intsik. Nginitian niya ako kaya naman lumiwanag ang aking paningin. “Sorry,” ang nahihiya ko namang paghingi ng paumanhin sabay iwas ng aking tingin. Ibinaling ko na lang ang aking atensyon sa mga karton ng moon cakes na naka-display. Kinuha naman niya ang isa at kina-usap ang tindera. “Ni hao ma,” ang pagbati niya. “Wǒ yāomǎi zhège. (I want to buy this.)” Patay. Hindi ko alam tuloy kung paano bibili sa ale ng moon cakes na ’yun. Mukha pa namang masarap. Ah! Dadalhin ko na lang pala si Aurora rito para siya na lang ang makipag-usap. Aalis na sana ako nang… “Sandali lang!’ ang pagtawag ng lalaki sa akin kaya naman natigilan ako at napatingin naman ako sa kanya. Ako ba ang kinakausap niya? “Heto.” Napatingin ako sa hawak-hawak niya. Isang kahon ng mooncake na nakalagay sa isang plastic bag mula sa stand. “Uhm, bakit mo binibigay sa akin ‘yan?” ang tanong ko naman. “Hindi ba bibili ka rin?” ang tanong naman niya pabalik. Napatango naman ako. “Oo, pero kaya ko naman siguro bumili nang ako,” ang paliwanag ko naman. “Hindi ko namang sinasabi na hindi,” ang paglilinaw naman niya. “Chinese New Year ngayon kaya gusto kong ibigay sa’yo ito.” “Ah, ganun pala,” ang reaksyon ko naman. “Heto. Ano nga pala ang pangalan mo?” “Joaquin,” ang tugon ko. Teka, hindi naman ‘yun ang pangalan ko! Paulo. Paulo ang pangalan ko. Pilit kong sinasambit ang aking tunay na pangalan ngunit tila ba may pumipigil sa akin. “Ako si Joaquin.” “Ako nga pala si Chris,” ang pagpapakilala naman niya sa kanyang sarili sabay alok ng kanyang kamay. Aabutin ko na sana ‘yun ngunit tila ba may humila sa akin palayo sa kanya. Palayo sa lugar na ‘yun. Natagpuan ko ang aking sarili ngayon na nahuhulog sa kadiliman. “Chris! Chris! Tulong!” ang ang paghingi ko ng tulong sa kanya. “Chris! Kahit sino! Tulong!”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD