Marcus’ Point of View
I’m on my way to the inauguration of the new set of officers. Hinid ko inasahan na ako ang magiging president ng governing body ng School of Business Administration. Well, I guess it can’t be helped. Mas lalo na yatang nakaapekto sa aking pagtakbo bilang president ang pagkapanalo ko bilang Mister Saint Anthony last year. I felt guilty para sa ibang mas deserving pero siguro kailangan ko ring patunayan na hindi lang ako puro pa-guwapo. I can lead, too. Bitbit ko ang ilang paper bag na lulan ng mga moon cake na aming binili sa Taiwan. Doon kasi ako pumunta nang nagkaroon kami ng mahabang bakasyon bago nagsimula ang panibagong semester. Balak kong bigyan si Ate Somi ng moon cakes. Naging ka-close siya since sumali rin siya sa Mr. and Ms. Sain Anthony last year. Ang rinig ko ay nagtungo naman siya sa South Korea upang bisitahin ang kanyang mga lolo at lola. Nang makarating sa venue ay kaagad kong hinanap ang mesa para sa amin. Kaagad ko namang nakita ang ilan sa mga co-officers ko Magsisimula na sana akong maglakad patungo doon ngunit hindi ko napansin ang taong papasalubong sa akin.
Hindi pa man din ako nakakalayo ay may bumangga sa akin. Sa lakas ng impact ay napanood ko ang kanyang pagpikit at tila ba hinihintay na lang ang kkanyang masakit na pagbagsak. Kaagad ko namang ginalaw ang aking braso at ipinangsalo sa kanyang baywang. Hinila ko naman siya papatayo.
Sa sobrang lakas naman ng paghila ko ay napadausdos naman ang kanyang mukha sa aking dibdib at kaagad kaming bumagsak sa sahig kasabay ng malakas na hiyaw mula sa ilang nakasaksi. Nakapatong siya sa akin. Nakapikit pa rin siya dahil sa pagkagulat. Tinitigan ko naman ang kanyang mukha. Mahahaba ang kanyang mga pili-mata. Napangiti naman ako. He’s kind of cute.
“Are you alright?” ang pabulong kong tanong sa kanya. Minulat naman niya nag kanyang mga mata kaya kita ko kaagad ang kulay tsokolate niyang mga mata. Tinignan niya naman ang kabuuan ng aking mukha. Matagal siyang nakatitig sa akin. “Liking the view?”
Imbes na sumagot ay umiling lang naman siya at nag-ba ang ekspresyon ng mukha. Itinungkod niya ang kanyang kamay at tumayo. Sumunod din naman ako. Mula siya sa School of Teacher Education. Suot niya kasi ang uniporme mula sa koleyong ‘yun.
“Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo,” ang galit niyang komento kaya naman napakunot ako ng noo. Para siyang isang chihuahua kung magalit. Maliit pero fierce kaya imbes na mainis o magalit sa kanyang pinapakita ay gusto ko na lang tumawa. “Bulag ka ba?”
“Uhm, oo,” ang pilosopo ko namang sagot sabay ngiti. He’s cute and I want to know him. Para bang nakilala ko na siya before pero hindi ko sigurado kung kailan o saan. “Anong pangalan mo?”
“Wala akong oras makipagkaibigan sa’yo,” ang tugon naman niya. “Mukha mo pa lang, hindi na katiwa-tiwala.”
“Bakit parang ang laki ng galit mo sa akin?” ang nagtataka ko namang tanong ngunit hindi naman siya umimik. Nagsimula naman siyang maglakad papalayo.
“Hey!” ang pagtawag ko naman sa kanya ngunit hindi niya na nga ako pinansin at dumeretso sa table ng mga co-officers niya. Ito ang unang beses na nakita ko siya rito sa campus. I guess he’s a new student. Napakamot na lang ako ng batok bago sumali sa mga co-officers ko.
“Marcus, narito ka na pala,” ang komento naman ni Theresa nang makita ako. Siya ang sekretarya ng club naming.
“Sorry, if I’m late,” ang paghingi ko naman ng paumanhin. “Dumaan muna ako ng dorm room ko. May kinuha lang.”
“Okay lang, ano ka ba? Hindi pa naman nagsisimula ang inauguration,” ang tugon naman ni Miguel; ang Vice-President.
“Anyway, here,” ang anunsyo bago linapag ang kahon ng moon cake sa mesa. “I don’t have enough, but, please, do enjoy.”
“Masyado kang nag-so-sorry sa lahat ng bagay,” ang komento naman ni Theresa. “Hindi ka naman obligado pero maraming salamat. Binuksan naman nila ang kahon ng moon cake. Para bang may nakakasilaw na ilaw ang nanggaling sa kahon. Napuno ang aking paningin ng putting ilaw kaya naman napahawak ako sa gilid ng mesa. Sa aking paningin ay may nakita akong lalaki sa malayo at nakatalikod. Bigla naman siyang humarap sa akin at ngumiti.
“Ni hao (hello), Chris!” ang bati naman niya sa akin. Tila ba bumilis ang t***k ng aking puso. Paniguradong kilala ko siya… paniguradong nakita ko na siya noon pero hindi ko maalala kung saan at kailan.
“Marcus!” ang pagtawag sa akin ni Miguel kaya naman bumalik ako sa aking katinuan at kaagad namang naglaho ang mukhang ‘yun. “Okay ka lang? Bakit biglaan kang natulala? May sakit ka ba?”
“H-huh?” ang reaksyon ko naman. Ramdam ko naman ang pawis sa aking leeg. “I’m fine. Don’t worry,” ang tugon ko naman sabay kuha ng aking panyo mula sa aking bulsa. Muli naman akong napatingin sa moon cake. Ano nga bang nangyari? At sino siya? Bakit niya ako binati sa salitang intsik?
Napailing naman ako. Baka may hang-over pa ako sa bakasyon ko sa Taiwan. Hindi naman nagtagal ay nagsimula na nga ang inauguration of officers. May munting naman silang inihanda. Kaagad naman kaming pinapila dahil mas malapit kami sa pagkain. Naisipan kong kuhanan ang nakabanggaan ko ng makakain. Gusto ko siyang makilala. Hindi ko alam pero parang nahulog na agad ang loob ko sa kanya. Love at first sight nga siguro ang tawag sa nararamdaman ko. Kung ano man ang nararamdaman ko; isa lang ang sigurado. Gusto ko siyang maka-usap.
Sinunood ko nga ang aking pano. Kumuha ako ng makakain at nang makita siyang pumila ay lumapit naman ako.
“Hey,” ang tawag ko naman sa kanya dahil hindi ko alam ang pangalan niya. Napatingin naman siya sa kanyang likuran at sa kasama niya na tila may hinahanap. Muli naman niyang ibinaling ang kanyang tingin sa akin sabay turo sa sarili niya. “Oo, ikaw nga ang kinaka-usap ko,” ang pagkumpirama ko naman.
“Anong kailangan mo?” ang malamig naman niyang tanong.
“Here,” ang saad ko naman niya sabay aktong iaabot ang pinggan na may pagkain. Napatitig naman Siya doon. Ibinaling naman niya ang kanyang tingin sa akin.
“Para saan ‘to?” ang tanong niya.
“Para kainin?” ang hindi ko siguradong tugon.
“Salamat na lang,” ang pagtanggi naman niya kaya napasimangot ako. “Hindi ako lumpo at kaya kong kumuha ng sarili kong makakain.”
“Alam ko,” ang pagkumpirma ko. “Kinuhanan na kita; so, you won’t bother. A way to say sorry sa pagbangga ko sa’yo kanina.”
“Ang bait mo naman pala,” ang komento naman niya sabay kuha ng pagkain kaya nakahinga na ako nang maluwag. “Adrian, gutom ka na, ‘di ba?” ang tanong naman niya sa kasama siya sabay abot sa kanya ang pagkaing ibinigay ko. Napasinghap naman itong si Adrian samantalang napasimangot naman ako sa ginawa niya.
“Uhm… mauuna na ako sa mesa,” ang paalam naman ng kaibigan niya bago napatingin sa aking direksyon. I could see how sorry he is for what happened. “Ayokong pumagitna sa isang giyera. Salamat dito sa pagkain, Marcus.”
Napangiti lang naman ako na kaagad namang nawala nang umalis si Adrian.
“May problema ka ba sa akin?” ang tanong ko sa kanya; may inis sa aking boses. “Because, you, know, I’m trying to be civil here.”
“Meron,” ang tugon naman niya. “Yang buong presensya mo.”
“Look, gusto ko lang makipagkaibigan,” ang saad ko. Wala akong ibang gusto kundi ‘yun lang.
“Hindi eepekto sa akin ‘yan,” ang malamig namang niyang tugon. “Hindi mo kailangang maging kaibigan ang lahat ng tao.”
“Well, that’s true,” ang pagsang-ayon ko. “But I want to be friends with you.”
“Pero ayaw ko,” ang giit niya.
“And why’s that?”
“Hindi ko alam,” ang tugon niya. “Pwede ba? Huwag ka na ulit lumapit sa akin? Kung wala ka nang sasabihin pa; kukuha na ako ng makakain ko,” ang masungit pa rin niyang paalam at tuluyan na nga akong iniwan sa aking kinalalagyan.
“Well, that went well,” ang bulong ko sa aking sarili. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganun na lang ang pinapakita niya sa akin. Do I look intimidating? Pangit ba ako para sa kanya?