Marcus’ Point of View
Nagbalik naman ako sa aking upuan. Hindi ko pa rin alam kung bakit ganoon na lang ang pagtrato niya sa akin at ganoon na lamang ako nahuhumaling sa kanya nang ganito.
“Marcus,” ang gulat namang pagtawag ni Miguel sa aking pangalan. Napatingin naman ako sa kanya. “Nasaan na ang kinuha mong pagkain?”
“Uhm, ibinigay ko sa mas gutom kaysa sa akin,” ang tugon ko naman.
“Bilib talaga ako sa pagkamakatao mo, Marcus,” ang puri naman niya.
“Hayaan mo akong kuhanan ka, Marcus,” ang pagboboluntaryo naman ni Theresa.
“No need,” ang pagtanggi ko naman.
“Ano ka ba? Walang problema,” ang saad naman niya bago tumayo at kumuha nga ng makakain. Kaagad naman akong nagpasalamat nang ilagay niya ang plato ng pagkain sa aking harapan. We started to eating; I mean, they started eating. My mind is so clouded that I can’t eat really well. Napatingin naman ako sa natirang mooncakes may isang extra na karton. Right! I can give that to… him. Tumayo naman ako kaya nakaagaw ito ng atensyon mula sa co-officers ko.
“Saan ka pupunta?” ang tanong naman ni Miguel.
“I, uh, just want to greet an old friend,” ang paliwanag ko naman. “Excuse me,” ang paalam ko sabay kuha sa mooncakes. Nagsimula naman akong maglakad patungo sa table nila Ate Somi.
“Marcus!” ang pagtawag naman ni Ate Somi sa akin nang mapansin ang paglapit ko.
“Ate Somi!” ang pagtawag ko naman sa kanya pabalik nang tuluyan na akong makalapit sa kanya. “Kamusta?”
“Okay naman ako,” ang tugon naman ni Ate Somi.
“Ang tagal nating hindi nagkita,” ang komento ko naman. Nasa Taiwan din naman ako kaya hindi talaga kami pwedeng mag-hang out sa bakasyon.
“Nagbakasyon ako sa Korea,” ang paliwanag naman ni Ate Somi.
“Kaya pala,” ang tugon ko naman nang malaman ‘yun. Napansin ko naman na iniiwas ni Mr. Sungit ang kanyang tingin sa akin. Kaagad ko namang naalala ang nais ong ibigay sa kanila. “Anyway, I’m here to bring you something. Nagbakasyon din ang pamilya ko sa Taiwan kaya naman medyo naparami ang bili namin ng souvenirs. That’s why I’m here. I want to give you something.”
“Thank you,” ang pasasalamat ni Ate Somi sa akin. “Hindi ka na sana nag-abala pa,” ang saad niya pa.
“Close naman tayo, Ate,” ang argyumento ko naman. Napatingin naman ako sa katabi niya. Abala siya sa kanyang pagkain. “Hey, Mr. Sungit,” ang pagtawag ko sa kanya ngunit hindi naman siya umimik o tumingin man lang sa aking direksyon. Napatingin naman ako kay ate Somi upang magtanong. “What’s his name?”
“Paulo,” ang tugon naman ni Ate Somi kaya naman napatingin sa kanya ang taong pinag-uusapan namin. Nakangiti namang napatingin si Ate sa kanya.
“Paulo,” ang pagbanggit ko naman sa kanyang pangalan. Nanlaki ang mga mata ko nang tapunan niya ako ng isang masamang tingin. “Woah, there, tiger!” ang suway ko naman sabay angat ng aking mga kamay na parang isasangga laban sa kanya. “Kasalanan na rin bang banggitin ang pangalan mo?”
Kaagad ko namang kinuha ang karton ng moon cake at aktong iaabot sa kanya.
“Heto, pampakalma,” ang saad ko sabay pilit na i-abot sa kanya ang kahon na ‘yun. Hinintay ko naman kung anong magiging reaksyon niya. Napatingin naman siya sa mga tao sa mrsa nila bago tinanggap ang kahon. Lubos akong natuwa sa kanyang ginawa. Madali naman niyang inilapag ang kahon tabi ng pinggan.
“S-salamat,” ang mahina niyang pasasalamat sa akin. Napangiti naman Ako at tumango.
“Yun lang naman ang dahilan kung bakit ako nadako rito,” ang paliwanag ko naman. “I won’t bother you any longer. Nice to meet you, Paulo,” ang sabi ko sa kanya bago tuluyang umalis.
Paulo.
Mapaka-generic na pangalan. To be honest, hindi ko na mabilang kung ilang tao na ang nakasalamuha ko na mayroong parehong pangalan.
Pero naiiba pa rin siya.
Hinid ko maalis ang aking ngiti hanggang sa pagbalik ko sa mesa namin. Tahimik ko namang ipinagpatuloy ang aking kinakain kanina.
Hindi nga nagtagal ay natapos ang munting pagsasalo namin. Napagdesisyunan ko munang magtungo ng library upang magpalipas ng oras. Gusto ko sanang simulan ang pagplaplano ng mga activities na pwede naming gawin bilang student council ng School of Business Administration.
“Marcus!’ ang pagtawag ng isang pamilyar na boses kaya naman natigilan ako at napalingon. Si Ate Somi. “Hindi diyan ang daan patungo sa men’s dormitory,” ang komento naman niya.
“Ah, hindi doon ang punta ko, Ate,” ang paglilinaw ko naman. “Pupunta muna ako ng library.”
“Library?” ang nagtataka naman niyang tanong. “First week pa lang ng Sem, may homework ka na agad?”
“Ah, hindi naman sa ganun. Gusto kong mapagplanuhan nang maigi ang mga activities na pwede naming gawin sa School of Business Administration,” ang paliwanag ko naman. “
“Naks, naman! Ang sipag ng Presidente,” ang tukso naman niya. “Mabuti ka pa. Feel ko, napaka-lax ko.”
“May experience ka na kasi,” ang komento ko naman. “Ate Somi, may itatanong nga pala ako sa’yo.”
“Ano naman ‘yun?”
“Si Paulo,” ang kaagad kong tugon.
“Si Paulo? Yung Vice-President ng English Club naming?” ang tanong naman niya.
“Vice-President pala siya,” ang bulong ko naman sa aking sarili.
“Kung siya ‘yung palaging nagsusungit; siya nga,” ang tugon ko.
“Siya? Masungit?” ang nagtataka naman niyang tanong. “Kahit kailan ay hindi siya nagsungit sa harapan namin.”
“Palagi niya akong sinusungitan,” ang saad ko naman.
“Hmm,” ang reaksyon naman niya. “Ano nga pala ‘yung itatanong mo tungkol sa kanya?”
“Close na ba kayo?”
“At bakit mo naman tinatanong, Marcus?” ang tukso naman niya. “Bakit parang… napaka-interisado ka kay Paulo. Gusto mo ba siya?”
“Ate, I think it’s love at first sight,” ang tugon ko naman. “I like him.”
“Wow, that was fast,” ang komento naman niya sabay tawa.
“But the thing is… he dislikes me so much,” ang komento ko naman.
“I know,” ang tugon ni Ate Somi na nagpahinto sa akin sa paglalakad.
“You know?!” ang gulat ko namang reaksyon.
“Hindi naman ako bulag, Marcus,” ang tugon naman niya. “He’s trying his best to avoid you.”
“What should I do, then?” ang tanong ko bago ipinagpatuloy ang paglalakad upang makahabol sa kanya.
“Sigurado ako na…nagulat lang siya sa pag-alok mo ng pakikipagkaibigan,” ang tugon naman niya. “Bigyan mo lang siya ng sapat na oras.”
“Siguro nga,” ang pagpayag ko. Kailangan ko sigurong maka-isip ng ibang paraan para lumambot ang kanyang puso para sa akin.