Chapter Eight: Year of the Rooster

1496 Words
  Marcus’ Point of View “Pero Ate Somi, could I ask you a favor?” ang paalam ko naman sa kanya. “Sure,” ang pagpayag naman niya. “Pwede bang, uhm, tulungan mo akong mapalapit sa kanya?” “Walang problema pero… hindi ako nangangako na kaya kong ipaglapait kayong dalawa,” ang komento naman ni Ate. “Tulad mo, hindi ko rin gaano kakilala si Paulo kaya naman maraming bagay na hindi ko alam tungkol sa kanya.” “Naiintindihan ko, Ate,” ang tugon ko naman. “I’ll appreciate any help you can give me.” “I’ll try,” ang nakangiti naman niyang pagkumpirma. “Thank you, Ate Somi,” ang pasasalamat ko naman. “Well, I’ll see you around,” ang paalam naman niya nang madako kami sa daang patungo sa Women’s Dormitory. Naghiwalay naman kami ng daan; ipinagpatuloy ko ang paglalakad patungo sa library. Bukas pa naman ito hanggang alas-onse ng gabi. Pagkapasok ko ng library ay dumeretso ako sa isa sa mga upuan. Inilabas ko naman ang aking MacBook at sinimulan ang aking planong gawin. Sa kalagitnaan ng aking ginagawa ay naka-receive ako ng mensahe mula kay Dustin, ang aking roommate na isang estudyante ng School of Engineering and Architecture. “Where you at, bro?” ang tanong niya sa akin. “Library,” ang tugon ko naman. “Dude, you’re boring,” ang tugon naman niya. “Anyway, I’ll come.” Tignan mo ‘to. Sasabihan ako na boring ako pero pupunta rin dito. Napa-iling naman ako sabay balik ng aking phone sa tabi ng aking notebook. Isang oras pa lamang ako sa aking ginagawa pero ramdam ko na ang pagod sa aking mga mata. “Akala ko ba, pupunta rito si Dustin?” ang tanong ko naman sa aking sarili. Napagdesisyunan kong ipikit muna ang aking mga mata upang makapagpahinga ang mga ito.   **** Isang makalumang tanawin ang aking nakikita. Sigurado ako rito. “Cris,” ang pagtawag ng isang malamig na boses. Hindi ‘yun ang pangalan ko pero… tumingin ako. Hindi ko mapaliwanag ang aking nararamdaman. Para bang ramdam ko na sa akin nga ang pangalang ‘yun. Napa-isip ako. Isang Crisanto Yap ang pumapasok sa aking isipan. Napatingin ako sa taong nagsalita. Pamilyar ang kanyang mukha. Siguradong Tatay ko siya. Pero… nananaginip siguro ako. “Ni you zai ting wo shuohua? (Are you listening to me)” Wala akong lahing intsik pero naiintindihan ko ang kanyang sinabi. “Shi de baba (Yes, Dad),” ang tugon ko naman. Nasa loob kami ng isang sasakyan at mukhang may pupuntahan. Napatingin ako sa aking suot; isang traditional na damit ng mga intsik. May katabi akong babae na sa hula ko ay mas matanda sa akin. Siya ang Ate ko. Samantha naman ang kanyang pangalan. Samantha Yap. Nananaginip ba talaga ako? Pero bakit parang napaka-totoo lahat ng aking nakikita. Kahit ang knailang mga pangalan ay alam ko at kung ano ang relasyon ko sa bawat taong nasa loob ng sasakyan. Muli akong napatingin sa labas. Panigurado akong nasa Manila pa rin ako pero hindi ito ang Manilang alam ko. Tulad nga ng sinabi ko ay iba ang istilo ng mga establisyemento. Gayundin ang mga sasakyan. Mga vintage model. Hindi naman nagtagal ay nakarating kami sa isang lugar. Sa Chinatown. It’s very festive. Ang daming tao, at ang ingay. May mga tambol akong naririnig. Sa kalsada ay may mga nagsasayawang lion dancers at dragon dancers. Dinala naman kami ni Dad sa isang restawrant bilang pakikiisa sa selebrasyon ng Chinese New Year. Napatingin ako sa paligid. Natigilan ako nang makita ang isang malaking pulang banner na nakasabit sa isang pader. Nakasulat ito sa wikang intsik ngunit kaagad ko namang naintindihan kung anong nakasulat; Happy Year of the Rooster 1969. 1969? Kung hindi ako nagkakamali. Limang dekada na ito patungo sa nakaraan. Pagkatapos naming kumain ay hinayaan naman kami ni Baba na mamasyal sa paligid. Kasama ko si Ate Samantha. “Didi (younger brother), tara muna bumili ng lucky charms,” ang yaya naman ni Ate sa akin. Tumango naman dahil hindi ko rin naman alam kung saan pupunta. “Ang daming tao ngayon.” “Oo nga, jiejie (older sister),” ang pagsang-ayon ko naman. “Mukha namang masaya.” Malapit na kami ng bilihan nang may napansin akong lumabas mula sa establisyimentong ‘yun. “Jiejie, may pupuntahan ako saglit,” ang paalam ko kay Ate Samantha. “Sige, pero bumalik ka rin kaagad,” ang bilin niya. Tumango naman ako at mabilisang sinundan ang taong nakita kong lumabas ng tindahan. Panigurado akong dayo siya dahil hindi siya nakasuot ng katulad sa akin. Umaasa na lamang ako na madali ko siyang mahahanap. Sa dami ba naman ng mga tao ngayon sa Binondo. Sinubukan ko ang lahat ng aking makakaya upang hanapin ang taong ‘yun ngunit hindi ko na siya mahanap pa. Napabuntong-hininga na lamang ako. Babalik na lang ako kung saan ko iniwan si Ate Samantha, ngunit naalala ko na sa bawat pagpunta naming sa Binondo tuwing Bagong Taon ay bumibili kami ng moon cake, at may suki kami ng moon cake dito sa Binondo. Nagsimula naman akong maglakad papunta sa maliit na stand ng moon cakes. Hindi pa rin natatanggal sa aking isipan ang lalakeng lumabas ng tindahan kanina. Ewan ko ba. Wala sa sarili kong inabot ang isa sa mga kahon na naka-display. Natigilan naman agad ako nang may isang kamay na sabay na humawak sa karton ng mooncakes. Kaagad ko namang binawi ang kamay ko at napalingon. Ang lalakeng kanina ko pa hinahanap at inaasahang masilayan. Nginitian ko siya nang makita ang buo niyang mukha.   “Sorry,” ang nahihiya namang niyang paghingi ng paumanhin sabay iwas ng kanyang tingin. Ang cute niya. Ibinaling naman niya ang kanyang atensyon sa mga karton ng moon cakes na naka-display. Napatingin naman ako sa mga karton; mukhang balak din niyang bumili. Mas lalo akong napangiti. Kumuha naman ako ng dalawang karton ng moon cakes. “Ni hao ma,” ang pagbati ko sa tinder na nakikipagdaldalan sa katabi niyang tindera. “Wǒ yāomǎi zhège. (I want to buy this.)” Binilin ko rin na paghiwalayin ang dalawang karton. Kaagad ko namang binayaran ang moon cakes. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang papaalis na ang lalake nang mapalingon ako sa direksyon niya. “Sandali lang!’ ang kaagad ko namang pagpigil sa kanya kaya naman natigilan siya at napatingin naman sa akin. Kita sa kanyang buong mukha ang pagtataka. “Heto.” Napatingin siya sa hawak-hawak ko. “Uhm, bakit mo binibigay sa akin ‘yan?” ang nagtataka naman niyang tanong sa akin habang nakatitig pa rin sa hawak ko.. “Hindi ba bibili ka rin?” ang tanong ko naman pabalik. Napatango naman siya bilang tugon. “Oo, pero kaya ko naman siguro bumili nang ako,” ang paliwanag naman niya. “Hindi ko namang sinasabi na hindi,” ang paglilinaw ko naman. “Chinese New Year ngayon kaya gusto kong ibigay sa’yo ito.” “Ah, ganun pala,” ang tanging reaksyon naman niya. Nag;akas loob naman ako. “Heto. Ano nga pala ang pangalan mo?” “Joaquin,” ang tugon niya. Joaquin. Ang ganda ng pangalan niya. “Ako si Joaquin.” “Ako nga pala si Cris,” ang pagpapakilala ko naman sa aking sarili. Cris? Hindi. Hindi ‘yun pangalan ko. Marcus. “Ako si Crisanto Yap.” Bakit ganun? Hindi ko mabanggit ang pangalan ko? Bigla namang nagdilim ang paligid kasabay ng paglayo ng lalaking kausap ko kanina na nagngangalang Joaquin. “Joaquin! Sandali lang! Joaquin!” ang pagtawag ko naman habang hinahabol siya. ***** Minulat ko ang aking mga mata. “Joaquin,” ang pagsambit ko sa kanyang pangalan kasunod ng pagpatak ng aking mga luha. “Bro,” ang pagtawag sa akin ng pamilyar na boses. Kaagad naman akong napalingon. Si Dustin nga. Hawak-hawak ang aking balikat. “Okay ka lang? Nananaginip ka.” “O-okay lang ako,” ang tugon ko naman sabay punas ng aking mga luha. “Bro, sino si Joaquin?” ang tanong naman niya sa akin. Hindi naman ako umimik, bakus ay kinuha ako ang aking notebook at sinulat ang ilang bagay… 1969. Joaquin. Crisanto Yap. Alam kong panaginip lang ang lahat pero ramdam ko na parang totoo ang lahat ng yoon. Hinarap ko naman ang aking laptop at pumunta ng browser. What zodiac year is 1969? Ito ang hinanap ko. Year of the Rooster. Coincidence? Pero tama ang nasa panaginip ko. Napa-iling naman ako. “Bro,” ang muling pagtawag sa akin ni Dustin kaya napatingin ako sa kanya. “Sino si Joaquin?” “Wala, panaginip lang,” ang paliwanag ko naman. I don’t want to be so invested with such petty things. Pero sa paggising ko, isa lang ang nararamdaman ko. Matinding kalungkutan.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD