MARCUS’ POINT OF VIEW
Tulad ko ay may lahing Amerikano si Dustin. Mas angat nga lang ang pagiging mukhang foreigner ni Dustin kaysa sa akin. Since mixed-race ako… I mean, half Filipino, One fourth American, and one-fourth Japanese; nalilito ang iba sa paghuhula ng aking nationality. Filipino si Mom samantalang half-American at half-Japanese naman si Dad. He can’t speak Japanese though dahil sa America na siya talaga lumaki at doon sila nagkakilala ni Mom. I was born there, and I studied until Senior High. Nag-desisyon sila Mom and Dad na dito na lang sa Pilipinas manirahan. At ‘yun ang dahilan kung bakit sa Saint Anthony University ako ngayon nag-aaral. Noong una, I was really against it. Nasa Los Angeles na kasi ang buhay at mga kaibigan ko. But Mom’s family has a business to run. A business that I’d be inheriting when the right time comes.
“Ano bang ginagawa niyo?” ang tanong naman ni Dustin.
“May research project kami,” ang tugon ko naman. “And I’m currently making our slide presentation.”
“I see,” ang tugon naman niya sabay labas ng sarili niyang laptop. “You can continue, then.” Isinaksak naman niya ang kanyang earphone sa jack. Hindi ko naman na siya pinaglaanan pa ng atensyon, bagkus ay ipinagpatuloy ko nga ang paggawa ng template ng slide presentation namin.
“Tama na muna ito sa ngayon,” ang anunsyo naman ni Jackie. Napatingin naman ako sa oras. Maaga pa para matapos ngunit tumango na lamang ako. “Gusto niyong mag-lunch sa labas?”
“Gusto ko ng fried chicken at pizza,” ang saad naman ni Jessica. “Doon tayo sa fast food malapit sa Saint Anthony.”
Kaagad namang pumayag ang iba.
“You can go,” ang pagtanggi ko naman. Natigilan naman sila at napatingin sa aking direksyon.
“Bakit naman?” ang tanong sa akin ni Dustin. Obvious na disappointed. “I want some chicken and pizza, too. I want to go with you.”
“Pwede kang sumama sa kanila,” ang komento ko naman. “But I’ll stay here. I’m gonna eat lunch with Paulo.”
“Paulo?” ang nagtataka naman niyang tanong. “And who is that again?”
“Hindi mo ba siya naaalala?” ang retorikal kong tanong. “Nakasabayan natin silang kumain ng breakfast noong isang araw.”
Napa-isip naman siya.
“Right,” ang hindi pa rin niya siguradong saad. “Anyway, fine. I’ll stay here with you.”
“Magkita na lang tayo mamaya ulit sa klase,” ang saad ni Jessica. Nagsimula naman silang mag-alsa balutan. Ipinagpatuloy ko na lang ang aking ginagawa. Hindi naman nagtagal ay umalis na sila.
“Dude, I can’t believe you,” ang komento naman ni Dustin kaya napatingin ako sa kanya.
“What?”
“I can’t believe you would choose dates over pizzas,” ang paliwanag naman niya. Napaikot naman ako ng mga mata sa aking narinig.
“It’s not a date,” ang pagtatama ko naman. “Seriously, your sense of romance is terrible,” ang komento ko sabay iling.
“Said by the one who doesn’t have a girlfriend. Oh, I meant a boyfriend.”
“I’m not rushing,” ang saad ko. “And I think I’d be having one really soon.”
“Huh? May liniligawan ka ba?”
“Wala pa. Pero malapit na.”
“Don’t tell me, you’re into that Paulo,” ang komento niya.
“Bakit? May problema ba?”
“Hindi ko masabi. Hindi ko maalala ang mukha niya,” ang tugon naman niya. “So, I’m not sure if he’s cute or not.”
Kinuha ko naman ang aking phone at tinignan ang status ni Paulo sa Messenger. Sa ngayon ay inactive siya ngunit nag-iwan na ako ng mensahe. “Are you done with your class? I’ll see you at the canteen in the School of Home Economics. I’ll be waiting.”
Ipinatong ko naman ang aking phone sa mesa at pinagpatuloy ko na lang ang paggawa ng slide presentation. Pagkalipas ng ilan pang minuto ay nagsadatingan na ang ibang estudyante na gustong kumain sa canteen. Masyado nang naging maingay kaya naman hindi ko na tinuloy ang aking ginagawa.
“Kailan darating ang ka-date mo?” ang tanong naman niya sa akin.
“I’m not sure,” nag tugon ko naman. Sakto namang tumunog ang phone ko. Kinuha ko ‘yun at tinignan ang sanhi ng pag-notify nito. Nag-chat na nga si Paulo.
“Sorry, kalalabas lang namin ng lecture room. Papunta na kami.”
“It’s Paulo,” ang balita ko naman sa kanya. “Papunta na rin sila rito.”
“Finally,” ang komento naman niya. Pinako ko ang aking tingin sa entrance ng canteen at tahimik na hinintay sila Paulo at ang kanyang kaibigang si Adrian. Hindi naman nagtagal ay nakita ko silang dalawang pumasok sa entrance. Hinanap naman ako ni Paulo. Kumaway naman ako upang makita nila. Kinalabit niya ang braso ni Adrian na napatingin din sa direksyon kung nasaan kami ni Dustin. Tuluyan naman silang lumapit sa amin.
“Please, have a seat,” ang saad ko naman sa kanila nang makalapit sila. Medyo kinakabahan ako ngayong narito siya.
“Ang pormal mo naman,” ang reaksyon naman ni Adrian bago sila umupo. “Nasa restaurant ba tayo?” Natawa naman kami ni Dustin.
“Masanay na kayo kay Marcus; ganyan talaga siya,” ang komento ni Dustin sabay tingin sa akin.
“Pasensya na pala kung napaghintay naming kayo,” ang paghingi naman ni Paulo ng paumanhin. “Kagagaling naming ng School of Teacher Education. Masyadong strict yung Prof namin kaya hindi ko ma-check ang phone ko.”
“Okay lang,” ang tugon ko. “Hindi naman kami naghintay ng matagal,” ang pagsisinungaling ko.
“Anong hindi?” ang reaksyon naman ni Dustin. “Kani—aray!” Binatukan ko naman kaagad siya. The hell is wrong with this guy? “Hindi nga kami naghintay ng matagal,” ang wika ni Dustin sabay himas sa nasaktan niyang batok. Mukhang naitindihan naman niya ang ibig kong sabihin kung bakit ko siya binatukan.
“Mabuti na lang, may nakita kaagad kaming available na upuan dito sa canteen,” ang sunod kong sinabi. Napatingin naman si Paulo sa paligid at tumango. “Anyway, anong gusto niyong kainin? It’s my treat.”
“Ha? Sigurado ka?” ang tanong naman niya. Ngumiti naman ako at tumango.
“Of course.”
“Nakakahiya.”
“It’s okay. Ako naman ang nagyaya na mag-lunch tayo,” ang pagpupumilit ko. Yeah, it’s my idea after all.
“Pero hindi mo naman kailangang bilhan kami ng lunch,” ang argyumento niya.
“Alam ko… but please, don’t feel uncomfortable,” ang paki-usap ko.
“Hindi naman.”
“So, let me buy you lunch then,” ang pagpupumiliit ko ulit.
“Ikaw ang bahala,” ang pagsuko naman niya kaya naman napangiti ako sa tuwa. I guess this is the first step on being close to him.
“So, what do you want to eat?” ang kaagad kong tanong.
“Ikaw na ang bahala,” ang sagot niya. “Mukhang si Adrian dapat ang tanungin mo,” ang komento niya kaya napatingin kaming dalawa sa kanyang kaibigan.
“Bespren!” ang maligalig na pagtawag sa akin ni Adrian. Tumayo naman kaming dalawa at pumila sa harap. “Marcus,” ang pagtawag naman niya sa akin.
“Yes?” ang tugon ko.
“Dederetsuhin na kita,” ang sabi naman niya. “Gusto mo ba si Paulo?”
“Uhm, may problema ba kung meron?” ang tanong ko naman sa kanya pabalik.
“Wala naman,” ang tugon niya sabay ngiti. “Pero… anong nagustuhan mo sa kanya?”
“Well,” ang reaksyon ko naman. Hindi ko sigurado. “Nakakahiyang sabihin but… I guess it was love at first sight.”
“Love at first sight?” ang natatawa naman niyang komento. “Hindi ko alam na ganyan ka pala ka-hopeless romantic,” ang komento niya.
“Ako rin,” ang pagsang-ayon ko. “Hindi ko rin kasi maipalawanag pero… I felt this attraction noong unang beses ko pa lang siya nakita.”
“Osiya, hindi na ako magtatanong pa,” ang saad naman niya. “Good luck sa’yo.”
“Thank you.”
Bumili na nga kami ng makakain at kaagad ding bumalik kila Paulo at Dustin. Naabutan ko naman silang nag-uusap. I passed them their food and then we start talking. We were in the middle of talking about our favorite football team when I noticed Paulo staring at me.
“Paulo,” ang pagtawag ko sa kanya. Napatingin naman siya sa akin. “May dumi ba sa mukha ko?” ang tanong ko sa kanya. Hindi naman siya sumasagot so I felt a little bit embarrassed. Kaya naman kumuha na lamang ako agad ng table napkin at pinunasan ang aking mga labi. Humarap naman ako kay Dustin at inulit ang aking tanong na hiid sinagot ni Paulo. Umiling naman siya bilang sagot. We started to talk a bit. Napatingin naman ako kila Paulo at Adrian.
“What are you talking about?” ang tanong ko naman sa kanila. “You look serious.”
Napatingin naman sila sa isa-isa.
“Ah, tungkol sa ghosting,” ang tugon naman ni Adrian.
“Ghosting?” ang pag-uulit ko naman sa sinabi niya. I’m not sure what that means.
“Oo,” ang pagkumpirma naman niya. “Hindi mo ba napanood ‘yung interview ni Derald Indarson kay Tita Ghoorl?”
“Oh, that one,” ang reaksyon konaman sabay iling. Napanood ko nag ito sa f*******: noong minsang nadaan ito sa newsfeed ko. “That was painful to watch.”
“Sinabi mo pa,” ang pagsang-ayon naman ni Adrian. “Mas nakakatakot pa sa multo ang depinisyon ni Derald sa salitang ‘ghosting’.
“Kawawa nga si Lea Galonzo,” ang pagsang-ayon naman ni Paulo. “Sabi ko na nga ba, eh. Basta guwapo, hindi talaga mapagkakatiwalaan at mga paasa lang talaga.”
“Hindi ako ganyan,” ang sabay-sabay naman naming komentong tatlo. Kaagad naman siyang natigilan at napatingin sa aming tatlo. Napakunot naman siya ng noo.
“Hindi ko alam kung anong paniniwalaan,” ang komento niya pa. “Yung hindi kayo mapagkakatiwalaan at paasa o ang pagbansag niyong mga guwapo kayo.”
“Bakit? Hindi ba?” ang tanong naman sa ni Dustin. Hinintay naman naming ang kanyang sagot. I’m secretly hoping that he’s physically attracted to me. Hindi naman siya sumagot; bagkus ay kinuha niya ang baso ng yoghurt.
Tumingin naman siya sa amin. “No comment.”
Oh, well. I’m quit disappointed though.
“Anyway, I have to go now,” ang paalam ko naman nang maalala na may klase pa akong kailangang pasukan. “I still have class in…” Tinignan ko naman ang aking wrist watch sabay tayo. “Ten minutes.”
“Ah, ako rin,” ang saad din ni Dustin na sumunod sa pagtayo ko. “Alam niyo naman na nasa pinakamalayong parte ng Saint Anthony University ang building ng School of Engineering and Architecture.”
Tama nga siya. Katapat na ng University Gymnasium ang gusali nila. Malapit na rin ito sa Men’s Dormitory.
“See you around,” ang paalam ko sabay kuha sa aking gamit. Nagsabay naman kami ni Dustin lumabas ng canteen. Nang makalabas kami ng School of Home Economics ay naghiwalay din kami ni Dustin dahil nasa magkabilaang direksyon ang lokasyon ng mga koleyo namin.