Marcus’ Point of View
Madali naman akong nagtungo sa School of Business. Dahil malapit lang naman ito sa School of Home Economics ay kaagad din naman akong nakarating sa lecture room. Ayokong maulit ang pangyayari kanina na nahuli ako sa aking klase. Nang makarating naman ako sa klase ay itinuon ko ang aking atensyon sa aming professor. My friest subject after lunch is quite difficult; so, I need to fully concentrate.
After my classes in the afternoon, I decided to go to Chinatown to confirm my theory. Pumunta muna ako sa aking kuwarto sa dormitory upang magbihis. Ayokong magtungo sa Chinatown na nakasuot ng coat and tie. Masyadong mainit at limitado ang aking galaw. Nang makapagbihis ay lumabas naman ako kaagad ng kuwarto. Wala pa si Dustin sa aming kuwarto kaya nag hula ko naman ay nasa klase ka pa siya. Iniwan ko na rin ang iba kong gamit maliban na lamang ang aking wallet. Dumeretso naman ako sa parking lot kung nasaan ang aking sasakyan. Pagkasakay ko ay sinimulan ko namang magmaneho patungo sa Chinatown.
****
PAGKALIPAS ng mahabang oras ng pagmamaneho ay nakarating din kaagad ako malapit sa Chinatown. Nag-park naman ako malapit sa arko. Pagkababa ko ng sasakyan ay napamasid ako sa arkong tinutukoy ko. May mga nakasulat doon sa lengguwaheng intsik na hindo ko rin naman maintindihan. Kita ko kaaagad ang matingkad nitong mga kulay na pula, dilaw at berde. It reminds me of an oriental dragon. Linagpasan ko naman ang arkong ‘yun nang makontento sa aking nakita. Napatingin ako sa paligid. Napaka-abala ng lugar na ito. Wala naman akong nararamdamang kakaiba. Hindi pa rin ako pamilyar sa aking mga nakikita. Mukha ngang masyado lang siguro akong napapa-isip ng kung anu-ano. Perhaps, dreams are just dreams. But since I’m here, I’ll just walk around and find something to buy or eat.
Ipinagpatuloy ko naman ang paglalakad habang nakatingin sa paligid. The shops there are interesting. Natigilan naman ako nang makarinig ng mga dagundong ng drum. Muli akong napatingin sa paligid at hinanap kung saan nanggaling ‘yun. Ngunit wala naman akong nakitang kakaiba.
“Must be my imagination,” ang bulong ko naman sa aking sarili bago pinagpatuloy ang aking paglalakad.
Muli na naman akong nakarinig ng dagundong. Parang nag-iiba ang aking nakikita. Dahan-dahan namang may mga lumitaw na pulang papel na lampara na nakasabit sa paligid. May iba pang mga pulang dekorasyon na nakalagay sa paligid. Sa kalayuan ay may mga sumasayaw na dragon dancers at lion dancers.
“This can’t be,” ang bulong ko sa aking sarili. I shook my head and closed my eyes. I must be out of my mind.
“Didi!’ ang pagtawag ng isang pamilyar na boses kaya naman napamulat ako ng mga mata. Everything’s back to normal. “Didi!”
Napasinghap naman ako nang muling marinig ‘yun. Napalingon ako at nakita ang mukha ni Ate Samantha.
“Jiejie?” ang inboluntrayo kong nasabi. Nagsimula naman siyang maglakad palayo. “Sandali lang! Jiejie!” ang pagtawag ko. Sinundan ko naman siya. Naging mabilis ang kanyang paglalakad kaya naman nahirapan akong sumunod sa kanya. Marami ring tao kaya naman mas naging mahirap sa akin ang pagsunod. Sa isang parte ng kalsada ay nakita ko na lamang na nakatayo siya.
“Jiejie!” nag pagtawag ko sa kanya ngunit bago pa lang ako makalapit ay nawala na lamang siya na parang bula. Natigilan naman ako sa aking kinalalagyan. That was crazy that it sent shivers down to my spine. “What the hell is happening?” ang pabulong kong tanong sa aking sarili. Napatingin naman ako sa aking kanan kung nasaan ang entrance patungo sa isang Chinese restaurant. It looks familiar.
Naglakad naman ako patungo sa entrance ng restaurant na ‘yun. Hihilain ko na sana ang pinto nang bigla na lamang itong nagbukas kasunod ng paglabas ng ilang tao kaya naman kaagad akong tumabi upang umiwas.
Isang pamilya ang lumabas. Unang lumabas ang isang mag-asawa na napakapamilyar kasunod nila ay… si Ate Samantha. Muling nagbukas ang pinto at hinintay ko kung sinong lalabas ngunit pagkalipas ng ilang minuto ay kahit anino ay wala akong nakita. Bigla na lang nagsara ang pinto nang mag-isa.
“Mamasyal na muna kayo,” ang saad ng isang malalim na boses. Napakapamilyar kaya napatingin ako. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang tatay ng napapanaginipan kong si Chris.
“Salamat, Baba,” ang pasasalamat naman ni Ate Samantha kaya napatingin ako sa kanya. “Tara na, Didi.”
“D-didi?” napatingin naman ako sa aking likuran ngunit walang ibang tao. Nagsimula naman siyang maglakad palayo kaya naman sinundan ko siya. Why am I seeing them? Are these their souls? Apparitions? Hindi ko na talaga maintindihan ang nangyayari.
“Didi, tara muna bumili ng lucky charms,” ang yaya naman ni Ate sa akin. Tumango naman ako. Hindi bai to ang eksaktong nangyari sa una kong panaginip? Yung panaginip noong minsang nakaidlip ako sa library. “Ang daming tao ngayon.”
“Oo nga, jiejie,” ang narinig kong pagsang-ayon ko kahit na wala naman akong sinasabi. “Mukha namang masaya.”
Nakita ko naman ang tindahan ng mga lucky charms kung saan nakita ni Chris si Joaquin na lumabas. Sa pagpasok ni Ate Samantha doon ay nawala na naman siya na parang isang bula. Napabuntong-hininga naman ako at pumasok sa tindahan. Napatingin ako kaagad sa paligid at sa mga lucky charms nan aka-display sa paligid. Kaagad naman akong natigilan nang makita ang mga bracelet na naka-display.
“Anong hanap nila?” ang tanong naman ng nagtitinda. Iisang bagay naman ang laman ng aking isipan at yun ang purselas na suot ni Joaquin sa aking panaginip at ang purselas na binili ni Paulo rito sa Chinatown.
“Uhm, mayroon po ba kayong bracelet na gawa sa rose quartz?” ang tanong ko.
“Meron,” ang maligalig naman niyang tugon sabay kuha sa bracelet na tinutukoy ko at ipinakita sa akin. ‘Naghahanap ka rin ba ng pampaswerte sa pag-ibig?” Napakamot naman ako ng ulo. “Hindi mo kailangang mahiya. Maraming kabataang katulad mo ang bumibili ng ganito.”
Napangiti naman ako at napatango. Kinuha ko naman ang wallet ko at binayaran ‘yun. Kaagad ko naman itong sinuot at lumabas ng tindahang ‘yun. Napatingin ako sa suot kong purselas. Naalala ko naman na dito unang nakita ni Chris si Joaquin na siya naman niyang sinundan. Mukhang alam ko kung saan siya makikita. Tinahak ko naman ang daan patungo sa munting tindahan ng mooncake na aking nakita sa aking panaginip.
Ngunit walang tindahan ng mooncake doon. Ngunit sapat na ba ang mga nakita ko upang sabihing mga totoong pangyayari ang mga nasaksihan ko sa aking mga panaginip?
“Chris!” nag pagtawag ng isang boses. Batid ko namang si Ate Samantha ‘yun. Napalingon naman ako. Napalingon naman ako at nakita ang aparisyon ni Ate Samantha. “Narito ka lang pala. Kanina ka pa kita hinahanap. Nakabili na ako ng lucky charms.”
“Bumili lang ako ng mooncakes, Jiejie,” ang tugon naman ng tinig ni Chris. Napangiti naman siya. “Gusto mong dumaan muna sa shop natin? Gusto ko ring kumuha ng egg tarts na ibibigay ko sa mga kaibigan ko.”
“Sige, Jiejie,” ang pagpayag ko naman pagkatapos ay sumunod sa kanya. Tinahak naman ang daan patungo sa tinutukoy niyang shop ng egg tarts. Malakas ang kutob kong ito ang tindahan na pagmamay-ari ng kanilang pamilya. Hindi ako pamilyar sa daan ngunit tahimik kong sinundan ang aparisyon. It all feels so weird. Hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ko. Pagkalipas ng ilang minuto ay nawala na naman siya. Napatingin ako sa paligid. Wala akong maramdaman na kung ano man sa paligid ko. Hindi ko maalala nang mabuti ang lugar na ito ngunit siguradong kasama ito sa naging panaginip ko. Ipinagpatuloy ko ang aking paglalakad kahit na hindi ako sigurado sa aking patutunguhan.
Natigilan naman ako nang makita ang mismong shop ng egg tarts sa aking panaginip. Mabagal akong naglakad papalapit ngunit kaagad naman akong natigilan nang may lumabas na babae. I felt pain, happiness and also that feeling that I miss this person. Hindi ko maiwasang maging emosyonal. Nararamdaman kongnangilid ang aking mga luha. Matagal kong pinagmasdan ang babae ngunit hindi ko magawang lumapit. Ano bang sasabihin ko? Napasinghap ako nang mapagtanto kung sino siya. Siya si Ate Samantha! Lalapit na sana ako ngunit bigla na lamang may nakabanggaan ako ngunit hindi ko naman ‘yun pinansin at hinayaan na lang na lumisan kung sino man ‘yun.
“Marcus?” ang pagtawag ng isang tinig sa aking pangalan. Natauhan naman ako at napatingin. Nanlaki ang aking mga mata nang makita sila Paulo na kasama si Adrian.
“Ang liit lang talaga ng mundo,” ang komento naman ni Adrian. “Anong ginagawa mo rito?” ang tanong niya sa akin.
“I got bored so I went here,” ang pagsisinungaling ko naman sa kanila. They would think that I’m crazy if they knew about what I’ve been seeing. “Naalala ko kasi ‘yung sinabi ni Paulo nung isang araw na nagpunta kayo rito kaya naisipan kong pumunta rito.”
Muli naman akong napatingin sa tindahan ng mga egg tart; inaasahang muling makita si Ate Samantha.
“Mukhang masarap ang mga tinda nilang egg tart doon,” ang komento naman ni Adrian nang mapansin ang pagtitig ko sa tindahang ‘yun. “Heto nga, bumili kami. Gusto mor in bang bumili?”
“I, uh, don’t think I want to,” ang pagtanggi ko naman. Hindi ko alam kung kaya kong pumunta roon ngayong sobrang bigat ng aking nararamdaman.
“Pabalik na kami ni Adrian sa dorm, gusto mo bang sumabay?” ang tanong ni Paulo sa akin.
“I guess,” ang maikli kong tugon.
“Tara na,” ang yaya niya. “Mag-abang tayo ng jeep pagkalabas ng arko.”
“Hindi na kailangan. I brought my car,” ang pagtanggi ko.
“Naks, ang gara,” ang puri naman ni Adrian sa akin even if it’s nothing. “Iba talaga ang mayaman.”
Napangiti lang ako.
“Let’s go,” ang yaya ko sa kanila. Nagsimula naman kaming mgalakad palabas ng Chinatown. Hindi naman nagtagal ay linagpasan naming ang arko at nakarating kung saan siya ako nag-park. I asked them to get in. Habang nagmamaneho ay hindi pa rin maalis sa aking isipan ang lahat ng nangyari ngayon sa Chinatown. Mula sa mga aparisyon na aking nakita hanggang sa makita ko si Ate Samantha na buhay. Nag-iba ang kanyang mukha sa tagal na ng panahong lumipas. Ano nga ba ang rason sa likod ng mga kakaibang nangyayari sa akin?