Chapter Twenty-Seven: Questions

1716 Words
Marcus’ Point of View Nang makarating kami sa campus ng Saint Anthony ay nagmaneho at nag-park sa tapat ng Men’s Dormitory. Halos sabay-sabay kaming bumaba. Napamasid ako sa paligid. Tanging ilaw na lamang mula sa street lights sa campus ang pinanggagalingan ng liwanag. Napansin ko namang tumingin si Paulo sa kanyang wrist watch, and I know exactly why. “Do you want to eat dinner with me?” ang yaya ko sa kanila. “My treat.” “Ha?” ang gulat namang reaksyon ni Paulo. “Pwede naman kaming sumabay sa’yo pero wag mo na kaming ilibre,” ang komento niya pa.  “Nakakahiya.” “Alright,” ang pagpayag ko sabay tango. Ayoko lang namaging awkward ang pakikitungo niya sa akin. “Saan niyo gusto kumain?” “Huwag na tayo lumayo,” ang komento naman ni Adrian. “Diyan na lang tayo sa kainan na malapit sa Gate Five.” “That sounds good,” ang pagpayag ko naman. Sa totoo lang, napagod ako sa pagpunta sa Chinatown. Physically… dahil sa kakalakad. Mentally… dahil sa mga aparisyong aking nakita at emotionally… dahil sa biglaan kong pagdama ng sari’t-saring emosyon nang makita ko ang nakatatandang kapatid ni Chris. “Si Dustin nga pala?” ang tanong ni Paulo sa akin. “Well, may gagawin daw siya,” ang tugon ko. “Ah, mukhang busy na agad siya.” Nagsimula naman kaming maglakad patungo sa kainan. Magkasabay kami ni Adrian na daig pa ang pulis sa dami ng kanyang katanungan tungkol sa sari’t-saring bagay.. Hindi naman kalayuan ang kainan kaya mabilis din naman kaming nakarating. Kaagad din naman kaming um-order ng pagkain. “Teka, mayroon ba kayong hindi sinasabi sa akin?” ang tanong naman ni Adrian sa aming dalawa. Napakunot naman ako ng noo dahil hindi ko alam kung anong tinutukoy niya. Napatingin ako sa kanya at hinintay ang kanyang susunod na sasabihin. “Anong ibig mong sabihin, Adrian?” ang nagtatakang tanong ni Paulo sa kanya. Itinuro naman niya ang aming mga kamay. Napatingin naman ako sa aking kamay kasunod ang kamay ni Paulo. Kaagad ko namang napagtanto ang ibig sabihin ni Adrian. Tinutukoy niya ang magkaparehong purselas na suot naming dalawa.   “K-kailan ka pa nagkaroon ng ganyan?” ang bulalas naman ni Paulo sabay tingin sa akin. “Kabibili ko lang din kanina,” ang paliwanag ko naman. “Bakit ka bumili?” ang sunod naman niyang tanong sa akin. I find that funny so I can’t help not to laugh. “Ikaw? Bakit ka bumili?” ang pagbato ng parehong tanong sa kanya. “Maganda kasi ang kulay tapos binigyan pa ako ng discount nung nagtitinda,” ang paliwanag ni Paulo sabay tingin sa suot niyang purselas. “Oh? Hindi ka bumili niyan para swertehin ka sa pag-ibig?” ang tukso ko naman. “Hindi, no!” ang matigas nama niyang pagtanggi. “Wala akong panahon sa ganyan. Ang focus ko ngayon ay mag-aral. Teka, huwag mong sabihin sa akin na bumili ka ng ganyang purselas para magkaroon ka ng jowa?” “Well, are you judging me?” “Nagpapaniwala ka naman sa ganyan,” ang komento naman niya sabay kibit-balikat. “Well, wala namang mawawala. Tsaka, kailangan ko ng swerte ngayon. Iba na rin ‘yung may inspirasyon ka habang nag-aaral. Don’t you think so?” ang argyumento ko naman. But to be honest, I don’t have really a reason why I bought the rose quartz bracelet. Mayroon naman siyang binulong na hindi ko naintindihan.   “Ano ‘yun?” ang tanong ko sa kanya. “Wala,” ang saad naman ni Paulo. “Isa pa, sa tingin ko, hindi mo naman na kailangan ‘yan kung jowa lang naman ang hanap mo,” ang komento niya pa. “Bakit naman?” I asked curiously. I’m really interested with what he’s thinking about me. “Wala bang salamin sa bahay niyo o sa dorm room mo?” ang sunod naman niyang tanong. I’m not sure why he asked me though. “Uhm, meron naman,” ang hindi ko siguradong tugon sa ka nyang katanungan. Napabuntong-hininga siya. “Guwapo ka,” ang tugon niya. I felt this sudden feeling of happiness upon hearing that. Hindi ko napigilang ngumiti sa kanyang sinabi. So, I guess he’s physically attracted to me. Well, that’s at least what I’m hoping for. “Palakaibigan, mabait, mapagbigay, mukha namang masipag at matalino.” “Stop,” ang nakangiti ko nama pa ring pagsuway sa kanya. Hindi kasi talaga ako makapaniwala sa mga sinasabi niya. I didn’t expect that.  “You’re making it sounds like I’m perfect.” “Hindi ba?” ang tanong naman niya sa akin. “Well, I have a lot of imperfections,” ang pagtatama ko. “Tulad ng?” “Well, I’m insecure. I’m always shy,” ang pagbibigay ko naman ng mga dahilan kung bakit hindi aki katulad ng taong sinasabi niya. “Always afraid. Those things.” Napatango naman siya. “Pwedeng magtanong ulit?” ang paalam naman niya. “Sure, go ahead,” ang pagpayag ko naman. “Uhm, ano ‘yung mga kinakatakutan mo?” ang sunod naman niyang tanong. Napangiti naman ako at napaisip. “Well, I’m afraid of myself,” ang tugon ko naman. “Im afraid not to live my life the best way I can. Ayokong makulong sa takot. That’s why I decided not to give a damn care about what people say about me.” “Sana ganyan din ang pananaw ko sa buhay,” ang mahina naman niyang komento. “Natatakot kasi ako na malaman ng iba ang tungkol sa aking tunay n apagkatao.” “Bakit naman?” ang tanong ko sa kanya. “May masama kasi akong karanasan,” ang saad niya. “Pwede ko bang malaman kung ano ‘yun?” ang paalam ko naman. “But if you feel uncomfortable and if it’s something you want to keep private, maiintindhan ko rin naman.” “Okay lang,” ang tugon naman niya. “Sigurado ka ba?” ang nag-aalalang tanong naman ni Adrian sa kanya which I understand. Tumango naman si Paulo. “Noong nasa Senior High School pa lang ako,” ang pagsisimula naman ni Paulo. “Marami akong naging kaibigan. Hindi nila alam na… bakla ako. Hindi ko naiwasan na magkagusto sa isa sa mga kaibigan ko. Pinilit kong itago sa kanya at sa lahat ang nararamdaman ko pero may mga sekreto talagang nakakalabas. Nalaman ng kaibigan ko an nagkakagusto ako sa kanya kaya naman nakarainig ako ng mga hindi magagandang bagay mula sa kanya. Straight kasi siya at kailanman ay hindi raw siya magkakagusto sa akin. Linayuan din ako ng iba kong kaibigan.” Nalungkot ako sa aking narinig. “Kaya ngayon, natatakot akong magkaroon ng maraming kaibigan,” ang pagpapatuloy naman niya. Kinuha ko naman ang kanyang kamay kaya natigilan siya at napatingin siya sa akin. “You don’t have to,” ang sabi ko naman sa kanya. “You don’t have to be afraid of making friends. But what you can do is to be honest with them. True friends will never desert you. Tatanggapin at tatanggapin ka nila kahit sino ka pa. You don’t have to prove yourself.” “Ganyan din ang sinabi sa akin ni Adrian,” ang tugon niya sabay tingin sa kanya. Napangiti naman ako at tumango. I guess Adrian is really a goof friend to him and I could see that. “You don’t have to be afraid,” ang sunod ko pang sinabi. “I’m here,” ang paninigurado ko. “Kung kailangan mo ng makaka-usap. Narito lang ako.” “Para-paraan,” ang bulong naman ni Adrian kaya napatingin kami ni Paulo sa kanya. “Ano ‘yun?” ang tanong ni Paulo sa kanya. “Wala,” ang tugon naman ni Adrian. “Ang sabi ko, tana na.” Tumayo naman kaming tatlo at nagsimulang maglakad pabalik ng University Campus. Kaagad naman kaming dumeretso sa loob ng dormitory. “So, I’ll see you around, then,” ang paalam ko sa kanila nang makarating kami sa pangalawang palapag ng dormitory. Dito kasi ang kuwarto namin ni Dustin samantlang sa pang-apat na palapag matatagpuan ang kuwarto nila Paulo at Adrian. Napatango naman sila at kumaway bago ipinagpatuloy ang pag-akyat sa hagdanan. Nagsimula naman akong maglakad patungo sa kuwarto. Pagkabukas ko ng pinto ay sumilip naman ako sa loob. Hindi ko naman nakita si Dustin. “He might be busy with his classes, or flirting with the girls in his department,” ang bulong ko naman sa aking sarili sabay yapak sa loob at hila ng pinto. Dumeretso naman ako sa aking kama at naupo sa gilid nito. Everything’s so surreal. Hindi pa rin maalis sa aking isipan ang lahat ng nangyari sa Chinatown. I have seen Chris’ parents and his older sister but I have never seen him. In fact, Ate Samantha called me Chris and I actually addressed her as if she’s my own older sister. Naguguluhan ako sa mga nangyayari. Are they all just plain visions? O may mas malalim pang dahilan sa aking mga nakikita. Napahiga naman ako. What should I do now? Napaupo naman ako nang maalala ang nakita ko sa Chinatown. Ang tindahan ng egg tart… ang tindahang nasa panaginip ko. Kaagad kong naalala ang babaeng nakita ko sa tindahang ‘yun; ang rason kung bakit ako naging emosyonal. Kahit na tumanda na ang kanyang itsura, ramdam kong si Ate Samantha ‘yun, ang nakakatatandang kapatid ni Chris. If she’s a real person and still alive…then, Chris is someone’s already dead. Pero anong koneksyon ko sa kanya? At anong kinalaman ni Paulo sa mga nangyayari? Maraming tanong ang nabuo sa aking isipan na ngangailangang masagot. Kailangan ko unang matutunan ang buong pagkatao ni Chrisanto Yap at ang kanyang pamilya. Tama. Siguro, maiintindihan ko na rin ang lahat ng nangyayari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD