Paggising ni Chimmy kinabukasan isang magandang balita ang natanggap niya.Ayon sa Mommy niya nakalabas na daw ng ospital ang daddy nito pagkatapos ng operasyon sa puso nito.Matagumpay naman daw ang operasyon at sa ilang linggo na pananatili sa ospital ay tuluyan na rin itong nakalabas.
Bukas na rin ang flight nila ni Owen pauwi ng pilipinas.Aalis sila ngayon para ipasyal niya ang anak bago man lang siya umuwi.
"Mama alis na po ba tayo?tanong ng anak niya.
"Naku mukhang excited na ang baby ko makita ang Papa niya."
"Opo Mama.Madami daw pong pasalubong si Papa sa akin na cars at robot."excited na wika nito.
Buti nalang naintindihan siya ng anak niya kung bakit hindi ito makakasama s pag-uwi nila ng Pilipinas.
"Chim mauna na ako sa inyo aalis.Baby mag enjoy kalang sa pamamasyal niyo ha?wika ni Shiela.
"Mag-ingat ka sa byahe Shie.Sigurado ka bang okay kana?
"Oo,okay na ako.Sige na aalis na ako.Babye baby."paalam nito.
Kami naman ay naghintay lang sa pagdating ni Owen para sunduin kami.Iniwan ko muna saglit si Bryn sa sala para kunin ang inihanda kong baon niya sa kusina.Pagbalik niya sa sala ay kandong na ni Owen ang anak niya.
"Nandito kana pala."tumingin naman sa gawi ko si Owen.
"Mukhang excited na nga tong little boy na makapasyal."
"Mama look po."sabay turo nito sa mga laruan na pasalubong ni Owen.
"Ang dami mo namang binili sa kanya."wika ko.
"Okay lang yan minsan lang naman yan e diba baby."tumango naman ang anak ko.
Tinabi ko muna ang mga laruan ni Bryn bago kami lumabas ng apartment para makaalis na dahil kanina pa excited ang anak ko.Inalalayan ko siyang makapasok sa sasakyan,inayos ko muna ang seatbelt niya bago ako umikot papuntang front seat at sumakay.Agad namang pinausad ni Owen ang sasakyan paalis sa apartment namin.
"Ready kana ba bukas sa pag-uwi mo ng pinas?tanong ni Owen.
"Oo naman.Tumawag din si Mommy kanina,ang sabi niya nakalabas na daw sila ng ospital at successful naman daw ang operation ni Daddy.Sa bahay niya nalang ipagpatuloy ang pagpapagaling."wika ko.
"Mabuti naman kung ganun atleast hindi kana mag-aalala masyado sa kalagayan ng Daddy mo."sagot ni Owen.
Pasalamat nalang talaga ako na walang naging komplikasyon sa ginawang operasyon kay daddy at naging maganda ang resulta.
Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa mall na pupuntahan namin.Excited na rin ang anak ko.Naghanap lang ng parking slot si Owen tsaka rin kami lumabas ng sasakyan.Nagpakarga naman si Bryn sa kanya na agad din naman niyang kinarga.
"Baby baka mabigatan si Papa mo sayo."sabi ko sa anak ko.
"Okay lang Chimmy,hayaan mo na ang bata naglalambing lang naman siya."sagot ni Owen.
Hindi na rin ako nagsalita pa,hinayaan ko na silang dalawa.Pagdating namin sa loob ng mall nagpababa na si Bryn dahil gusto niyang bumili ng ice cream.Medyo maaga pa kaya ayaw ko sana siyang pakainin muna ng ice cream pero alam kong hindi papayag si Owen na hindi mapagbigyan ang anak ko sa gusto nito.
Habang nakapila sila para bumili ng ice cream nagpaalam naman ako sa kanila na magbabanyo lang.Kanina pa kasi ako naiihi,sumasakit pa naman ang puson ko kapag nagpipigil ako ng ihi.Pumasok ako sa loob ng banyo,meron namang bakanteng cubicle kaya pumasok na ako.Nang matapos ako lumabas na ako at naghugas ng kamay sa lababo at tuluyan ng lumabas ng cr.
Bumalik ako sa kinaroroonan ni Owen at ng anak ko.Nakita kong kumakain na ng strawberry ice cream si Bryn.
"Baby make sure lang na kakain ka ng rice mamaya ha?tumango naman ito sa akin habang dumidila sa ice cream niya.
May tumulo na ice cream sa damit niya kaya tiningnan niya ako.
"Mama sorry po nadumihan po yung damit ko."malungkot sa sabi nito.
"It's okay baby,may extra na damit mo naman akong baon kaya okay lang."nakangiti kong sabi.
Kinuha naman ni Owen ang panyo nito at pinunasan ang bibig ni Bryn.Parang anak talaga ang turing ni Owen sa anak ko.Mahal na mahal niya rin si Bryn.
Pumasok naman kami sa isang reastaurant.Kinuha ni Owen ang bag na may gamit ni Bryn siya nalang daw ang magpapalit ng damit nito.Umupo ako sa may bakanteng table,hihintayin ko nalang sila bago umorder ng pagkain.
Ilang sandali pa ay papalapit na sila sa akin.Pareho silang naupo sa tabi ko,may lumapit naman na waiter para kunin ang order namin.
Nang dumating ang order naming pagkain una kong inasikaso ang anak ko.Sinigurado kong makakain siya ng maayos at komportable siya.
Tahimik kaming kumakain ng biglang magsalita ang anak ko.
"Mama,Papa gusto ko pong bumili ng regalo para kay Lolopa at Lolama."sabi nito.
"Sure baby after nating kumain bibili tayo ng regalo na gusto mo para sa kanila."sagot naman ni Owen.
Hinaplos ko naman ang ulo ng anak ko.Kung meron man akong isang bagay na maipagmamalaki yun ay ang anak ko dahil napalaki ko siyang mabait,masunurin at may pagmamahal sa kapwa.