Chapter 10

719 Words
Ilang araw nalang ay lilipad na pauwi ng pilipinas si Chimmy at Owen kaya abala na naman si Chimmy sa negosyo nila.Nagtayo pa kasi sila ng isa pang branch hindi kalayuan sa isa nilang branch kaya medyo madami silang inaasikaso,ayaw naman niyang iwan ang lahat ng obligasyon kay Shiela lalo na't maiiwan pa sa kanya si Bryn. Alam niyang malulungkot ang anak niya pag nalaman nitong uuwi siya ng pinas at hindi ito kasama pero alam din niyang maiintindihan siya ni Bryn.Gustuhin man niyang isama ang anak niya pero hindi maaari. Kaya naman nito ibigay ang lahat ng pangangailangan ng anak niya maliban lang sa ipakilala ito sa ama niya.Wala na akong pakialam sa nakaraan ko,kung paano ay kulang nalang lumuhod ako sa harapan ni Brent para lang mahalin niya.Tama na ang apat na taong pagpapakatanga ko sa kanya,at sa pagkakataong ito hinding-hindi makikilala ni Brent ang anak niya.Para sa akin wala siyang anak.Si Bryn ay anak ko lang. Naalala ko pa yung sinabi niya nong nagsasama pa kami na hindi ako pwedeng mabuntis dahil hindi niya ako mahal kaya nga withdrawal ang ginagawa niya pag nagt*t*lik kami,pero may nabuo parin.Hindi daw ako ang magdadala ng magiging tagapagmana niya dahil ang lahat ng nangyari sa amin ay isang malaking pagkakamali lang daw.Kaya ngayon wala siyang karapatan na makilala ang anak ko. Kasalukuyang nag-aayos si Chimmy ng kanilang mga stocks ng marinig niya ang tawag ng kanyang anak.Hindi niya namalayan na nagising na pala ito.Nilapitan niya ang anak at niyakap ito. "Anong gusto mong meryenda baby?tanong nito sa anak. "I want blueberry cheesecake mama"kaya agad namang pinaupo ni Chimmy ang anak niya sa bakanteng lamesa at binigyan ng cheesecake. "Baby kumain ka lang muna diyan ha! tatapusin lang ni Mama ang ginagawa niya."Tumango naman si Bryn bilang pagsang -ayon. Nang matapos ko ang pag-aayos ng mga stocks bumalik na ako sa anak ko.Naabutan ko siyang naglalaro ng video games niya sa ipad. "Baby tapos na si Mama sa ginagawa niya gusto mo bang umuwi na tayo?tumango naman ito sa sinabi ko. Sinabi ko sa manager na uuwi na ako at sila na ang bahala dito sa Cafe.Wala din kasama si Shiela sa bahay lalo na't may sakit ito.Ayaw ko namang pabayaan nalang ang kaibigan ko. Kinuha ko lang ang bag ko at lumabas na kami ng Cafe. "Mama bakit po hindi na po pumupunta si Papa sa Cafe?tanong ni Bryn. Sumilay naman ang lungkot sa kanyang mga mata.Alam kong sobrang napalapit na sa kanya si Owen at parati niya itong hinahanap.Binuksan ko ang kotse at inalalayan siyang pumasok.Pumasok na rin ako at pinaandar ang sasakyan,bumaling muna ako kay Bryn at kinausap ito. "Anak kaya hindi mo nakikita ang Papa mo na pumupunta ng Cafe kasi may business trip siya kaya wala siya dito sa paris.paliwanag ko sa anak ko. "Kailan po siya babalik Mama?namiss ko na po kasi si Papa.malungkot na tanong nito. "Wag kang mag-alala baby mamaya tatawagin natin siya para makausap mo.Okay lang ba sayo yun?sumilay naman ang ngiti sa kanyang labi. Pinausad ko naman ang sasakyan paalis sa Cafe.Pagdating sa apartment nadatnan ni Chimmy na nakahiga sa sofa si Shiela.Idinampi niya ang likod ng palad nito sa noo ni Shiela para malaman kung mainit pa ba ito.Pumunta siya ng kusina para ipagluto ang kaibigan ng goto,hindi na siya nag-abala pa na magbihis. Pagkatapos niyang magluto pinuntahan niya si Shiela para gisingin ng makakain na at makainom ng gamot. "Shie gising ka muna para kumain ng makainom ka ng gamot.wika nito. Nagmulat naman si Shiela ng mata.Pinatong niya muna ang bowl na may goto sa center table at inalalayan ang kaibigan na bumangon.Inabot niya ang bowl na may goto kay Shiela para makakain na ito. "Baka kailangan na kitang dalhin sa ospital,mukhang hindi bumababa ang lagnat mo.sabi nito sa kaibigan. "Okay lang ako.Ganito talaga ako pag nagkakalagnat medyo matagal humupa ang init sa katawan ko pero ilang araw gagaling na rin ako.sagot ng kaibigan niya. Pagkatapos kumain ni Shiela pinainom na niya ito ng gamot at iginiya sa kwarto para makapag pahinga na ito. Siya naman ay pumasok ng kwarto niya para maligo ng makapagluto na siya ng kanilang pagkain.Napansin niya namang nakaligo na ang anak niya,ayaw na kasi ni Bryn na paliguan pa siya dahil big boy na raw ito, kaya hinayaan niya nalang ang gusto nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD