Sa Mall
Tuwang-tuwa si Bryn habang binibigay niya ang mga pasalubong niya sa lolo at lola niya.Kahit sila mommy ay aliw na aliw sa kabibuhan ng anak ko.
"Anak gusto mo bang sa labas nalang tayo kumain ng dinner mamaya para naman makapasyal naman itong apo ko."tanong ni mommy.
"Okay lang po mom.May bibilhin din po kasi ako na mga personal hygiene ni Bryn."sagot ko.
Excited naman ang anak ko,sana lang hindi mag krus ang landas namin ni Brent.Sinabi ko kay mommy na iakyat ko nalang muna ang mga gamit namin ni Bryn sa kwarto ko.
Pagpasok ko sa kwarto ko wala paring nagbago,kung ano ang ayos nito dati bago kami nagsama ni Brent ganun parin hanggang ngayon.Isa-isa kung nilagay ang mga damit namin ng anak ko sa cabinet.Mamaya na ako maliligo bago kami umalis medyo pagod pa ang katawan ko sa byahe.
Nagpalit lang ako ng damit at bumaba na rin agad sa sala.Naririnig ko naman ang anak ko na walang ginawa kundi magkwento tungkol sa paris.
"Lolama hindi ko na po need ng papa dahil may papa na po ako sa paris.Si Papa Owen po pangalan niya."kwento nito kay mommy
Tumingin naman si Mommy sa deriksyon ko na parang nagtatanong ang kanyang mga mata.
"Kaibigan ko po si Owen mom,boyfriend po siya ni Shiela.Papa kasi ang tawag sa kanya ni Bryn."sabi ko.tumango naman si Mommy s sinabi ko.
"Anak pupunta tayo mamaya sa bahay ng parents ni Tita mo Shiela ibibigay lang natin yung mga pasalubong na binili ni Tita mo para sa kanila."
Tumango lang ito sa akin at nagpatuloy sa pagkukwento sa mga magulang ko.
Pagsapit ng alas tres ng hapon nagpasya na kaming umalis.Kasama din namin ang nurse na nag-aalaga kay Daddy.Ako na ang nag drive papuntang mall.At hindi kalaunan ay nakarating na rin kami sa mall.Bago kami pumasok sinuotan ko muna ng mask ang anak ko.Hinawakan ko ang maliit niyang kamay habang papasok kami sa loob ng mall.
Nag desisyon kaming kumain na muna bago mamili ng mga kailangan ni Bryn.Pumasok kami sa isang restaurant.Pero bago paman kami maupo ay nagsabi si Bryn na naiihi daw siya kaya sinamahan ko na muna siya sa banyo.Sinabihan ko si Mommy na siya nalang ang mag-order ng pagkain namin.
Si Brent naman ay papasok rin ng mall kasama ang kaibigan nito para kumain sa restaurant.Pumasok sila sa isang restaurant ngunit nahagip ng mata niya ang mga magulang ni Chimmy na nakaharap sa menu.
Gustuhin man niyang lapitan ito pero hindi niya ginawa dahil alam niyang may tampo parin ang mga ito sa kanya.
Si Chimmy naman ay hindi alam ang gagawin.Parang tatalon na ang puso niya sa sobrang kaba na nararamdaman niya.Hindi niya inaasahan na makikita niya si Brent dito sa restaurant kung saan din sila kakain.
Kinalma niya ang kanyang sarili para makapag isip ng tama at maayos.Kinuha niya ang cellphone niya at tinext ang mommy niya.Wala pang dalawang minuto ay nasa harapan na niya ang mommy niya.
"Anak anong nangyari?nag-aalalang tanong ng mommy niya.
"Mom nandito si Brent sa loob ng restaurant."nagulat naman ang mommy niya.
Tiningnan niya ang deriksyon na tinitingnan ng anak niya at nakita nga niyang nakaupo si Brent na kausap ang waiter.
"Mom yung nurse ni Daddy papuntahin niyo dito."agad namang pumunta ang mommy ni Chimmy sa table nila.
Pagbalik ng mommy niya sa banyo kasama na nito ang nurse.Sinabi ni Chimmy na dalhin ni Red si Bryn palabas ng restaurant.Kahit makita siya ni Brent wala siyang pakialam ang importante ay hindi nito makita ang anak niya.
Nang makalabas na sa Restaurant si Red at Bryn binalikan nila Chimmy ang Daddy niya.
Pagtingin ni Brent sa table kung saan ang mga magulang ni Chimmy ay bigla itong napatayo ng makita niya si Chimmy na tulak-tulak ang wheelchair ng daddy nito.
Gusto niya itong lapitan pero para siyang naestatwa ayaw gumalaw ng mga paa niya na tila napako ito sa kinatatayuan niya.
Nang makalapit na si Chimmy sa gawi niya sinubukan pa niya itong tawagin pero walang mga salita na lumabas sa bibig niya.Deritso lang ito na lumabas kasama ang mga magulang nito.Hindi man lang siya nagawang tapunan ng tingin ni Chimmy.
Sinubukan pang habulin ni Brent si Chimmy sa labas ng restaurant pero parang hangin ito na bigla nalang nawala.Gusto niya itong makausap,gusto niyang humingi ng tawad dito.Kaya pa kaya siyang mapatawad ni Chimmy gayung sobra-sobrang sakit ang binigay nito kay Chimmy.