PILIPINAS
Sa mahabang byahe namin pauwi dito sa pinas sobrang pagod ang nararamdaman namin.Kasama ko si Bryn na umuwi,naawa rin kasi ako sa anak ko na iwanan siya gayung gusto niyang sumama kaya isinama ko na siya.Halos natulog lang siya sa buong byahe namin.Hindi ko sinabi sa mga magulang ko na kasama ko ang anak ko pauwi.
Paglabas namin ng airport nakita ko na agad ang family driver namin na naghihintay.Nang makita niya ako agad siyang bumati sa amin at kinuha ang mga gamit namin para ilagay sa kotse.Inalalayan ko ang ang anak ko na makapasok sa loob.
"Anak okay kalang ba?pwede kang matulog muna habang nasa byahe tayo gigisingin nalang kita pagdating sa bahay mamaya."
"Okay lang po ako Mama,nakatulog naman po ako sa plane kanina.Mama nagugutom na po ako."sabi nito.
Sinabihan ko naman ang driver namin na pag may madaanan na fastfood mag drive thru kami.Kinuha ko naman ang extrang damit ni Bryn na nasa bag ko para palitan siya ng damit,nilagyan ko rin ng bimpo ang likod niya.Masyado kasi siyang pawisin kaya nag-iingat akong hindi siya matuyuan ng pawis sa likod baka magkasakit siya.
Ilang sandali pa ay lumiko si Kuya sa isng fastfood para makapag drive thru kami.Binilhan ko ng spaghetti at chicken,fries ang anak ko pati drinks,binilhan ko na rin si Kuya.Drinks lang ang binili ko sa para sa akin,wala kasi akong gana kumain pag nasa byahe ako.
Sa isang banda naman kalalapag lang ng eroplanong sinasakyan ni Brent galing ng paris.Iniwan niya nalang sa tao niya ang pamamahala sa pagtatayo ng bagong kumpanya niya sa paris.Wala naman na siyang dapat gawin doon dahil tinapos niya na ang lahat bago siya umuwi ng pilipinas.
Ang hindi alam ni Brent magkasunod lang na lumapag sa airport ang eroplanong sinasakyan nila ni Chimmy.Paglabas niya ng airport naghihintay narin sa kanya ang sundo niya.Wala na siyang inaksayang oras pa at agad na itong sumakay sa kotse.
"Sa kumpanya tayo."malamig na utos niya sa driver.
Habang binabaybay nila ang kahabaan ng edsa hindi niya maipaliwanang ang kakaibang nararamdaman niya.Para siyang kinakabahan na hindi niya maipaliwanag sa anong dahilan.Sumandal siya sa upuan ng kotse at ipinikit niya nalang ang kanyang mata balak niyang umidlip muna habang nasa byahe siya.
Sa mansyon naman ng mga Alvarez ay kararating lang ng kotseng sinasakyan nila ni Chimmy.Pumasok ito sa loob ng malaking gate,nakita niya ang mga magulang niya na nakaabang na sa pintuan,nakaupo ang daddy niya sa wheelchair habang ang mommy naman nito ay nakahawak sa hawakan ng wheelchair.
Hindi na siyang nag-abala pang gisingin ang anak niyang natutulog sa kandungan niya.Binuksan ng driver ang pintuan sa passenger seat,inayos niya ang pagkakarga sa anak niya at lumabas na ng sasakyan.
Nagulat naman ang mga magulang niya sa kanilang nakita.Hindi nila inaasahan na makikita nila ang kanilang apo sa unang pagkakataon.Mabilis na pumasok ang mommy niya at inayos ang sofa para doon mailapag ni Chimmy ang anak niyang natutulog.Dahan-dahan namang inilapag ni Chimmy si Bryn para hindi ito magising.
"Anak namimiss ka namin."tsaka siya niyakap ng mahigpit ng mommy niya."Akala ko ba hindi mo isasama ang anak mo pauwi?tanong nito.
"Mom yun dapat ang nasa plano ko,pero last minute ng sinabi niya na sasama daw siya sa akin pauwi kaya sinama ko nalang po siya."sagot ko sa mommy
Bumaling naman si Chimmy sa daddy niya at niyakap din ito ng mahigpit.
"Buti at naging matagumpay ang operasyon niyo dad."
"Salamat at nakauwi ka anak."sagot ng daddy niya.
"Mamaya ko na po buksan ang mga maleta para sa mga pasalubong niyo kapag gising na si Bryn.May binili siyang mga pasalubong para sa inyo,siya talaga ang namili."sabi ko sa kanila.
Iginiya ako ni Mommy at Daddy sa kusina para makakain na,pinabantayan muna ni Mommy sa isang kasambahay ang anak ko.Pagdating namin sa kusina halos malula ako sa dami ng pagkain na nakahain sa table.Halos lahat ng pagkain ay seafoods na paborito ko.
"Ang dami niyo naman pong pinaluto mom?
"Ay naku iha,hindi mo alam na excited yang mommy mo sa pag-uwi mo.Sinigurado niya talaga yan na lahat ng paborito mong seafoods ay mahahain sa lamesa."sagot ni daddy.
"Thank you po."at niyakap ko silang dalawa.
Umupo na kami para magkapag simula ng kumain.Lahat ng paborito kong seafoods tinikman ko talaga.Namiss ko talaga ang pagkaing pinoy.Nagluluto naman kami ng mga pagkaing pinoy sa paris pero iba talaga pag sa pilipinas ka.
Namimiss namin ng mga magulang ko ang isa't-isa.Masaya kaming nagkukwentuhan at nagtatawanan sa harapan ng pagkain.Sigurado akong hahanap-hanapin ko ang araw na ito pag nakabalik na kami sa paris.
Matapos naming kumain pumunta na kami ng sala para tingnan ang anak ko.Tulog parin siya.Napagod siya sa sobrang haba ng byahe namin.
Lumapit naman si Mommy sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko.
"Anak anong plano mo kay Bryn?may balak kabang ipakilala siya sa ama niya?tanong ni mommy sa mahinang boses.
"Okay na po na kaming dalawa lang ng anak ko Mom.Wala po akong plano na ipakilala siya sa ama niya."sagot ko kay mommy.
Sumang ayon naman siya sa sinabi ko.Alam kong naiintindhan niya ang desisyon ko.Ayaw kong pati ang anak ko ay masaktan dahil lang sa tanggihan siya ng ama niya.Masaya naman kami na dalawa lang kaming magkasama.Hindi na namin kailangan na papasukin pa sa buhay namin si Brent.Tapos na ang kabanata naming dalawa.