Bumukas ang pinto ng silid ni Camilla habang nakatingin siya sa malayo mula sa salaming dingding na palabas ng balkonahe. Si Nick ang pumasok suot ang tuxedo nito na lalong lumabas ang kagwapuhan. Gwapo si Axel, walang duda iyon. Pero iba ang dating ni Nick na kapag tinitigan ka ay hindi puwedeng hindi ka kabahan. Kung si Axel ay mala-boy next door at pang-matinee idol ang dating. Si Nick na laging seryoso ay pa-misteryoso ang dating na gusto mong titigan kapag hindi ito nakatingin. "Let's go," walang emosyon nitong wika. Nakatayo lang ito sa pinto imbes na puntahan at alamin kung kinabahan man lang ba siya. Kunsabagay, nagiging magiliw lang naman ito kapag nakaharap sila sa ibang tao. Lumakad siya patungo sa pinto at hinayaan naman siya ni Nick na maunang lumabas. Hinawakan na nito ang

