Mula sa balkonahe ng madilim niyang silid ay nakatanaw si Nick kay Camilla na nakatayo sa madilim na bahagi ng hardin. May kinikimkim pa siyang galit sa dibdib dahil sa katatapos na pagtatalo nila ni Fiona kanina. His ex-girlfriend wanted them to remain friends, tutal daw ay pareho na silang may asawa. Pero hindi pa rin niya talaga kayang magpanggap na wala na siyang nararamdamang hinanakit kay Fiona. Pumasok siya sa silid at kumuha ng alak sa estante saka umupo sa sofa. Nakaharap pa rin siya sa kadiliman sa may balkonahe at nasa balintataw ngayon ay si Camilla. May asawa na siya ngayon. Nakatali na ang pangalan niya. Nagtakda man siya ng dalawang taon sa pagsasama nila, tiyak niyang mahihirapan siyang iwasan ang presensya nito lalo na't makikialam tiyak ang Papa niya sa pagsasama nila.

