Alas kwatro ng hapon nang magpasyang iwanan muna ni Nick ang mga trabahador para umuwi sa mansyon. Maraming pang trabaho sa bukid pero kailangan niyang pagbigyan si Charles na ipapasyal niya si Camilla sa tabing dagat. May mga mountain bikes sa kubo na ginagamit ng mga trabahador kapag naglilibot sa mga pananim. Iyon ang naisip niya noon na magandang gamitin dahil mas makabubuti sa kalikasan kung hindi na mapo-pollute ng gasolina ng motor ang hangin sa paligid. Tatlong kotse lang ang mayroon sa mansyon at kung hindi niya naman kasama ang Papa niya ay mountain bike talaga ang gamit niya. Parating pa lang siya ay natanaw niya na ang sasakyan ni Fiona. Tiyak na kausap na naman ito ng Papa niya tungkol sa pag-aayos ng relasyon nito at ni Axel. Pagbaba niya sa bike ay nilakad niya ang papaso

