Nanood kami ng movie pagkatapos niyang kumain, inabot pa ako ng alas gabi bago niya ako hinatid sa apartment. Naabutan ko ang mga kaibigan ko sa sala na may sinusulat kaya dumiretso nalang ako sa kwarto ko dahil natapos na naman akong kumain doon. Kinabukasan ay nag impake na ako ng mga damit ko para dalhin kina Lola, may mga pasalubong din akong dinala na binili ko sa kanya gaya ng sapin-sapin na sinabi niya sa aking dalhan ko daw siya pag naka balik ako dahil nagustuhan niya daw. "Lola..." I giggled when she hugged me. "Na miss kita, Apo ko." She kissed my cheeks. Kinaumaghan ay maaga niya akong inutusan para bumili ng mga lulutuin mamayang nueci buena. Pumunta ako ng Mall para doon bumili nalang. Pagkatapos kong mag grocery ay pumunta ako sa frozen food para bumili ng karne ng baka

