"Anak andyan pa ba si Kino?" Sagot niya mula sa kabilang linya.
"Opo, Ma. Andito po."
I turned on the camera at hinarap sa mukha ni Kino para maka usap siya ni mama. Agad naman niyang kinuha 'yun at sinagot si mama.
"Hello po, Tita." He cleared his throat. "Uhm nice to see you again po." He added.
"Nice to see you again, Hijo ang laki niyo na kung dati ay halos hindi kayo nag papansinan dalawa pero ngayon ay..." tumawa si mama. "Natutuwa ako na nag kita kayo ni Sophie ulit."
"Kaya nga po eh..." ngumiti siya sa camera. "Kumusta na po si Tito, Tita?"
"He's okay, Hijo nag papahinga siya ngayon." Dinig ko mula sa speaker ng cellphone.
Naka upo lang ako sa tabi ni Kino habang nag uusap sila ni mama tungkol sa mama niya. Nakikinig lang ako sa mga biro nilang dalawa sa akin. Umabot ng halos isang oras ang usapan nila na kung saan-saan lang umabot.
Naka ngiti kong pinag mamasdan silang dalawa na nag uusap, pinag lalaruan ko lang ang susi ng sasakyan ni Kino habang nakikinig sa tabi niya.
Matapos silang mag usap ay nag order kami ng pagkain para sa tanghalian dahil hindi na kami bakapag luto pa dahil naabutan na ng alas dose. Kumain kami ng tahimik habang nag kwentuhan ng kung ano-ano lang. Pagkatapos kumain ay tinulungan niya akong inayos ang dala kong mga gamit para matapos na.
"Shall we go on a date? What do you think." bumangon siya mula sa pagka higa sa kama at tumabi sa akin.
Naisip ko na nag date pa kami kahapon doon sa mall at sapat naman siguro na dito nalang kami, dahil sayang pa ang gasto kung lalabas na naman kami.
"Nag date pa tayo kahapon, Kino. Sayang 'yung pera." reklamo ko.
"Money is not a problem, love. It's on me." niyakap niya ako at hinalikan ang buhok ko. "But if you really don't want, then we will just stay here nalang."
"I am ready to meet your mommy." pag amin ko sa kanya.
"You are?" Mabilis niya akong tiningnan.
Humarap ako sa kanya habang nasa tabi niya ako niyayakap. "Oo, napag isipan ko na 'yon kaya handa na ako."
"We'll be meeting her tomorrow, then."
Umuwi siya nang alas kwatro pagka gising ko mula sa pag tulog, nag paalam siya sa akin na susunduin niya ako bukas ng umaga para pumunta sa bahay nila. Handa na naman ako na makita ulit ang mama niya kaya hindi na ako kakabahan pa.
Dumating ang mga kaibigan ko hapon na kaya sinalubong ko sila gate, pagkatapos kong mamili ng damit na susuotin ko bukas para puntahan ang mama ni Kino. Sa Lunes pa ang enrollment para sa fourth year kaya may isang araw pa kaming maka pag pahinga dito.
"Omg! Blooming ka ngayon." Sigaw ni Zirah pagka kita niya sa akin sa gate.
"Eh... kumusta naman ang mag jowa?" biro naman ni Faye habang tumatawa.
"Hello Sophie," yinakap ako ni Kirsten nang makapasok sa loob ng gate.
Hindi ako maka sagot sa mga tinatanong nila sa akin dahil sa dami nilang sinasabi. Kahit sa Group chat ay napupuno ng mga messages nila doon, kahit hindi na ako nag re-reply dahil andami.
"Pumunta ba siya dito? Hinatid ka?" excited na tanong ni Zirah.
"Oo, pero umalis na kanina lang." maikli kong sagot.
"Talaga anong ginagawa niyo dito sa loob?" Dagdag na tanong naman mi Faye.
"Wala kumain lang kami tapos umuwi kaagad siya, andami niyong tanong sa akin ha! Kapag kayo nagka boyfriend hindi naman ako nagtatanong sa inyo."
"First boyfriend mo kasi siya, Beh! Eh, sabi mo dati hindi ka mag kakagusto sa basketball player, anong nangyari?" Malakas siyang natawa sa sinabi niya.
"Hoy, Zirah sinabi mo din 'yan dati pero ngayon kayo na ni Chad. Malay ko bang mag kakagusto kami sa isa't isa." Pag depensa ko sa sarili.
"Ede, natamaan ka din ng mga sinabi mo noon, na bawal magka boyfriend ng basketball player kasi-"
Hindi ko siya pinatapos sa sinabi niya dahil agad kong tinakpan ang bibig niya para tumahimik. Ang dami niyang tanong sa akin ako nga dati noong naging sila nalang bigla ni Chad hindi ko naman kinukulit.
Sa huli ay natahimik na din sila at hindi na nagtatanong pa. Nang dumating ang gabi ay nanood kami ng movie, sa kalagitnaan ng panonood ay tumawag sa akin si Kino kaya sinagot ko at pumasok ng kwarto.
"Hoy! Balik ka dito ah... 'Wag ka muna mag bebetime." sabi ni Faye noong napansin niya akong tumayo dahil sa tawag.
"Babalik ako!" inirapan ko siya.
"Baka makatulog ka na, Sophie at hindi ka na bumalik." dagdag ni Kirsten.
Pumasok ako ng kwarto hawak ang cellphone ko na nasa tenga habang nag hihintay na mag salita si Kino.
"Hello,"panimula ko.
Ilang segundo tahimik ang kabilang linya bago siya nag salita. "What are you doing?" He asked.
"Nanood ng movie sa sala kasama ng mga kaibigan ko." Sagot ko. "Ikaw?"
"Did I disturb you? Uhmm... Should I drop the call?" mahina niyang sabi mula sa kabilang linya.
"No, nag paalam ako sa kanila. Bakit ka napatawag?"
"I just missed you. Gusto kong marinig ang boses mo,"
Ito na naman siya kakakita lang namin kanina tapos mag kikita din naman kami bukas. "Hindi ka maka tulog?"
"I can't. I want a hug from you right now, love." He said softly.
"It's too late, Ramirez. It's already passed eleven o'clock what are you thinking."
I drop the call bago ko siya tinawagan sa i********:, hindi ko matiis ang lalaking 'to. Nag cha-chat pa kami kanina ten tapos ito na naman siya, hindi na tuloy ako makatiis na makita siya. Inayos ko ang buhok ko bago humarap sa camera para naman maganda pa din ako sa paningin niya.
Nakita ko siyang naka higa sa kama at may naka patong na libro sa dibdib niya. Tiningnan ko lang siya at hindi nag salita, kaya nauna siyang ang salita habang naka tingin lang siya sa akin.
"Parang gusto na kitang puntahan ngayon. You're so beautiful." mahina siyang tumawa bago ngumiti.
I feel my cheeks heated before I roll my eyes. "Bakit ba kasi miss mo na kaagad ako?"
Sumimangot siya sa screen. "Kasi miss na kita," ngumiti siya. "I'm gonna be serious, hindi ako makatulog dahil excited ako para bukas."