"Let's go?" tanong ko sa kanya matapos akong mag bihis para pumunta na sa laro nila. Alas tres palang ay nag handa na kami dahil dapat alas 4 pa ay andun na siya kaya nag mamadali akong mag bihis, galing pa sa tulog kanina at ngayon lang nagising. I wore my denim skirt na abot hanggang sa ibabaw ng tuhod, I paired with my Short sleeve loose shirt dahil ito lang naman ang naiwan dito kaya sinuot ko nalang. Tiningnan niya lang ako mula ulo hanggang sa paa, naka hubad pa siya ngayon habang ako ay ready na at siya nalang ang hinintay ko. Parang siya pa yata ang galing sa tulog dahil hindi pa siya naka ayos samantalang ako ay kanina pa. Hindi siya umimik kaya tumayo ako galing sa pagka upo sa sofa at pinulot ang jersey niya na nasa maliit na lamesa, binigay ko iyon sa kanya pero naka ngiti

