CHAPTER 7

1381 Words
"Sophie, tara na. Pupunta ka ng CR 'diba?" Malakas na sigaw ni Zirah pagkatapos kausapin si Chad. Tumingin ako kay Kino na walang masagot sa tanong niya hindi ako nakapagsalita, hinihintay lang niya ang sasabihin ko. "Oo." Maikli kong sagot kay Zirah. "Ako na ang sasama." Mabilis na sabi ni Kino habang lumakad para kunin ang bag niya. "Ay sige. Pasama ka nalang sa kanya, beh. Hihintayin nalang kita dito." Mabilis naman nakasagot si Zirah. Wala akong magawa at sumunod nalang kay Kino dahil hindi ko din naman alam ang daan papunta ng CR dito. Pumunta kami patungo sa Cr habang pinagtitinginan kami ng ibang studyante dahil naka sunod si Kino sa akin. Pumasok ako sa CR, habang si Kino nag hihintay sa labas. "Tara na." Sabi ko sa kanya paglabas ko. "Ano nga 'yung sagot mo?" He raised his eyebrows upon looking at me. "I don't know." maikli kong sagot. "You don't know," He shook his head and laughed. "Hindi ka sigurado? Subukan mo nalang kasi promise two weeks lang." "Tsk! Susubukan ko ba? Gaano ka kasiguradong effective 'to?" I replied. "I'll take care of that, don't worry." He wink at me before he gave me a pat on my head and smiled. Mas nangingibabaw sa akin ang makilala siya kaysa sa gagawin ko kung susugal ako dito. Gusto kong malaman kong siya ang bata 'yon. Two weeks lang naman 'yun at wala naman sigurong mawawala sa akin kung susubukan ko 'diba? "Sige." wala sa sarili agad akong sumagot at naglakad palabas. "Sigurado kaba? Tutulongan mo talaga ako?" Tanong niya habang naglalakad kami palabas. "Bakit ayaw mo ba? two weeks." Tumigil ako sa paglalakad. "Two weeks ang sabi mo at sisimulan na 'yun sa lunes, okay na?" I said before walking away. He was smiling at kita ko na lumiwanag ang mukha niya, mas gusto ko ganito 'yung tao sa paligid ko masaya lang ayoko na nalulungkot sila dahil nahahawa ako. He looks beautiful with that face masaya ako na nagagawa ko siyang pangitiin. "Bakit ang tagal ninyo?" Pagdating namin sa court kung saan naka upo si Zirah at katabi naman si Chad. Andito na din si Neo at Ralfh, kanina pa ata sila nandito. "Tara na, Zi uwi na tayo." "Mamaya na ako uuwi may date pa kami eh." She pouted. Parang bata! "Sige uuwi nalang ako enjoy ka!" Lumabas ako ng court at naglalakad papunta sa apartment namin. Hindi pa ako nakalayo naramdaman ko na may nakasunod sa akin, kaya hindi ako nagdadalawang isip na tingan. "Bakit ka sumunod?" "Uuwi na din ako." Sinabi niya habang lumapit siya sa pwesto ko, at ngayun ay kasabay ko na siya sa paglalakad. "Sigurado kaba sa sagot mo? Hindi naman everyday tayo magkikita." He started. "Yeah, sigurado ako para naman hindi kana mainggit sa kaibigan mo. Bakit ba kasi hindi mo suyuin!" "It's not that simple, Sophie. May kasalanan kasi ako." He said. "Ano malaki ba? Para naman maka back out pa ako nito." I laughed a little. "I don't do efforts towards her, nawalan din ako ng time sa kanya because of my studies." "Ang babaw ng rason ha?" Napaisip ako kung 'yun lang ba talaga ang dahilan, pero hindi ko naman ma ju-judge 'yung babae dahil hindi ko naman kilala 'tong kausap ko. "She cheated on me daw pero hindi ako naniniwala dahil alam kong hindi niya 'yun magagawa." "Saklap!" Dumating ako sa apartment na tatlong palapag kaya huminto ako sa paglalakad. "Pasok na ako." Turo ko sa apartment. "Thank you so much, Sophie. You don't know how much it help." He smiled. "Siguraduhin mo lang effective 'yan ha, 'yung wala pang two weeks ayos na ang lahat." Sagot ko sa kanya bago pumasok. Kumaway lang siya sa akin bago siya nawala sa paningin ko. Pumasok ako sa loob at naabutan ko si Kirsten at Faye sa loob nanonood ng TV. Agad naman akong lumapit sa kanila para makikinood din. "Where is Zi?" Tanong ni Kirsten at tumingin pa siya sa likod ko. "May date daw kaya nauna na akong umuwi." I sighed. "Grabe talaga 'yun si Zirah, ang sabi hindi na daw siya pinansin tapos sila na pala? Like paano niya nagawa 'yon sa atin!" Faye acted crying. Pumasok ako sa loob ng kwarto para magbihis at paglapag ko palang sa bag ko naka tanggap agad ako ng message galing kay Kino. KINO Pleas be there for our semi-final game, Sophie. Manonood si Tanya. Tanya. Maganda 'yung name niya. Maganda naman siya kaya siguro siya hinahabol deserve naman niya 'yun. Pero what if nag cheat nga edi sayang lang lahat. Bakit ko nga ba pinoproblema! I didn't reply dahil pupunta naman ako dahil isasama naman ako ni Zirah at hindi na naman ako maka ayaw sa kanya. Kaya huwag niya na akong I text dahil wala din akong load. Monday na ulit at maaga akong nagising dahil midterm exam ngayun at halos buong week may exam ngayun, napaisip ko ngayun pala ang simula ng agreement namin ni Kino, at dapat pumunta ako sa BIU isasama ko nalang si Zirah. Natapos ang exam ko at nakahinga naman ako ng maayos. "Zi, pupunta ka sa BIU? Sama ako." "Uhmmm... Hindi." Her eyes looks so tired at mukhang hindi ata 'to natulog kagabi. "Taray oh! nag review buong gabi." pinisil ko ang mukha niya. "Sophie," Mahina niyang tawag sa akin at alam ko na agad na may problema kaya agad na nabago ang itsura ko. "Yes, Zi?" Nag-aalala kong tanong sa kanya. She took a deep breath before answer my question. "Hindi ako pupunta ng BIU. Wala na kami ni Chad." Agad ko naman siyang niyakap at halos humikbi na ng hinigpitan ko ang pagka yakap sa kanya. "Andito lang ako Zi, kami... andito lang kami para sa'yo ha." I comfort her. "Don't worry andito kami para pasayahin ka." Umuwi kami ng apartment at pagdating pumunta agad sa kanyang kwarto si Zirah. Ilang beses ko nang kasama si Zi kapag naghiwalay sila ng Boyfriend niya dati, halos hindi na siya lumabas ng kwarto at nag mumukmok lang sa loob. Kaya lumabas ako ng apartment at bibili sana ng gusto niya. Pumunta ako sa 7/11 at bibili ng ice cream na gusto niya para mabawasan naman ang lungkot niya. Kumuha ako ng isa at binili ko na rin siya ng donuts dahil gusto niya ng matatamis. "Ito na po ang bayad kuya." Sabi ko sa cashier habang inabot ko ang bayad ko. Kukunin na sana ng lalaki ang bayad ko nang agad naman naman binawi ng lalaking lumalit sa tabi ko. "Ako na." Sabi niya habang inabot niya ang pera sa lalaki. Nagtaka naman ang cashier kung sino ang susunduin niya kaya tinago ko nalang ang bayad ko. Pagkatapos mabarayan ay lumabas na kami bitbit ang pinagbili ko para kay Zirah. "Anong ginagawa mo dito?" "She's here." Gulat na sabi ni Kino. Kaya napatigil ako sa paglalakad nang maramdaman ko ang kamay niya na pinulupot sa bewang ko. "Ano bang ginagawa mo?" I asked. "Ihahatid kita" tumingin siya sa kabilang pwesto kung saan ang babae nakatayu at may kasama itong lalaki. "Sino siya?" "I don't know. Maybe he's her classmate?" He's also confused. Sobrang obvious na boyfriend ng babae ang kasama niya, duwag-duwagan pa bahala siya masaktan. Tumawid kami ng daan at ng sumakay ang babae ay kinuha ko ang kamay niya sa bewang ko. "Ano bang ginagawa mo dito?" Kumuha ako ng pera at inabot iyon sa kanya. "libre ko na sa'yo 'yan." Ang mata niya ay may hinahanap sa daan kaya hindi na ako nangulit, asan ka pa makaka tipid ako. "Oh, oo nga pala. Tanungin mo 'yung kaibigan mo bakit pina iyak niya 'yung best friend ko. Siguro kaya ka iniwan dahil niloko mo din 'yong babae no?" "Of course not! I don't do that to anyone, Sophie." Bumalik sa akin ang atensyon niya. "At hindi nagloko 'yong kaibigan ko hoy, wag kang assuming." "Talaga ba? Sinabi sa akin ni Zirah na may babae si Chad. Sabagay kaibigan mo siya eh, dapat lang ipagtanggol mo diba?" "I don't want to answer all your questions kasi wala din naman akong isasagot, oo nga pala ngayun 'yung pinag-usapan natin baka nakalimutan mo, may lakad tayo mamaya susunduin kita." Siya pa talaga 'tong matapang, eh siya nga may kailangan sa akin. Whatever!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD