"AIDAN, sandali! ano ba yan ang bilis bilis mo namang maglakad. uwing uwi lang te?" aniko rito ng habulin ko siya palabas ng classroom. kakatapos lang ng last subject namin at dahil maaga pa naman balak ko sanang sumama muna kay dalagingging.
"talaga. uwian na kaya no kaya ikaw umuwi ka na." aniya.
"hindi pa ako uuwi sasama pa ako sayo." sabe ko dito na bigla naman nitong ikahinto at dahil nasa likuran niya pa ako muntikan pa akong tumama sa malapad nitong likod. tsk, sayang naman hindi pa tuluyang tumama.
"anong sasama. magtigil tigil ka na ah, umuwi ka na at hinahanap ka na ng nanay mo." aniya ng lingunin ako nito.
"hindi pa kita napapakilala kay mommy pero nakakausap mo na pala siya." ngisi kong sabe na ikatalim na naman ng tingin niya sakin. "hindi pa naman ako hinahanap samin. gusto ko pa sumama sayo kaya please sama mo ako. alam ko naman na hindi ka pa uuwi. malakas kutob ko eh."
"ang kulit mo talaga. hindi ka pwede sumama sakin bawal ka don."
"bakit naman bawal? kung sa bar ka pupunta nasa legal age na naman ako. muka lang hindi dahil sa height ko pero may proof ako. hindi naman ako mangungulit, promise! behave lang ako. please cutie!" pagmamakaawa ko with matching beautiful eyes pa para umepekto sa kanya.
"bahala ka jan, jusko." aniya at muli na naman akong tinalikuran. agad naman akong napangiti at muling sumunod sa kanya.
"yehey! sasama ako." aniya ko na derederetcho lamang siyang nagtungo papunta sa parking lot. napahanga pa ako dahil hindi ko naisip na may sarili pa lang sasakyan si dalagingging kaya ng lumapit siya sa itim na sasakyan agad ako nagtungo sa kabilang pintuan at agad na pumasok doon. tinignan niya pa ako ng masama sa labas kaya nung pumasok na din siya agad kong inabot ang seatbelt niya at mabilis na kinabit iyon. gulat na gulat pa siya sa ginawa ko pero nginitian ko lang ulit siya bago ko kinabit ang akin.
"alis na tayo." aya ko na ikailing niya sakin bago pinaandar ang kanyang sasakyan.
masaya akong tumanaw sa labas habang tahimik lang na nagdadrive si Aidan. iniisip ko para tuloy kaming magkasintahan tapos ihahatid niya ako saamin gamit tong sasakyan niya. hihi
"ano na naman ang iniisip mo jan ah!" mataray niyang sabe na agad ko namang ikabalin sa kanya. sa pwesto niyang yan palagi ko na lamang natatanaw ang matangos niyang ilong yung kurba din ng labi niya ay tamang tama lang sa kanya. malambot din siguro yun.
"ikaw lang naman ang iniisip ko, Aidan." ngiti kong sabe dito na muli na namang ikangiwi niya kaya napahagikgik ako sa itsura niya.
"tigil tigilan mo na paglalandi sakin, Julianna Faye ah. hindi ako pumapatol sa petchay." aniya na ikanguso ko lang dito. kinikilig sa pagbanggit niya ng pangalan ko.
"hindi mo pa kase natatry kaya akala mo lang hindi." aniko na mas ikasalubong na naman ng kanyang kilay.
"hoy gaga, hinding hindi ko babaliking gawin yun. iniisip ko pa lang kinikilabutan na ako."
"wag mo muna kasing isipin, gawin mo muna." sabe ko na mas ikangisi ko dahil sa pamumula na naman ng kanyang muka.
"maryosep ka di ba sinabe mo mananahimik ka lang? bat daldal ka na naman ng daldal?" hasik niya.
"wala pa naman tayo dun sa pupuntahan natin. saka ayokong mabored ka sakin kaya nga dinadaldal kita eh." aniko kahit ang totoo hindi lang talaga ako makapagpigil na huwag siyang asarin at daldalin. mukang makakasanayan ko na atang gawin yun.
"mas okay ng manahimik ka na lang okay? nakakapayapa yun." aniya na ikanguso ko na lamang ulit.
"san ba tayo pupunta?" maya maya kong tanong ng ilang minuto ko munang pinatahimik ang sarili ko.
"birthday. huwag kang mag rereklamo na op ka don dahil ikaw ang makulit na sumama sama pa sakin." aniya.
"may boys don?" tanong ko na ikakunot naman ng noo niya sakin at mabilis pa akong nilingon.
"aba, mang iispot ka din?"
"hindi. babakuran lang kita. kaya nagtatanong ako kung may boys don." deretcha kong sabe at muntikan pang maipreno ang sasakyan nung biglang may sumingit sa harapan namin.
"tangna. maaaksidente pa tayo sa ginagawa ng gagung yun eh." aniya na ikaawang ng labi ko dahil sa lutong ng mura niya. imposible din bang madagdag ang hanga ko sa kanya dahil sa mura niyang yon? jusq nababaliw na ata ako sa kanya.
"ano okay ka lang jan?" tanong niya ng manahimik ako ng ilang minuto at nakatulala lamang sa kanya. agad ko namang inayos ang sarili ko at nagpatango tango.
"ang lutong mo naman mag mura, te. mas lalo tuloy ako natuturn on sayo." mahina at may maliit kong boses na sabe na tuluyan niyang ikapreno kaya muntikan pa akong mapasubsob sa harapan kung di lang dahil sa seatbelt na nakakabit sakin.
HUMINTO ang sasakya ni Aidan sa tapat ng malaking building. napaawang ang aking labi ng makita ang kabuuan non at sa sobrang taas hindi ko na natanaw ang tuktok sa loob ng kotse.
"Park Central Tower." mahinang basa ko. kaya agad akong napalingon kay Aidan. "dito yung aatinan nating birthday, Aidan?" agad kong tanong na tinarayan lamang ako bago tumango.
"Ang ganda naman. first time ko lang makapunta sa ganto. Ang gandang condo naman ng pagbebirthdayan ng friend mo." mangha ko at hindi na namalayan na hindi ko pa natatanggal ang seatbelt ko kaya siya na nagtagal para sakin kaya mas lalo akong napangiti. "Salamat, Aidan."
"Tss." hasik niya bago maunang lumabas ng sasakyan kaya agad naman din akong sumunod palabas.
pagkasara ko ng sasakyan ay bumungad naman saakin ang dalawang makisig na lalaki na palapit saamin. nang mapagtanto ko na may magagandang muka ang mga yon ay agad akong lumapit kay Aidan at humawak agad sa kanyang braso. mahirap na baka matangay na naman tong kasama ko.
"Buti naman andito ka na, Jan." ngising sabe nung kulay brown na buhok. may tamang haba ang buhok niya at bagsak iyon na tulad din ng kay Aidan matangkad at makisig din ang pangangatawan na hindi maaring magustuhan din ito ni dalagingging.
"Who's this little, girl?" balin saakin nung isa niya pang kasama na mukang suplado dahil hindi tulad nung isa hindi nakangiti man lang.
"oh! girlfriend mo?" gulat na sabe nung brown hair na ikangiwi na naman ng dalagingging na to sabay hila ng braso niya sakin kaya napanguso ako dito.
"as if. bata ko lang yan." aniya na ikakunot ng noo ko dito na kanyang ikangisi sakin kaya ako naman ang nagtaray sa kanya.
"Ako si Julianna Faye, pero faye na lang tawag niyo sakin. ako nga din pala ang future kasintahan ng dalagingging na to." nakangiti kong pagpapakilala na ikangisi na ngayon nung suplado habang si brown hair ay parang gulat na gulat sa aking sinabe.
"abat. tumigil ka nga jan." sita saken ni Aidan na ikangiti ko lang sa kanya bago muling kumapit sa kanyang braso.
"nice. bagay kayo." ngisi nung suplado na mas lalo kong ikangiti.
"thank you."
"no way. lumayo ka nga saking bruha ka." hasik niya habang hinihila hila niya pa ang braso niya sakin ngunit hindi ako nagpatalo mas lalo pa ako kumapit sa kanya.
"mukang matutuwa niyan sila Jade. dalhin mo na siya sa taas, Jan." ngisi na din nung brown hair kaya inis na lamang na umirap si Aidan bago siya maglakad na agad kong ikasunod sa kanya.
"Oy yung susi!" rinig kong habol na sigaw nung brown hair na nilingunan lamang ni Aidan bago pabatong binigay yung susi. mabuti na lamang at nasalo nung brown hair kaya hindi ito natamaan.
tulad kanina sunod sunuran lamang ako kay Aidan miski sa pagpasok sa elevator. manghang mangha pa ako dahil ang ganda ng facility ng building. ang lawak pa ng lobby at yung elevator napapalibutan ng salamin at ang linaw linaw na animoy maya maya nila pinupunasan sa sobrang linis.
kitang kita ko tuloy sa salamin yung kabuuan namin ni Aidan kahit na hindi ko siya nililingon. napanguso pa ako dahil doon ko lang talaga napansin yung agwat namin. alam kong maliit ako pero grabe yung liit ko sa kanya. hindi pa nga ako umabot ng balikat niya.
"psh, tangkad mo." nakanguso kong sabe dito.
"liit mo." asar niya naman sakin na bahagyang ikairap ko naman sa kanya na siya naman ngayon ang napangisi kaya ng mag inarte ako sa kanya ay saglit lang dahil napangiti na agad ako dahil sa ngisi niya.
gwapo talaga.
muli ko ulit sinundan si Aidan ng lumabas na siya ng elevator. hindi pa din nawawala sa aking mukha ang pagkamangha dahil miski ang hallway ay maluwag din sa pinaka dulo ay hindi lang sya basta pader kundi salamin din kung san tanaw mo ang labas.
ang ganda!!
"Faye?" agad naman naagaw ng atensyon ko ang pamilyar na boses na tumawag sakin. nang lingunin ko ito ay bahagyang napakunot ang noo ko ng makitang si Veronica ito at mukang kalalabas lamang sa isa sa mga silid na iyon.
nang makita ito ay bahagyang napabaling naman ako kay Aidan na walang reaction na nakatingin lang din kay Veronica na hindi katulad ko ay nagtataka kung bakit andito din siya.
hindi kaya...
magkakilala talaga sila? posible naman yun pero bakit hanggang sa labas ng skwelahan nagkikita pa din sila.
"ARE you with him?" nakangisi na namang muli na tanong saakin ni Veronica ng lapitan niya kami.
"Ah...andito ka din pala, Vero." aniya ako at tipid na ngumiti sa kanya. hindi alam kung ano magiging reaction. magkaibigan din ba sila ni Aidan?
"Of course. buti at naisama ka dito ni Jandrick. halika pakilala kita sa loob." aya niya sakin na agad ko namang ikalingon kay Aidan na nanguna lamang sa paglalakad at siya na mismo ang naunang pumasok sa pinaglabasan kanina ni Vero.
malakas na tugtog agad ang sumalubong saamin ng pagkapasok namin. mas umingay lamang ng marinig ko ang sabay sabay na tilian ng mga kababaihan ng makita nila si Aidan. hindi ko naman agad sila masulyapan man lang dahil sa laking tao ni Aidan halos wala na akong makita bukod sa likod niyang malapad.
"Ang muse naten andito na!!!" rinig kong tili ng isa sa kanila.
"aba aba, mas lalong gumagwapo ang muse namen ah. parang hindi na bagay yung salitang muse. parang bagay na sayo yung title na escort." tawanan nila na ikanguso ko lamang at saka tiningala si Aidan na diko naman makita ang reaction.
"Excuse, girls! We have a new friend here!" pagpukaw ng atensyon ni Veronica sa iilang kababaihan na sumalubong kay Aidan. dumeretcho naman si Aidan sa gilid at nakijoin sa iilang dalawang lalaki don habang yung tatlo na babae ay napabalin saakin.
tulad ni veronica mukang mga suplado din ang itsura ngunit dahil sa mga ngiti nila nababawasan ang pagkasuplada look. may mahahabang biyas din sila na hindi katulad ko kinulang talaga at hindi tulad ko na naka uniporme pa ay sila naman halatang birthday na birthday ang inatenand dahil sa gaganda ng mga soot nila. mabuti na lang nakauniform din si Aidan.
"Hi, I'm Kelsey. The birthday girl." pagpapakilala sakin ng nakapulang mini skirt at tube na top. maganda din ang pagkakakulot ng mahaba niyang buhok kaya sa bawat kilos niya sumasabay sa pag alon ang buhok niya.
"Hello. ako si Faye. Happy Birthday." mahina kong bati.
"I'm Disney and she's Danica, my sister." pagpapakilala naman nung morenang babae na may maikling buhok at yung isang babae naman na may clip sa ulo at may mahaba ding buhok. sa kanilang tatlo mas nagmumuka siyang manika at iba ang aura niya. kaya nung nginitian niya din ako ay bahagya akong nahiya dahil sa ganda niya.
"h-hello." nahihiya kong bati sa kanila.
"Sa kanila nahihiya ka tas saken harap harapan yang kakulitan mo." rinig kong sambit ni Aidan na ikanguso ko dito samantalang ang tatlong girls ay napabaling kay Aidan.
"magkakilala kayo?" tanong ni Kelsey.
"malamang ako nag dala niyan dito eh."
"really? huli na ba kami sa balita?" si Disney.
"are you two-" si Danica na agad namang ginatungan ni Aidan.
"magsitigil nga kayo ah. feeling close lang sakin yan kaya naisama ko na. hindi pa ako buang para tumukhim ng pechay." aniya at sabay sabay kaming inirapan. attitude talaga tong dalagingging na to.
"Oh, akala ko napabago mo na." balin sakin Disney bago ko maramdaman ang paghila sakin ni Kelsey paupo sa kabilang sofa. naupo naman sa single sofa si Danica at Veronica habang si Kelsey at Disney naman ay nasa gilid ko.
"tell us, san kayo nagkakilala?" agad na tanong sakin ni Kelsey.
"new student siya saamin. kaklase namin siya ni Jandrick." ngising sabe ni Veronica na nagpabalin naman sa kanila dito.
"really? ilang days pa lang nung nag start ang klase niyo." si Danica.
"she's nosy at palagi niyang inaasar si Jandrick. yun ang madalas kong nakikita sa dalawa. pero mas mabuting manggaling kay Faye kung paano niya natyagaan kulitin ang isang yon." aniya na muling nagpabalin naman nila ulit sakin.
"Alam naman naming mataray talaga ang bruhong iyon. daig pa babae na nireregla. pero mabait pa rin naman ang isang iyon. maloko din at malandi...sa guys." sabe naman ni Kelsey na ikatawa naman nila ngunit ako napanguso na lamang.
"pansin ko nga din kaya nga binabaguran ko na ang isang yun eh." mahina kong sabe bago bumuntong hininga. narinig ko naman ang pagsinghapan nila kaya napaangat ako ng tingin sa kanila na animoy gulat na gulat.
"you...you like him?" mahinang tanong ni Disney saakin na sunod sunod kong ikakurap habang sila Kelsey naman ay halatang nag aantay sa sasagot ko. pilit akong napatawa bago marahang tumango sa kanila.
"omo. alam niya ba?" tanong naman ni Kelsey na ikanguso ko.
"oo? siguro? palagi ko naman sinasabe sa kanya yun pag binibiro ko siya o gustong asarin. pero ang dalagingging na yun nginingiwian lang ako." pagbusangot ko ng maalala na naman ang mga reaction niya sa tuwing sinasabe ko yon.
"dalagingging? pfft." si Kelsey.
"girl, madaming humahabol ng tingin kay Jandrick pero umuurong agad pag nagmamaldita na yon. pano ba naman kase kahit walang gawin suplado na tignan. tas ikaw na first time niya lang makarinig ng ganun para sa kanya malamang na ganun magiging reaction niya lalo nat palagi lang nun iniisip ang mga lalaki." aniya ni Danica.
"hindi niya siguro naimagine sa babae kaya nung nangyare na sa kanya ganun na lang makareact." iling ni veronica.
"but don't worry, safe naman si Jandrick. malandi lang yan sa lalaki pero virgin pa yan." hagikgik ni Kelsey na agad namang ikapula ng muka ko. hindi inaasahan na ganun ang sasabihin.
"mismo. baklang yun, ayaw ng petchay pero takot din mapasukan ng hotdog." pakikisabay ni Disney na ikasimsim ko na lamang sa basong nasa harap ko. napangiwi pa ako sa lasa nun at nang mapagtanto na hindi basta basta juice yun ay agad ko na ding ibinaba ulit sa lamesa.
"wine lang yan. hindi ka mahilig uminom?" tanong sakin ni Vero na agad kong ikailing.
"masyado ka namang mabait para kay Jandrick. sure ka na ba na si Jandrick gusto mo? may iba pa kaming friend na mas lalaki pa kay Jandrick." biro ni Kelsey na ikaliling ko lang.
"tutal alam na naman namin yung about sa inyo ni Jandrick. kami naman magkwekwento. magkakaibagan na kami since high school. high school pa lang din nung naglantad samin si Jandrick. ang gaga kaya pala mas gusto magsasasama satin kase relate siya sa mga pinaggagawa natin." kwento ni Disney.
"at para lang din ipaalam sayo. magpinsan si Veronica at Jandrick kaya hindi na rin naman kami nahirapan pakisamahan si Jandrick." banggit naman ni Kelsey na ikatango ko naman at napagtanto na wala naman pala akong ikakabahala.
pero seryoso? mag pinsan sila?
"bakit...bakit hindi naman kayo ganun nag uusap sa klase kung mag pinsan kayo?" takang tanong ko kay veronica.
"maarte lang ang isang yun. palagi naman kami nagsasama pero shempre meron na siyang iba kaya okay lang din kung hindi na siya nakakasama sakin." aniya na ikawalang imik ko na lamang. ako ang dahilan kung bat hindi na siya nakakasama sa grupo nila veronica sa classroom. pero okay na din naman sakin yun dahil pansin kong may mga pagtingin yung mga yon kay Aidan.
nagtuloy ang kwentuhan namin na puro si Aidan lang ang topic. naiingganyo naman ako kaya hindi rin nagtagal anging komportable din ako sa kanila.
hindi sila yung mukang maarte na ganun din ang ugali. may pagkakasimilarities din kami tulad ng pagiging madaldal at mapang asar kay Aidan. hindi lang din naman kay Aidan kundi pati na din sa isa't isa.
hindi rin naman nagtagal at pumasok din yung dalawang lalaki na nakasalubong namin sa baba. yung brown hair ay si Hiro at yung isang masungit na kasama ay si Brooke. yung dalawa din na kausap ni Aidan kanina ay si Mike at Joshua.
hindi lang sila kaibigan nila Kelsey dahil mga partner din pala nila ito. kawawa naman pala si Aidan dito na lonely. mabuti na lang at andito ako para samahan siya.
"sure na bang walang namamagitan sa inyo ni Jandrick?" ngising tanong sakin ni Hiro. sa kanilang apat na lalaki madalas siya ang palatanong sakin tungkol kay Aidan. aliw na aliw ata sa nasaksihan kanina.
"wala pa." sagot ko na mahinang ikahagikhik ni Kelsey na namumula na dahil sa kanina niya pang iniinom na wine. nakakapit na din ito sa braso ni Hiro at sa laki ng sofa na inuupuan nila nagsisiksikan pa sila sa lagay na yun dahil sa walang espasyo sa kanilang katawan.
"for now on, hindi ko na papayagan na maghanap ng lalaki si Jandrick. bantay na samin siya girl." aniya na ikangiti ko naman bago muli kainin yung mga pagkain na hinanda saakin. hindi naman kase ako agad nakatanggi kanina kaya hinayaan ko na lamang tutal malapit ko na rin maabos kakapanood at kausap sa kanila. ang ibang girls kase ay nasa kabilang sofa na at nagsisikantahan may pavideokaraoke na sila don habang si Kelsey at Hiro na kanina ay kinakausap ako ngaun ay naglalampungan na.
nilingon ko sa kabila si Aidan na napabalin na din sakin. tumaas ang kilay nya sakin habang ako napanguso lang dito nang bumaba ang tingin niya sa mga nakain ko sa lamesa saka ito napangiwi at tumayo na sa kanyang pwesto.
agad naman akong napaayos ng upo dahil patungo na siya sa gawi ko. nang nasa harapan ko na siya saka siya tumingin sa kanyang relo bago muli akong balingan.
"tara na. nakakarami ka na." aniya na ikakunot ko dito.
"huh? hindi ako lasing, saka hindi naman ako uninom ng madami." aniya ko.
"kaya nga masyado ka ng nakakarami ng kain kaya iuuwi na kita. kaloka ka hindi ka man lang nahiya sa birthday girl. pati pagkamatakaw mo dinala mo dito." sabe niya.
"hindi ako kumuha niya. binigay nila Disney yan ng kusa no. nakakahiyang tumanggi kaya kinakain ko na lang."
"nahiya ka pa sa lagay na yan ah. hindi ko alam kung may bata ba jan sa sinapupunan mo sa sobrang lakas mo kumain." hasik niya na ikangisi ko lang din.
"pwede naman magkaron kung lalagyan mo." biro ko sa kanya na mas ikangiwi niya sakin.
"bruhilda ka talaga kahit kailan. gusto mo pang lahian kita. halika na. anong oras na at baka hinahanap ka na sa inyo." aya niya na ikailing ko dito samantalang siya ay hinila na ako braso pero dahil palambot lambot siya sa harap ko nakayanan ko itong hilahin kaya napakandong ito sakin na kanya namang ikagulat.
"ay gaga. anong landian yan? ikaw pa talaga kumakandong, Jan. ghosh! baka mapipi niyan si Faye." tili ni Kelsey na agad namang ikakilos ni Aidan ngunit
dahil sa pagkataranta niya muli na naman siyang napaupo sa kandungan ko na mahina ko ng ikadaing dahil sa bigat niya. damuhong to ang bigat!
"ang wild naman pala siya pa kumakandong." rinig kong sabat ni Disney na iritado ng ikatayo ulit ni Aidan.
"tss. wag kayo issue ah. kinikilabutan ako." matinis niyang banggit na ikabusangot ko lang dito dahil sa ngalay binti ko. napwersa sa pag upo niya.
"kinikilabutan pero pasimpleng chansing." komento pa ni Vero na ikairap lang sa kanya ni Aidan bago ako balingan.
"halika na. ikaw may kasalanan kung di mo ko hinila edi sana wala kang iniinda ngayon." maarte niya pang sabe na ikanguso ko dito.
"Iuuwi mo na, Jan?" tanong ni Danica.
"napwersa ata sa pag upo mo si Faye. mas doble dahan na lang muna." ngisi ni Hiro na ikahagikgik muli ni Kelsey kasabay ng mahinang pagtapik pa nito sa binata habang ako ay nakaramdam ng pamumula sa aking muka.
tumayo na rin naman ako at kinuha na ang aking gamit. nang makapag paalam na isa isa sa kanila at saka kumaway sakin sila Danica at Disney habang si Kelsey ay nakangusong sinusundan ako ng tingin. mapupungay na din ang mata nito at halatang tinamaan na.
"bisita ka ulit dito, Faye. ikaw na ang ipapalit namin kay Jandrick." aniya ni Kelsey na ikatango tango ko naman habang si Aidan ay rinig ko pa ang pag imik nito bago na din magpaalam at hinila na ako palabas.
hindi ko na napansin ang oras kaya nang makalababa kami ni Aidan at magtungo sa kanyang sasakyan, madilim na ang kalangitan.
"ang babait pala ng mga friends mo eh no." nakangiti kong banggit sa kanya ng ayusin ko ang aking upo paharap sa kanya.
"oo inggit ka no." pagtataray niya.
"hindi kaya. sabe ni kelsey papalitan na kita sa grupo nila." aniko sabay hagikhik.
"tss naniwala ka naman. last na punta mo na yun."
"hmp, dika sure?" ngisi ko dito na ikairap niya lang sakin bago balingan ang ayos ng aking upo.
"umayos ka nga ng upo mo." aniya.
"ayaw, mas maganda view dito." aniko na muling ikaangat na naman ng sulok ng kanyang labi kaya muli na naman akong napatawa sa reaction niya.
hindi naman talaga mababaw ang kaligayan ko pero pagdating sa kanya onting kilos o react niya lang natatawa na ako.
"san ba bahay niyo ng maibalik na kita sa pinanggalingan mo?" aniya na hindi na ako nilingon.
"reason pa. gusto mo lang mameet yung parents ko." asar ko sa kanya na mas ikalukot ng kanyang muka.
"dream on, girl." maarteng sabe nito na ikahalakhak ko sa kanya.
nagpatuloy lang ang pang aasar ko sa kanya hanggang sa maihinto niya na ang sasakyan niya sa harap ng aming gate.
napanguso pa ako ng matanaw ko ang aming bahay, ayaw ko pang umuwi at makipag asaran pa kay Aidan kahit na ako lang ang nang aasar sa kanya.
"sigurado ka ayaw mo pumasok samin?" aniko na lukot na naman ang muka nang bumaling sakin.
"ikaw masyado kang natutuwa sakin ah. umuwi ka na."
"ayaw mo bang may napapasaya ka? napapasaya mo ako." mahinhin kong tono na ikangiwi na naman niya.
"labas na." taboy niya sakin na ikabusangot ko lang dito bago kalasin ang seatbelt. inabot naman niya yung bag ko sa likod. "salamat. see you, tomorrow, Aidan. ingat ka, aasarin pa kita bukas." paalam ko na ikairap niya lang sakin bago ako lumabas ng kanyang sasakyan.
huminto muna ako sa pinagbabaan ko habang tinatanaw siya paalis. kumaway kaway pa ako hanggang sa hindi ko na matanaw ang kanyang sasakyan.
"anong tinatanaw tanaw mo jan?" agad naman akong napalingon ng marinig ko ang pamilyar na boses ni kuya sa likuran. hindi na namalayan na nasa likuran ko na pala ang sasakyan niya at mukang kabababa lamang.
"wala. ikaw bakit ngayon ka lang?" aniko na tinignan lamang ako head to foot saka ako inangatan ng kilay.
"ikaw ang bakit ngayon lang. madilim na at nakauniforme ka pa din." masungit na nitong sabe na ikatingin tingin ko pa sa paligid para maiwasan lang ang kanyang malalalim na tingin sakin.
"nag...nag group study kame eh. saka nagpaalam ako kay mommy." pagsisinungaling ko na hindi makatingin sa kanya.
"nagpaalam o baka naman manliligaw mo yung—"
"oh! kailangan ko na pala magpalit. sakay ka na sa sasakyan mo kuya patatawag ko na lang si manong para pagbuksan ka ng gate. una na ko, kuya ah." agad kong paalam na ikatawag lang niya sa pangalan ko ngunit hindi ko na nilingon at agad na nagtatakbo papasok ng bahay.