"kuya, dito na lang ako." aniya ko ng matanaw ko na ang berdeng gate ng bagong school na papasukan ko. madaming estudyante na nagsisipasukan na doon at mas lalo lang akong naexcite na makapasok na agad sa loob.
"may parking sa loob, Faye. don na lang kita bababa." aniya ngunit inilingan ko lang ito.
"dito na lang ako, kuya. gusto ko pumasok sa mismong entrance. panigurado iba mapapasukan ko pag sa parking lot mo ko binaba. saka hussle sayo yun kase paalis ka na din naman."
"hindi naman ako nagmamadali. pwede pa kita samahan sa loob kung gugustuhin mo."
"pero kaya ko na mag isa, kuya. kaya okay na ko dito." sabe ko ng maiabot ko na sa likod ang aking bag samantalang si kuya ay nakakunot noo lang akong sinusundan ng tingin ang bawat kilos ko.
"are you sure?"
"sure na sure, kuya. excited na nga ako eh kaya papasok na ako. ingat ka, babye!" agad kong paalam bago mabilis na kinalag ang aking seatbelt at lumabas sa sasakyan ng kuya ko. nakangiti ko ulit na tinanaw ang malaking gate na naghaharang para makapasok sa loob.
pagkapasok ko pa lamang, malawak na field agad ang bumungad saakin. napahinto pa ako sa sobrang mangha ng sumalubong sakin. walang silong ang field kaya ang sikat ng araw ay dumadampi sa mga maliliit na damo na parang alagang alaga dahil sa green na green ang kulay at walang makikita na patay man lang na damo.
nakakatuwang pag masdan dahil bukod sa mahilig ako sa mga halaman na ganito sa bawat gilid ay may mga nakahilerang magagandang halaman. hindi lang matatayog na building ang meron ang school na ito may pagpapahalaga din sila sa mga halaman.
"Hey!" naputol ang pagpapantasya ko ng may marinig akong boses na malapit sakin. nang lingunin ko iyon ay bumungad naman sakin ang isang makisig na ginoo na nakatingin sakin. hindi naman agad ako nakapag respond sa kanya dahil sa pagkamangha ko dito. lalo na sa brown na brown niyang mata at makisig niyang katawan na kayang kaya akong balibagin.
balibagin? bat naman niya ako babalibagin, ang wild naman masyado nun hihi but i like it. charot!
"Hello!" bati ko sa kanya na ikatitig niya lamang din sakin bago ko pa mapansin ang kanyang kamay na may panyong pink na hawak. sa totoo lang hindi naman panyo ang una kong napansin kundi ang mahahaba niyang daliri na animoy kandila sa haba at malinis nitong kuko. grabe ang perfect tignan.
"Here." tukoy niya sa panyong hawak niya na ikabalin ko muli sa kanyang muka. hindi alam kung para san yun ngunit unti unti ko din namang inabot.
"P-para san to?" nautal kong pang sabe.
"Para sa laway mo. masyado mo kaseng pantasya ung mga halaman. fist time lang ba makakita?" aniya na ikaawang ng aking labi at ikakurap kurap ko pa sa kanya.
"huh?"
"Take it. hindi mo na kailangan balik sakin niya. sayo na kung gusto mo." aniya bago ako talikuran ako.
nakanguso kong binalingan ulit ang panyong inabot niya sakin at kahit na ganun pa man ang reason niya sa pag abot sakin ng panyong ito ay unti unti pa din akong napangiti. hindi lang siya ginoo kundi maginoo. feel ko tuloy crush ko na siya. napakaganda naman ng first day ko hihi.
"HELLO, ako nga pala si Julianna Faye Dequenca, sana maging close ko kayo." nakangiti kong pagpapakilala sa kanila na halos karamihan naman sa kanila ay nginitian din ako pabalik at ang iba ay kinawayan pa ako. nang libutin ko ang tingin ko sa kanila ay kusang nahinto ang paningin ko sa makisig na lalaking nakita ko kanina. may maliit itong ngiti sa kanyang labi na nakatanaw din sakin kaya ng mapagtanto ko na siya ung maginoong lalaki ay agad kong inangat ang aking kamay at kinawayan siya na nagpakunot naman sa kanyang noo ng lingunin siya ng iilan naming kaklase.
"take your sit, Ms. Dequenca." aniya sakin ng prof namin at sumakto na ang bakanteng upuan na lamang ay sa katabing upuan nung maginoo. halos humagikgik pa ako sa tuwa ng maupo ako sa tabe niya. kung sinuswerte nga naman ako. first day na first day, biniyayaan agad ako ng wafu.
"Hello, ako yung sa field kanina. naalala mo?" mahina kong bati sa kanya ng makaupo na ako ng maayos sa tabe. nagsisimula na din naman kase magsalita ang prof namin sa harapan. unang klase pa lang naman kaya hindi pa importante ang mga sinasabe kaya okay lang kung daldalin ko muna ang seatmate ko.
"Of course, ikaw lang naman pinag abutan ko ng kaisa isa kong panyo." aniya na hindi ako binabalingan.
"At hindi ko na babalik yun, kase sabe mo okay lang naman if hindi ko ibalik." nakangisi kong sabe sa kanya na ikaangat naman ng kanang kilay niya. aba, tumataray ang seatmate ko. nahiya kilay ko sa kanya ah.
"so, hindi mo nga talaga babalik." aniya.
"oo, sabe mo pwede naman eh." aniko.
"tss, whatever. sayo na kung gusto mo. i can buy a new one."
"na color pink ulit?" tanong ko sa kanya. hindi naman masama na may gamit na color pink ang mga lalaki. kung tutuusin ang kucute nga nila. madalas kase sa mga lalaki black and white ang gusto.
"ano naman kung color pink? problema ka?" aniya.
"wala naman. ang cute lang tignan." ngiti ko pa ding banggit na ikasalubong na ng dalawa niyang kilay dahil sa pagkakakunot.
"cute? muka ba akong tuta, miss?" aniya. err? tuta ba ibig sabihin ng cute?
"no. i mean cute, hindi tuta." aniko na ikaismid niya lang sakin. napanguso naman ako dahil wala pa nga ako nasisimulan pero binadtrip ko na agad siya.
"hindi ka naman tuta eh. mas cute ka pa sa tuta." aniko na sinabayan ko pa ng mahina kong paghagikgik. "ah, ano nga pala pangalan mo? ako si Julianna Faye. pero pede mo naman ako tawagin na lang na Faye, kase pag Julianna parang si mommy lang tinatawag mo. Julianna kase name ng mommy ko. pinagkaiba lang namin is may second name ako. pero buti na nga lang maganda second namen ko kase unang naisip nila is Julianna The Second. diba ambantot pag ganun. kaloka si mommy buti na lang naisip ni daddy ung Faye kaya Julianna Faye na lang pinangalan sakin." pagkwento ko na ikabalin niya lang sakin na ganun pa din ang itsura ng kanyang kilay saka iling iling na binalik ulit ang tingin sa harapan.
Alam ko ang ganitong klase ng tao kapag nagdadaldal ako ibig sabihin lang non ay naiirita na sa boses ko pero dahil gusto ko na siya at isa siya sa mga maginoo sa paningin ko nagpatuloy lang ako sa pagdaldal sa kanya.
"Ikaw, ano pangalan mo? san nagmula ang pangalan mo? alam mo ba kung may mga pangalan ka na pinagpilian ng mga magulang mo?" sunod sunod kong tanong sa kanya.
"Ako talaga si Janice pero dahil may nakitang lawit ang daddy sakin pinalitan niyang Jandrick." sagot niya ng hindi ako binabalingan na ikaawang naman ng aking labi.
"Inakala ng mommy at daddy mo na babae ka?"
"babae talaga ako." sagot niya na ikakunot naman ngayon ng noo ko. babae siya? sa kisig niyang yan babae siya?
"paano ka naging babae eh ang...laki ng katawan mo." mahina kong sambit at mahinang tinusok tusok pa ang kanyang braso para lang makasigurado na agad niyang ikabaling sakin dahil sa pinagagawa ko.
impernes ang tigas ah.
"what i mean is, I'm a man outside but I'm a woman inside." aniya na ikalaglag na ng panga ko dahil sa balitang sinabe niya. hindi naman ako tanga para di iyon maintindihan at ang maginoo sa aking paningin ay isa pa lang dalagang pilipina. pano na yun? i like him, tomboy na ba ako nito?
"prank lang ba to?" hindi ko makapaniwalang banggit.
"bakit muka ba akong blogger? may nakikita ka bang camera? masyado ka bang nabighani sa maganda kong muka kaya di ka makapaniwala?" aniya na sunod sunod kong ikalunok. hindi makapaniwala sa mga sinasabe niya.
"k-kung ganun...bakit bihis lalaki ka pa din?"
"pusong babae ako pero hindi naman basehan na dapat magbihis babae na din ako. masyado kang disappointed, nasira ko ba ang pagpapantasya mo saken?" ngisi niya na muling ikalunok ko na lang ulit bago marahang umiling. ung ngisi niya na nakaukit sa kanyang labi ay biglang nawala ng unti unti akong ngumiti.
"okay lang. gusto pa din kita." pag amin ko sa kanya na siya naman ngaun ang ikaawang ng bibig niya. gusto ko pang mapatawa sa reaksyon niya ng sabihin ko un pero pinilit ko na lang na ngumiti at pigilan ang paghalakhak ko. dahil sa pamumula ng muka niya ay halos makagat ko pa ang labi ko sa pagpipigil.
"what the...are you serious, woman? magtigil ka nga." aniya saken sabay iwas ng tingin at paypay sa sarili niya gamit ang kanyang kamay. natawa naman ako sa reaction niya kaya tumahimik na lang muna ako at pinakalma muna siya.
natapos ang buong klase na puro daldal lang ako sa kanya. hindi na naman siya umimik sakin at hinayaan na lang ako magdadaldal kaya ng sumapit ang lunch napag isip isip ko na sumunod na lamang sa seatmate ko. wala akong ibang kakilala dito at kung meron man gustong makipagkilala ay willing naman ako makipag kaibigan ngunit hindi pa din magbabago ang plano ko na sumama sa kanya.
"san ka? sama ako ah." pinal kong sabe sa kanya na ikaangat naman ng kanyang kilay saakin.
"wala ka bang kaibigan? hindi ko kailangan ng alalay ngayon." aniya na ikangisi ko sa kanya.
"alam mo namang bago pa lang ako dito at ikaw pa lang close ko kaya sayo ako ngayon sasama."
"excuse me, are we close?" pagtataray niya na ikanguso ko rito at agad na dumikit sa kanya.
"okay na ba to? close na ba tayo?" pang aasar ko sa kanya at mas lalo pang dinikit ang sarili sa kanyang braso. nakangiwing tinulak niya naman ang noo ko palayo sa kanya kaya natawa ako pati na din sa naging reaction niya.
"seriously? humiling ako ng may makakasama sa next school year pero diko hiniling na gantong kakulit at daig pang chismosa sa sobrang daldal." aniya na ikangisi ko lang lalo ulit sa kanya. iling iling niyang sinukbit ang kanyang bag sa kanyang balikat bago naunang lumabas ng silid habang ako naman ay sinundan siya. sa haba ng biyas niya nakayanan ko pang pantayan ang paglalakad niya kaya tuwang tuwa ako lalo nat madami kaming atensyon na nakukuha sa mga estudyante.
mukang kilala sa school ang seatmate ko dito ah. daming babae na napapalingon kahit dalagang pilipina din. kung tutuusin miski din naman ako nabihag. sa tindig at porma niya lalaking lalaki. pero kahit na ganun....crush ko pa din siya.
"sikat ka dito, Aidan?" tanong ko sa kanya kahit obvious naman sa mga babaeng napapalingon sa kanya. nakakunot ulit ang noo niya ng balingan ako habang deretso lang kame sa hindi ko alam na destinasyon namen. sinusundan ko lang siya kung san tutungo.
"how did you know my second name?" mataray ulit nitong tanong sakin.
"inalam ko shempre." ngisi ko sa kanya na ikasalubong lang lalo ng kilay niya sakin. mas lalo siyang gumagwapo sa itsura niyang yun. nakakainspired tuloy na asarin siya lalo.
"nakita ko sa notes mo. nakalagay don full name mo. Jandrick Aidan T. Sandejas. pangalan mo pa lang nakakakilig na." aniko na ikalawak ng ngiti ko dahil sa pagngiwi niya sakin na animoy hindi nagustuhan ang sinabe ko.
"wala ka bang jowa, ineng? kase kung wala pasensya na. hindi tayo talo." derekta niya sakin na ikatawa ko naman sa kanya.
"tama ka. wala pa akong jowa at hindi pa nagkakaron. feeling ko nga tomboy ako eh." aniya na ikalingon niya ulit sakin. tinignan niya pako mula ulo hanggang paa.
"tomboy sa lagay na yan ah? tomboy na may full bangs?"
"oo kaya. ngayon ko lang napagtanto na tomboy ako kase nagugustuhan kita." sabe ko sa kanya na muli kong ikatawa dahil sa muling pamumula ng muka niya. dalawang beses na namula ang muka niya at nagmumuka siyang kamatis na ewan.
"andali mo namang pakiligin." halakhak ko sa kanya na ikadaing ko din kalaunan dahil sa bigla niyang pagpitik saaking noo.
"gaga! kinikilabutan ako sa mga sinasabe mo. parang ayoko na lang dumeretso sa canteen at sa simbahan na lang para ipabasbas ka." hasik niya na ikahagikgik ko lang sa kanya.
"nahiya ka pa. sabay na lang tayo magpabasbas tutal pede na naman tayo mabasbasan dahil nasa legal age na tayo." asar ko ulit sa kanya na ikailing niya lang sakin bagong pikon akong iniwan at naglakad na ng mabilis. tawang tawa naman akong sinundan siya hanggang sa makasabay ulit ako sa kanyang paglalakad na hindi pa din bumabalik sa normal niyang lakad.
"Magandang Umaga, everyone!" masigla kong bati sa aking magulang at kuya ng maabutan ko na sila sa sala na handang handa ng kumain. bumalin sakin na may matamis na ngiti si mommy ng malapag niya na sa lamesa ang kanyang niluto habang si Daddy at Kuya ay tinanguan lamang ako.
dahil mahaba ang tulog ko kagabe at maganda ang aking gising binigyan kong tunog ang paghalik ko kala mommy at daddy. miski kay kuya na hindi ko na gaano nabibigyang ng halik sa pisngi ay nabigyan ko rin na nagpabusangot sa kanya kaya mahina akong natawa dahil sa itsura niya na tulad lang din ni Aidan.
"Mukang maganda ang gising ng anak ko ah." nakangiting aniya saken ni mommy ng makaupo na kami sa mga pwesto namin.
"May kailangan lang yan, my. o kaya may nagawang kasalanan." si kuya na ikanguso ko dito.
"Wala kaya. good girl ako kahapon kahit na ngayon at sa susunod na araw." aniko.
"then, how's your first day?" tanong ni dad na ikangiti ko ulit ng pagkagalak galak.
"okay naman, dy. mababait ang mga kaklase ko at may close na din ako." sabe ko na ikahagikgik ko pa dahil naalala ko ang muka ni Aidan.
"mabuti naman at ganun." si mommy.
"siguro may binwisit ka na naman na kaklase mo don." akusa sakin ni kuya na ikanguso ko dito dahil guilty ako pero diko aaminin yun.
"wala kaya no. good girl ako kahapon. hindi nga nag discuss prof namin eh pero nakinig pa din ako." pagsisinungaling ko dahil hindi naman talaga ako nakinig wala nga ako maalala ni isang salita na sinabe ng prof namin. masyado akong akupado sa pagdadaldal at pagtingin sa seatmate ko.
"mabuti't nagustuhan mo ang skwelahan mo. sisiguraduhin ko ng doon ka na makakapag tapos para hindi ka na mahirapan kakaadjust." aniya ni daddy na agad ko lamang ikatango. hindi na naman unang beses na lumipat ako ng skwelahan. pang lima na nga ito kung tutuusin dahil sa tuwing nadedestino sa ibang lugar si daddy nalilipat din kami ng tinitirhan. okay lang naman saamin yun dahil ayaw din namin nalalayuan si daddy pero sana nga mag stay na muna kami dito for goods. para naman makabonding at maasar ko ng matagal si Aidan.
"sasabay ka ba sakin, faye?" tanong ni kuya ng matapos ang aming agahan. nakasoot na ako ng uniform ko at ready to go na ko ngunit nung silipin ko ang orasan ay masyado pang maaga para pumasok.
"hindi na, kuya. kay mommy na lang ako sasabay." aniko.
"sa shop pupunta si mommy kaya paano ka makakasabay?" si kuya.
"kaya nga ako sasabay kasi sa shop pupunta si mommy eh." aniko kaya nagpailing iling to sakin ng mapagtanto niya siguro kung bakit ko gusto sumabay na lamang kay mommy. dadaan kase sa shop ng tita ko si mommy at kapag sumama ako panigurado na hindi ako makakalabas don ng walang dala. kaya nga gusto ko sumama dahil gusto ko makapag baon ng mga cupcakes ni tita. sarap na sarap pa naman ako sa mga binebake ni tita at gusto kong mapatikim yung kay Aidan.
"hindi na ako magtataka bat malulugi shop nila auntie." iling iling niyang sabe na ikabusangot ko dito.
"hindi naman ako araw araw pumupunta don no. saka ako atleast sa tiyan ko napupunta hindi tulad nung isa jan ginagawang bulaklak ung cupcakes para manligaw." pagpaparinig ko na matalim na ikatingin sakin ni kuya samantalanag binelatan ko lamang siya. kala niya ah. nahule ko kaya siya nung nakaraan. kasama niya si Ate Kaycee. kunyare pang kameeting niya pero nanliligaw na pala.
"may nililigawan ka na, Matthew?" aniya ni mommy na kalalabas lang ng kusina at mukang narinig ang bangayan namin sa loob. kunyareng painosente naman ako at walang alam ng maramdaman ko pa din ang talim ng tingin sakin ni kuya. nahihiya na malaman ni mommy.
"wala ho, my." tanggi ni kuya.
"eh si kaycee. hindi mo ba gusto yon? maganda at mabait na bata yon." pangrereto na ni mommy na ikangisi ko naman kay kuya.
"my, hindi mo na kailangan ireto kase kumikilos na si kuya."
"Faye!" sita sakin ni kuya na ikanguso ko lang sa kanya at agad na nagtago sa likod ni mommy.
"nanliligaw ka na kay kaycee, anak?" agad na tanong ni mommy na ikabusangot lamang ulit ni kuya.
"hwag kayo maniwala kay, faye. Kaycee is my friend." si kuya.
"ay na friend zone ka, kuya?" inosente kong tanong na ikapanlisik na sakin ni kuya ng tingin habang ang kanyang tenga ay namumula na. pigil akong tumawa habang si mommy ay napailing na lang saming dalawa.
"haynako. kayo talagang dalawa. ikaw na bata ka masyado mong minana ang pagkamakulit at mapang asara mo sakin. samantalang itong kuya mo manang mana sa daddy niya na pikunin." natatawang sabe ni mommy na ikatawa ko din.
"My!!" asik ni kuya na masama na din tingin kay mommy na ikatawa lang ulit namin ni mommy.
"napagtripan ka na naman ng dalawa jan. bakit di ka na lang kasi pumasok agad." aniya ni daddy na kabababa lang galing second floor. nakabusangot na inabot lamang ni kuya ang coat niya sa sofa habang si mommy ay marahang bumitaw muna sakin at nilapitan si kuyang halatang napikon na.
"ikaw talaga. paano mo mapapasagot si kaycee niyan kung mabilis ka mapikon." nangingiting aniya ni mommy kay kuya habang inaayos ang nagulo niyang necktie.
"hindi ko nga ho kase nililigawan yun. tsk." si kuya na ikahagikgik ko sa itsurs niya. ambibilis talaga mapiko ng mga lalake. parang si Aidan lang.
"osige hindi na. nagbibiro lang eh. ito talagang panganay ko manang mana talaga sa daddy." aniya ni mommy sabay kurot sa pisngi ni kuya ng matapos ayusan.
"at itong bunso naman naten manang mana sayo. parehas mapang asar. tss." sabat ni daddy na ikangisi ko lang bago kumapit sa braso niya para makapag sabay sabay na kaming lumabas ng bahay.
dahil iba iba kaming way ay tatlong kotse ang ginamit isa kay kuya at daddy habang sabay naman kami sa isang kotse ni mommy. binilinan pa ni daddy si mommy na mag ingat mag drive bago kami makaalis kaya ng nasa byahe na kami ni mommy ay nagpatugtog na lamang ulit ako at sinabayan ng pagkanta. marami kaming pagkakaparehas ni mommy kaya pagkami ang magkasama sa byahe ay expect ng maingay ang loob ng sasakyan dahil parehas na kaming bumibirit ni mommy.
hindi naman ganun kalayo ang shop ni tita kaya ng salubungin kami ng matatamis na amoy ng shop ay naramdaman ko na agad ang pagkulo ng aking tiyan kahit na kakakain ko lamang.
"hello, tita!" masigasig kong bati kay tita ng salubungin niya kame sa loob. wala pang gaanong tambay sa loob dahil sa ganitong oras puro walk in lang muna ang customer at walang nag iistay.
"hello, sa napakaganda kong pamangkin. mabuti at dinala ka ng mommy mo dito sakto may bago kaming labas na cupcake." aniya na ikangiti ko.
"ang swerte ko naman at nasaktuhan ko iyon, tita." aniko na ikatango tango niya naman at agad akong ginabayan patungo sa may kahera. doon niya pinautos ang mga cupcake na babaunin ko kaya habang prineprepare ay naupo muna kame nila mommy sa tabe.
"dito na ba kayo for good, Julianna?" tanong ni tita kay mommy na ikatango naman sa kanya ni mommy bilang sagot.
"gusto na ni Matias na dito na makapag tapos si Faye. ilang skwelahan na rin naman kase ang nalipatan niya. college na si Faye kaya kailangan mag stay na din siya sa iisang skwelahan ng hindi mahirapan." si mommy.
"sabagay may punto nga naman. mahirap mag habol lalo na kung lilipat ulit ng skwelahan dahil may ibang school pa naman na iba ang curriculum baka mahirapan siya kakahabol sa mga subject niya na hindi nya pa natetake."
"first day niya na naman sa school niya kahapon buti at maayos na naman siya don."
"panigurado doon na din makakahanap ng jowa ang pamangkin ko. may lovelife na nga ba, faye?" balin sakin ni tita na ikainit naman ng muka ko at dinaan sa pangiti ngiti.
"wala pa po, tita."
"pa? may balak na ang pamangkin ko." tuwang tuwa na sabe ni tita na ikainit lalo ng aking muka. tama naman siya sa ngayon wala pa. nagdadalaga pa lang kase yung gusto ko. kailangan ko muna magpakatomboy para mapatulan ako.
"hindi naman ako hadlang sa pagjojowa mo, faye. pero kung meron ka na nagugustuhan gusto ko na din sana makilala." ngiti sakin ni mommy na ikanguso ko lang sa kanya.
"wala pa po, my. crush ko pa lang eh." mahina kong sabe na animoy batang umamin na ikatawa saakin ni tita habang si mommy naman ay nadala na din sa tawa ni tita.
"haynako, Julianna. dalaga na nga itong anak mo." aniya ni tita na ikangiti lang ni mommy bago ko maramdaman ang paghawak niya sa aking kamay.
"dito ka na ba pumapasok, Faye?" tanong ni tita ng tanawin niya mula sa loob ng sasakyan ang gate ng skwelahan ko.
"opo, tita. papasok na ako, my. salamat ulit sa pabaon, tita. sa susunod ulit." aniko na ikatango at tawa naman sakin ni tita. muling kumaway pa ako sa kanila bago mabilis na nagtungo papasok sa gate.
kalahating oras pa bago mag start ang klase namin at pagpasok ko pa lamang sa classroom namin iilan pa lamang ang nasa loob. wala pa doon ang inaasahan ko ng makita agad sa silid ngunit tumuloy pa din ako sa pagpasok.
"hello! Julianna, right?" bati sakin ng isa sa mga kaklase kong babae. ngumiti ako sa kanya at tumango bilang tugon.
"Julianna Faye, pero mas okay lang kung Faye na lang." aniko.
"ang haba naman ng faye na lang." aniya na ikanguso ko pero di rin nagtagal ay sabay din kaming napatawa.
"faye kase yun." aniko.
"yeah, yeah. i'm veronica." pagpapakilala niya kasabay ng pag angat ng kanyang kanang kamay. kinamayan ko naman agad yun saka muling ngumiti sa kanya. muka siyang maldita sa itsura niya pero mukang kabaligtaran naman yun ng ugali niya.
"napansin ko kahapon yung closeness niyo ni Jandrick. alam mo na ba yung about sa kanya?" aniya. anong about sa kanyan? ang pagiging dalagang pilipina niya?
"ano yung tungkol sa kanya?" hindi ko naman kase alam kung lantad na sa kanila ang pagiging dalagingging ni Aidan kaya ayoko agad magsalita.
"well, he's gay. pinaalalahanan na kita kase madaming nahuhumaling kay Jandrick. baka isa ka sa mga mabigo kapag huli mo na malaman ang totoong siya."
"ganun ba? pero okay lang naman magkagusto sa kanya diba? wala naman siyang jowa eh no?" aniko na ikaawang naman ng kanyang labi na tila nagulat sa aking nasabe.
"you liked him? kahit na...kahit na gay siya?"
"may mali ba don?"
"of course not. nabigla lang ako kase you know. kahit na ganun siya nagustuhan mo pa din." aniya na ikangiti ko lang sa kanya.
"wala namang mali. tanggap ko kahit ano pa siya." madrama kong sabe na ikangisi niya sakin.
"goodluck sayo, girl. ikaw pa lang yung babae na nakakalapit at nakakausap siya ng ganun. madalas kasi maldita yun sa ibang babae." aniya. shempre maganda ako eh.
"talaga? miski din ba ikaw sinungitan na niya?" tanong ko na ikaangat naman ng kanyang kilay.
"hindi pa no. subukan lang niya baka makatikim siya sakin." aniya na ikatingin ko lamang sa kanya. magkakilala ba sila? err...malamang siguro dahil baka magkaklase na sila nung last year. "andyan na yung crush mo." tapik niya sakin na agad ko namang ikalingon sa may pintuan. parang modelong pumasok doon si Aidan habang ang strap ng bag niya ay nakakapit sa kanyang katawan at ang kanang kamay ay nasa loob ng bulsa.
agad ding nagtama ang aming paningin na nagpakunot pa ng kanyang noo ng bumaling siya sa tabe ko kaya napabaling din ako kay veronica na nakangisi lamang sa kanya. nang lagpasan niya ang pwesto namin ay agad naman akong sumunod at halos sabay pa kami naupo sa silya kaya ng balingan ko siya ay gulat akong umirap ito sakin. aba. ang taray talaga nitong dalagingging nato.
"nag upgrade na yang mata mo ah, parang kahapon lang tinataasan mo lang ako ng kilay ngayun iniirapan mo na ako." aniko na hindi niya naman pinansin kaya napanguso ako dito ngunit ng maalala ko ang dala dala kong basalubong sa kanya ay agad kong dinala ang bag ko sa aking kandungan at saka ito kinalkal para kunin ang pagkain sa loob.
"siguro di ka kumain kaya daig mo pa may regla sa sobrang sungit." aniko sa kanya bago ko mailabas ang magandang tupperware na pinadala sakin ni tita na may lamang mga cupcakes. "ito hati tayo."
"ano yan? lason?" aniya na ikangiwi ko sa kanya.
"hati nga tayo tas lason? edi na tegi din ako kung may lason yan. pede pa gayuma para magkagustuhan na tayo sa isat isa." ngisi ko sa kanya na siya naman ngaun ang napangiwi.
"ayoko niyan." agad niyang sabe na ikailing ko dito at nilagay mismo sa kanyang desk ang tupperware.
"hindi mo pa nga nakikita ayaw mo na agad. masarap kaya yan."
"o bat dimo kainin."
"hati nga tayo diba. kulit."
"ikaw ang makulit ayoko nga diba." pag iinarte niya pa.
"tsk. ang arte ah. dinala ko yan para sating dalawa kaya hatian mo ako. pag natikman mo yan baka magbago isip mo. baka bigla mo na lang ako icrushback." ngisi ko sa kanya na agad ko din ikadaing ng pitikin nito ang noo ko.
"ano bayan?" irita niyang tanong na muli kong ikangisi.
"ayiee, gusto niya nga talaga akong icrushback." pang aasar ko sa kanya na ikatalim naman ng tingin niya sakin kaya mahina akong napahagikgik at agad na inangat ang kamay ko na naka piece sign. "joki joki lang." biro ko at agad na binuksan ang tupperwear. mabuti na lang at hindi nasira ang design ng cupcakes kaya maayos pa din tignan.
"cupcake?"
"ay muka bang hindi?" aniko na muli niya na namang ikapanlisik sakin kaya dinaan ko na lang yun sa tawa. "cupcake nga kasi yan. gawa ng tita ko. may shop kase siya tas kapag bumibisita ako palagi akong may dala niyan pauwi or kung papasok ako sa school. tikman mo masarap." aniko at kinuha ang color blue na iciang sa tuktok.
"ayoko niyan gusto ko yung pink." aniya na ikanguso ko dito dahil gusto ko din ng pink.
"blue na lang sayo parehas lang ng lasa yan magkaiba lang ng kulay." aniko na ikasalubong lang ng kilay nito halatang ayaw niya ang kulay na yun.
"pink ang gusto ko."
"sakin na kase yun."
"ayoko niyan. pink nga sabe."
"hindi bagay sayo yung pink kaya sakin ang pink." pakikipagtalo ko at inabot na sa kanya yung blue pero di niya to kinukuha.
"at sayo bagay? hindi rin kaya aken yung pink."
"bagay lang sakin yun kase babae ako."
"bakit ako hindi? dalagang pilipina din ako." aniya. aba.
"tunay naman ako dahil wala akong tweety bird." paglaban ko na ikatahimik niya naman at unti unting ikamula ng kanyang muka habang mariin naman akong napakagat ng labi dahil sa aking nasabi. tweety bird?
"you...you brat, how dare you...how—hmmp!"
"sowi na, masarap din naman tong blue." aniko ng derekta ko ng isubo sa bibig niya yung cupcake. masama ang tingin niya sakin habang nginunguya ang cupcake na isinubo ko sa kanya kaya nginitian ko na lamang siya pampalubag loob.
"ang sarap diba." nakangiti kong sabe sa kanya ng maubos namin ang tagdalawang cupcake. inagawan pa nga ako ng pink sa pangalawa pero hinayaan ko na lang baka mag alburoto na sa galit.
"not bad." komento niya.
"oy! tita ko nag bake niyan kaya wag na wag mo sasabihin sa kanya yan dahil masarap naman talaga." aniko sa kanya na ikairap niya lamang. kinuha ko sa bag ko yung tumbler ko ngunit ng buksan ko ito walang laman at mukang hindi ko ito nalagyan kanina bago ako pumasok.
napatingin ako sa gray na tumbler ni Aidan ng ilapag niya yun sa kanyang desk. katatapos niya lang uminom at paniguradong may laman pa iyon kaya agad kong kinalabit ang braso ng dalagingging saka nag beautiful eyes sa kanya.
"anong itsura yan?" ngiwi niyang sabe na ikanguso ko naman dito.
"nauuhaw na ako."
"muka ba kong may dalang water station?" pambabara niya sakin.
"nakalimutan ko lagyan ng tubig yung tumbler ko." nakasimangot kong sabe sa kanya.
"tapos? kasalanan ko?" aniya pa na ikangiwi ko lang dito bago muling napabalin sa kanyang tumbler. hindi na ulit ako umimik at basta na lang inabot ang kanya at agad iyon ininuman na nagpasinghap sa kanya bago ako mabitin sa tubig ng basta niya na lang to bawiin sakin. tumulo pa sa baba ko tubig kaya agad ko tong pinunasan gamit ang panyo niya na nasa desk niya lang din.
"pota!"
"wag kang madamot ah, pinakain kita ng cupcake ko." hasik ko sa kanya na ikapula muli ng kanyang muka at rinig ko pa ang sabay sabay na pagsinghap ng mga kaklase ko na marahang ikalingon ko sa kanila. nakatingin sila saamin ni Aidan at halatang gulat ata sa narinig nila mula sakin. nang balingan ko muli si Aidan ay agad na itong tumayo at nagtungo palabas ng classroom.
samantalang ako ay tipid na nginitian ko lamang ang mga kaklase ko. hindi alam kung papaliwanag ko pa ba ang nangyare o wag na lamang...
-- --