TWENTY: BAKIT HINDI MO NA LANG PILIIN PAREHO?

4288 Words
Fe's Kinabukasan niyon ay maaga kaming umalis ng bahay para pumunta sa beach. Isa sa mga beach na pupuntahan namin ay pag-aari ng pamilya namin. I remember na na nagkaroon pa ng pagtatalo ang may-ari ng Zaminican at ang pamilya namin dahil sa beach na ‘to. Pero sila pa rin ang sumuko. Naisip ko no’n ay baka dahil sa pinsan ko na si Tharina. Iba ang tingin sa kaniya no’ng lalaki na parte ng Zaminican.  Anyway, kung ano man ang nangyari sa kanila no’n, sila na lang ang nakakaalam.  "Do you like beaches?" tanong ko sa anak ko habang nasa biyahe kami. Hindi naman namin kasama si Dad. May kailangan siyang gawin sa opisina at naiintindihan namin iyon. Kaming tatlo lang ni Mommy ang magkakasama. I am so excited, marami akong gustong gawin sa beach... with my son. I love my son so much; I am really glad that he's here now. Hindi na ako palaging umaasa sa picture niya upang makita lamang siya. Ngayon na nandito na siya ay ang saya-saya ko na. Masaya ako at natupad na ang pangarap ko... ang na-ibalik na ang anak ko sa akin. Dito na kami dumiretso sa pinakamalapit na beach. Hindi na kami lumayo. Tumango sa akin ang anak o. We're on the backseat and she's leaning his head on my shoulder. "Yes, Mama. When we're in States, we used to go to beach," sabi niya sa akin. Bigla naman akong may naalalang i-tanong sa kaniya. "Inaalagaan ka ba ng mabuti ng Daddy mo?" I asked. Tumango-tango naman sa akin ang anak ko. "Yes Mama, he's kind. He takes care of me very well, and also he loves Mommy Paula so much," sabi niya. "I never see them fight. I never see them yell at each other," dugtong nito. Napangiti na lang din ako. "That's good to hear," I said to him. Totoo ang sinabi ko. Kahit papaano ay medyo natutuwa rin ako na ganoon pala ang naging relasyon nila. Halata naman nga na mahal nila ang isa't isa. Nang makita ko sila na magkasama na um-a-attend ng hearing ay masasabi ko talaga na mahal nila ang isa't isa. Bakit nga naman papakasalan ni Zachary si Paula kung hindi niya naman talaga ito mahal. My two exes are in love with each other. My ex-best friend is really in love with my ex-boyfriend. "Are you mad at them?" tanong nito sa akin. Umiling-umiling na lang ako. I kissed him on his temple. "No, son," I said to him. Nagkuwentuhan lang kami habang nasa biyahe kami. Minutes later ay nakarating na kami sa beach. We parked the car that we used to the parking lot. Tinulungan kami ng driver naming upang ilagay ang mga gamit namin sa hotel room na ibi-nook ni Mommy kagabi pa. "Mauuna na kami ni Klei, ha! Sumunod ko na lang," sabi sa akin ni Mom. Tumango naman ako sa kaniya. "Sige, Mom. Mauna na kayo. Aayusin ko lang po ito," sabi ko na lang. Inaayos ko kasi itong dala kong bag. May nahiwalay kasi. Kailangan ko lang hanapin iyong bracelet ko. Nakasama kasi iyon nang ilabas ko iyon upang ibigay kay Mommy ang ID ko. Nalagay ko pala kasi iyon sa wallet ko. At sabi rin ni Mommy ay nakita niya nga na naroon ang bracelet ko. Tapos nahalo niya raw yata sa ibang gamit ang wallet Hindi ko na kasi masyadong isinusuot iyon sapagkat napigtas na iyon, but, it's now important to me that's why I am now finding it. I sighed. Nang mahanap ko na ito ay napangiti na lang ako. Nag-decide na rin ako na pumasok sa beach resorts pero natigilan naman ako nang may mapansin akong kakaiba sa parking lot. Napakunot ang noo ko. I saw a familiar car there. Nanliit naman kaagad ang mga mata ko nang bigla kong ma-imagine ang sarili ko na nakasakay doon. Napa-iling-iling ako. No, imposible. Naglakad na lang ako papasok sa beach resort. Hindi pa man ako nakakarating sa may hotel ay nakita ko si Mommy. Nakaramdam ako ng pagtataka. Anong nagyayari? Naglakad lang ako papalapit sa kaniya. Nababalisa siya. Hindi ko alam kung ano ang nangyari. Nang tuluyan na akong makalapit sa kaniya ay tinawag ko si Mom. Bigla na lang akong nakaramdam ng kaba nang mapansin ko na hindi niya pala kasama si Klei! "Mom, n-nasaan si Kleizer?" tanong ko sa kaniya. Nilingon niya naman ako. "Nandito lang siya sa tabi ko kanina, tapos nilingon ko siya, wala na," sabi sa akin ni Mommy na dahilan upang manlaki ang dalawang mga mata ko. "Nandito lang 'yon si Klei sa loob ng beach. We'll find him," sabi ko pa. Imposible naman kasi na lumabas ito dahil nga galing ako sa entrance. Hindi ko naman siya nakasalubong kanina. Kinalma ko lang ang sarili ko kahit na ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Nagsimula na kaming maghanap ni Mom, naghiwalay pa kami para mapabilis ang paghahanap. Bakit naman lalayo si Klei? Nagtatanong-tanong din ako kung nakita nila ang ang anak ko. Iyong iba ay hindi alam pero iyong isa ay sinabing nakita niya ang anak ko na papunta sa daan papuntang restaurant. Napakunot ang noo ko. Nagugutom ba ang anak ko? Bakit hindi kaagad siya nagsabi? Nagsimula na akong maglakad papunta sa nasabing restaurant. Nakaramdam naman ako ng luwag sa dibdib nang makita ko ang anak ko. Nakatayo siya at nakaharap sa akin. Nginingitian niya. Sabi na at nandito lang siya sa loob ng resorts. Hindi naman siya lalayo. Pero kinabahan talaga ako kanina no'ng makita ko na hindi siya kasama ni Mommy. "Bakit ba hindi ka man lang nagpaalam?" tanong ko na lang sa kaniya. As if, naman masasagot niya. May distansya pa rin sa pagitan naming dalawa at halos pabulong ko lamang na sinabi iyon. May lalaki sa likod niya na naglalakad na papalayo sa amin, hindi ko naman na pinansin. Naglakad lang ako papalapit sa anak ko pero nanlaki ang mga mata ko nang mapansin ko na parang hindi maayos ang kaniyang tayo. Humakbang din siya papalapit sa akin at napansin ko na talaga na may mali. Iika-ika ito at pilay! Tumakbo na ako papalapit sa kaniya at agad siyang inalalayan. "Klei, what happened to your leg?" I asked him. Ngumiti lang siya sa akin. "I am okay, Mama," mahinang sambit niya. Hindi ko naman talaga maiwasan makaramdam ng kaba. Nagsimula na akong suriin ang buong katawan niya. Anong nangyari?! Anong nangyari? Mas masakit ba sa kaniya? "Bakit ka pilay? OMG! Tumawag kayo ng ambulance! BILIS! BILIS!" Ang lakas ng dibdib ko. Baka napano na ang anak ko. Hindi ko na alam ang sunod kong gagawin. Ang daming mga bagay na pumapasok sa isip ko. Baka napano na ang anak ko! Bakit siya pilay?! "Mama, calm down, he's ㅡ" tinuro niya iyong lalaking nasa likod niya at nakatalikod sa akin. Natigil pala siya sa paglalakad ngunit nakatalikod pa rin siya sa akin. He seems familiar to me pero hindi ko na lang pinansin at inisip iyon. Nag-init ang lang ang ulo ko sa kaniya. Nakaramdam ako ng inis at galit. Anong ginawa niya sa anak ko?! "IKAW!" I shouted to catch his attention. Ang kapal ng lalaking ito! Siya ba ang dahilan kung bakit pilay ang anak ko? Hindi niya ako nilingon kaya lalo pa akong nainis. "LALAKING NAKATALIKOD, HUMARAP KA SA AKIN! PUTANG*NA MO?! ANONG GINAWA MO SA ANAK KO? ANG KAPAL-KAPAL NG MUKHA MO!" sigaw ko sa kaniya. Sa sinabi ko na 'yon ay dahan-dahan niya na akong nilingon. My eyes widened... I thought it's impossible, but it's really possible. Cadie... "Yes, Miss, alam ko na makapal ang mukha ko simula nang may mabangga ako," sabi niya sa akin. Ngumisi pa siya sa akin. Bigla naman akong napalunok. "W-What a-are you doing h-here?" may pag-aalangan ko pang tanong sa kaniya. Para akong naging maamong pusa nang makita ko siya! Iyong init ng ulo ko, biglang lumamig. Nanlalamig na nga rin ang kamay ko. Hindi ko inaasahan na makikita ko siya ngayon. Kaya pala sobrang pamilyar iyong sasakyan kanina sa may parking lot dahil sa kaniya iyon.  Hindi ko lang pinansin kanina pero pamilyar din ang tindig niya. Kasi ang nasa isip ko ay kung napano na ang anak ko. "I want to unwind," sagot niya. Malamig ang dating niyon sa akin, at aaminin ko na may impact. Hindi ko lang maintindihan kung ano. Hindi naman na ako nakasagot. "Is he your son?" he asked me. Tinutukoy niya ay si Kleizer na nasa tabi ko lang. Tumango naman ako. Tumingin sa kaniya ng diretso sa mga mata at parang gusto ko na lang maiyak. Hindi ko rin maiwasang tanungin ang sarili ko kung tama ba ang naging desisyon ko. "Yes..." nag-aalangang sagot ko. “Why did you say bad words to him? He helped me.” Napatingin lamang ako kay Klei nang magsalita siya. My heart throbbed. What is wrong with me? "R-Really? Did you say 'thank you' to him?" I asked him. Tumango lang sa akin si Klei. "Of course. Stop worrying, I am fine." Napatango naman ako sa anak ko. Bumaling ulit ako kay Cadie pero tinalikuran niya na kami. Pinigilan ko ang sarili ko na huwag siyang tawagin pero hindi ko nagawa. Gusto kong maiyak na naman. He turned his back to me, again. Naalala ko 'yong araw na pumunta siya sa bahay at sinabi ko sa kaniya na hindi na dapat kami muling mag-usap. Natatakot ako na baka sa mga susunod na araw ay hindi ko na siya ulit makita. Katulad no'ng araw na iyon, hindi ko na siya nakita ng ilang linggo. Hindi niya man lang ako tinawagan o pinuntahan ulit sa bahay. I mentally sighed. "Cadie, wait," I called him. Kaagad naman siyang lumingon sa akin. Pinigilan ko ang sarili na mapakagat-labi. Hindi na lang ako tumingin ng diretso sa mga mata niya para hindi ako tuluyang ma-iyak. "Thank you," sabi ko sa kaniya. Nagpapasalamat ako sa kaniya kasi tinulungan niya ang anak ko. Katulad lang ng sabi ni Klei. Pero iyong sagot niya sa akin, iba ang naramdaman ko. "Thank you too," he smiled at me. Nakita ang pait sa mga ngiting iyon. Hindi ko maiwasang mapalunok. "For everything," dugtong niya sa akin bago ako tinalikurang muli. Tuloy-tuloy na ang paglakad niya papalayo sa akin. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin. Parang bumalik lang talaga ako sa eksena no’ng pumunta siya sa bahay. Gusto kong maiyak pero pinigilan ko lang ang sarili ko. This isn’t the time para magdrama ako. Lalo pa’t nandito sa tabi ko ang anak ko. “Are you okay, Ma?” Tumingin ako sa kaniya at pinilit na ngumiti. “Yes, I am.” “I don’t understand why he thanked you,” sabi pa ng anak ko. Hindi naman ako kaagad nakasagot. “Do you know him?” tanong niya sa akin. Tumango lang ako sa kaniya at hinimas ko ang buhok niya. “Yes, I know him,” sabi ko sa kaniya. “I think, he’s kind. I like him,” sabi lang ng anak ko. I blink a few times. Tama ba ang naririnig ko? “Tatawag ako ng ambulance,” sabi ko na lang sa kaniya. Sinuri ko lang muli ang kaniyang binti. Para mas safe ay dadalhin ko siya sa hospital. “I don’t want to go to the hospital,” sabi niya. Umiling naman ako sa kaniya. “You need to go there, pilay ka,” sabi ko. Wala naman na siyang nagawa. Inalalayan ko siya habang naglalakad kami papunta sa hotel room namin. Nakasalubong namin si Mommy at labis siyang nagtaka kung ano ang nangyari kay Klei. I sighed. Habang hinihintay namin ang ambulansiya ay hindi pa rin mawala sa isip ko si Cadie. Iyong sinabi niya, pina-salamat-an niya ako sa lahat. Doon na ba talaga nagtatapos ang lahat ng iyon? Ba-baliwalain ko na rin ba ang nangyari sa aming dalawa sa unit ko? Hindi ko na alam. I told myself that I will give my full attention to my child. Hindi muna talaga siguro ako pumasok sa relasyon. Hindi ko na muna kailangan ng commitment sa kahit na sinong lalaki. Stick with the thought lang ako. Hindi. Ako. Mag-aasawa. Pero ang nakakatawa talaga ngayon ay iyong may parte sa sarili ko na kinokontra ang kaisipang iyon. May nararamdaman ba ako para kay Cadie? Mahal ko na ba siya? Sa ilang linggong lumipas, masasabi ko na sobrang na-miss ko talaga siya. His smiles, his brown eyes, his kisses. I sighed. I am not sure. I have no idea. Basta ang alam ko lang ngayon ay hindi ko matanggap ng buo na hanggang doon na lang iyon. I’m waiting for him to call me or i-text niya ako pero wala, eh. I sighed. “I need to pee,” sabi ng anak ko. Nginitian ko lang siya pagkatapos ay inalalayan ko siyang makatayo upang pumunta sa comfort room. Si Mommy ko naman ay nakatingin lang ng diretso sa akin. Napakunot ang mga noo ko. Mababakas sa muha niya na seryoso siya. “What?” tanong ko sa kaniya. Hindi naman siya sumagot. “Mama, tapos na po ako,” magalang na sabi ng anak ko. Tinulungan ko lang siya muli hanggang sa makarating kami sa kama. Si Mommy naman ay nakatingin pa rin sa akin. Nagtataka na talaga ako. “Can I talk to for a second?” my mom asked me. Tumango naman ako. Nagpaalam kami kay Klei, lumayo kami sa kaniya ng kaunti. “Mom, why are you looking at me like that?” tanong ko sa kaniya. “I saw the guy,” sabi niya pa. Napakunot naman ang noo ko. May tao kaagad na pumasok sa isip ko at malamang sa malamang ay si Cadie ang tinutukoy niya. “What guy?” nagmamang-maangan kong tanong sa kaniya. “The guy I saw on the CCTV,” sabi nito. Ngumiwi na lamang ako. Hindi ako nagkamali na si Cadie talaga nag tinutukoy niya. Hindi ako sumagot ay Mommy. “Umamin ka nga sa akin, Fe,” sabi niya sa akin at pinameywangan pa ako. “Mom, ano na naman iyan,” walang tono kong saad. “Ano ba talagang meron sa inyo ng lalaking iyon?” tanong niya sa akin. Hindi naman ako sumagot. Napayuko lamang ako. “Huwag ka nang magtatago sa akin, Fe,” sabi nito. Lalo lang tuloy akong ngumiwi. Hindi ko alam kung ano ang concern ni Mommy, eh, sa pagkakaalala ko ay nasabi ko na ang dahilan kung bakit ayaw kong magka-boyfriend. “Si Kleizer ang dahilan kung bakit ayaw kong nagse-set up kayo ng date sa akin. Kung bakit ayaw ko na nire-reto niyo ako sa mga lalaki. Si Kleizer ang dahilan, Mom. Gusto ko ibigay sa kaniya ang lahat ng oras at atensyon ko,” sabi ko at napabuntong-hininga na lang ako. “Sinabi mo no’n na, you have made the regretful decision. Tanungin kita, Fe, gusto mo bang masabi ulit iyon sa sitwasyon na ito?” Napanganga na lang talaga ako. Hindi pa rin ako nag-a-angat ng tingin sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ang tama at dapat na isagot sa kaniya. “Magiging masaya ka ba?” tanong niya uli. “A-As long as I am with Klei, then, y-yes, I will be happy,” sabi ko na lang sa kaniya. Narinig ko naman siyang nagbuntong-hininga. She made me look at her. “Magiging masaya ka ba kung may pinagsisisihan ka, Fe?” tanong niya na naman sa akin. Napalunok na lang ako. “I want to choose my son…” sabi ko na lang. “Fe, kailan pa nagkaroon ng choices? At sino namang nagsabi sa iyo na isa lang ang puwede?” She faked a laugh. “Bakit hindi mo na lang piliin pareho?” Nagkibit-balikat pa siya. I pursed my lips. Hindi na naman ako nakasagot. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat ko at tiningnan ako ng diretso. “Kung gusto mo talagang tumanda na walang asawa, okay. Hindi ka naming pipigilan. Ang akin lang, sana wala kang pagsisisihan,” diretsong sabi niya sa akin. Pagkatapos ay iniwan niya na ako roon. Dinaluhan niya na si Klei, ako naman ay hindi talaga maiwasan na mapaisip. May point si Mommy. Gusto ko na lang talaga magmura. Naguguluhan ako. ‘Bakit hindi mo na lang piliin pareho?’ Maya-maya pa’y dumating na ang ambulansiya. Isinakay na namin doon ang anak ko. Sumakay na rin ako roo. Papunta kami ngayon sa hospital upang ipa-suri ang pilay ni Klei. Tulala lang ako at kanina pa tahimik. Nang makalabas kami sa resorts ay natanawan ko sa dating posisyon ang kotse niya. Dahan-dahang na lang nanlaki ang mga mata ko. “Kuya! Itigil niyo na muna nag sasakyan, please!” sigaw ko pa. Mabilis namang tumigil ang sasakyan. “Mom, what’s wrong?” My son asked me. Naguguluhan siya. Tumingin lang ako ng diretso sa kaniya pagkatapos ay lumapit ako sa kaniya. I hugged him and I give him a kiss on his forehead. “I love you so much, Klei,” sabi ko pa. This time, hindi ko na napigilan ang sarili ko na mapahagulhol. Nagsibagsakan na nag mga luha na kanina pa talaga gustong kumawala sa mga mata ko. Hindi lamang natutuloy sapagkat pinipigilan ko. I really love my son. He’s precious to me. But I need to do this. Napatingin ako kay Mommy. “Do you want to let him go?” Umiling ako kay Mommy. Umiiyak na talaga ako. Tinitingnan pa ako ng mga tao sa ambulance pero wala akong paki. “No,” sabi ko at ngumiti. Lumabas na ako sa hospital. “Susunod ako sa hospital,” sabi ko sa kanila. Pareho lang din naman nila akong tinanguan. Pinanood ko pa sila hanggang sa tuluyan silang makaalis. Ako naman ay tumakbo na papasok ng beach resorts. Agad akong nagtungo sa hotel receptionist. Tinanong ko kung saan ang room ni Cadie Arciego. Hinanap niya naman sa list at sinabi sa akin ang room number. Sinabi rin nito na kakadaan lang daw doon kaya sure na nasa room niya siya. Thank God. Kasi kung umalis na talaga siya ng beach resorts? I swear, bubugbugin ko na siya. Nang sabihin niya na ay dali-dali na akong naglakad papunta roon. Tuwa at kaba ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari. Pero I’ll take the risk. Ayaw kong matulad sa nangyari kay Kuya Boss at Carmie. Anyway, I missed her. Lahat kami ay nag-a-adjust pa rin sa pagkawala niya. Si Kuya Boss, hindi ko alam kung kailan siya makaka-recover sa nangyari. I missed him too. Nang marating ko ang room ay hindi na ako kumatok. Pinihit ko na naman ang doorknob. Napansin ko kaagad na hindi ito naka-lock kaya hindi ko na talaga kailangang kumatok. Pero natigilan lamang ako ng sobra kung ano ang bumungad sa akin doon. Napanganga ako. Nandito nga ako upang walang pagsisihan pero parang pinagsisisihan ko na nagtungo pa ako rito. Nilingon nila ako dahil nga bumukas ang pinto at napansin nila iyon. Nagtama ang mga mata namin ni Cadie. Nagluluha lang ako habang nakatingin sa kaniya habang nanlalaki na naman ang mga mga mata niya sa gulat. I shook my head. Pabagsak kong sinara ang pinto at saka naglakad papalayo. Napahawak pa ako sa dibdib ko. In love na ba talaga ako sa kaniya ako nasasaktan ng ganito? I saw him with someone else. They’re just hugging each other but still, I could feel the pain. Iyak lang ako ng iyak. Dire-diretso lang ang lakad ko. Saan na baa ko pupunta? Malamang paalis na. Pupunta pa ako ng hospital. “Faith, wait!” he called me. Hindi ako lumingon napapunas lang ako ng mga luha ko. “Fe, wait!” sigaw niya na naman. Sumusunod talaga siya sa akin. Wala naman akong balak na lingunin siya. “Fe Montinelli! I said, wait!” sigaw na naman nito sa akin. Binilisan ko pa ang aking paglalakad upang hindi niya ako maabutan pero mukhang hindi ako magtatagumpay. Naabutan niya ako. Hinablot niya pa ang braso ko upang matigil lang ako sa paglalakad. “Fe,” habol ang hiningang banggit niya sa pangalan ko. Tumakbo siguro siya kakahabol sa akin. Tiningnan ko lamang siya ngunit hindi diretso sa mga mata niya. Binawi ko ang braso ko sa kaniya. “Ano?” tanong ko habang pinipigilan ko ang mga luha ko. “Masaya ka b-ba?” malapit nang mabasag ang boses ko na tanong sa kaniya. “No,” sagot niya sa akin. “Masaya ba siyang kayakap?” I asked him. Nagsalubong lang ang kilay ko. “She’s Geo, iyong sinasabi ko sa iyo na bestfriend ko,” sabi niya. Nag-iwas naman ako ng tingin sa kaniya. Tumango-tango ako. I remember that. Geo? Siya iyong babaeng tumawag sa kaniya nang umagang iyon at siya rin ang… “She also loves you more than a friend,” I sobbed. Nasasaktan talaga ako. Naalala ko lang si Kuya Boss at Carmie. They’re bestfriends too and they fell in love with each other. “Ilan taon na kayong mag-bestfriend?” tanong ko sa kaniya. “We know each other since college.” So, halos pareho sila sa tagal ng pagkakaibigan ni Kuya Boss at Carmie. “Anong laban ko do’n?” Hindi ko na naiwasang itanong. Hindi ako sa kaniya nakatingin ng diretso. He held my two hands. “Bakit ka naman lalaban?” mahinahong tanong niya sa akin. “Ayaw kong gumawa ulit ng bagay na pagsisihan ko,” halos pabulong pa na sabi ko. Tumingin na ako sa kaniya ng diretso, diretso sa mga mata niya. Napapunas pa ako ng pisngi ko nang may tumulo muling luha. After that, I pulled his head to mine and kiss him on his lips. He kissed me back, lihim akong napangiti kahit na hindi pa rin mawala sa utak ko iyong best friend niya na Geo ang pangalan. Wala pang isang minuto ay nagkalas na ang mga labi naming. Halata naman na nagulat siya sa ginawa ko. Hinarap niya ako ng diretso. “H-Hinalikan mo ba ako?” nagugulat niyang tanong sa akin. “You kissed me back so naghalikan tayo. Feeling first kiss na naman?” Napairap na lang ako. Naramdaman ko na naman iyong inis ko sa kaniya. “Magsama kayo ng best friend mo!” I hissed. Tinulak ko pa siya papalayo sa akin. Nakakabuw*sit lang kasi talaga. Kinakalma ko lang ang sarili ko. Pinipigilan ko na lang din nag sarili ko na huwag nang umiyak. Pinanlakihan niya ako ng mata. “Look, you don’t need to be jealous. She is –” I cut his sentence off. “At sinong nagseselos?!” inis na sabi ko sa kaniya. Hinawakan niya lang ulit ang kamay ko. Marahan niyang pinisil ang palad ko. Hindi ko maiwasan na mapalunok. “Geo is my cousin,” nakangiting saad niya. Napanganga ako. "Yes, she loves me more than friends, but she's moving on for the simple reason that we're not made to be together. We're related. Second, I don't have the same feelings for her as she did. Alam mo ba kung kanino ako may feelings?” he said and grins at me. Hindi ko na alam kung maiiyak ba ako o matatawa. “Hindi ko alam,” sabi ko na lang sa kaniya. Nagmamaang-maangan lang ako sa kaniya kunwari hindi ko alam. “I have feelings to a woman who named Faith,” sabi niya pa. Bumitaw naman ako sa pagkakahawak niya sa akin. “Faith mo mukha mo,” I crossed my arms. Natawa naman siya. Niyakap niya lang ako. Natawa na rin ako. Smiling, sadness, and laughter are contagious. “I love you, Fe,” sabi niya sa akin. Parang kiniliti naman ang buong katawa ko sa narinig ko. “I love you too,” sabi ko sa kaniya. Napayakap lang ako sa kaniya ng mahigpit. Nagsimula na naman akong maiyak. Kumalas kami sa pagkakayakap nang mapansin niya iyon. “Bakit umiiyak ka na naman?” he asked me. “I never thought that I will fall in love again,” sabi ko sa kaniya. Bahagya pa akong napatingkayad upang mahalikan ko siya sa pisngi niya. Ngumiti ako sa kaniya kahit pa tumutulo ang luha ko. This time, siya na ang nagpunas ng mga ito gamit ang kaniyang hinlalaki. “I also never thought that I will love someone,” sabi pa nito. “Like you, ayaw ko rin mag-asawa no’ng una kaya nasasabi ko na ikaw ang first ko. First kiss, first love and I think you’re gonna be my first girlfriend if you will commit to me,” sabi niya. Natawa na lang ako. “Wala nang ligaw-ligaw. Tayo na,” sabi ko pa. Ngumisi naman siya sa akin. He pulled my head and kissed me on my forehead. Hinawakan ko siya sa kamay niya. “Sasama ka ba sa akin?” “Kung sa kama tayo pupunta, sasama ako,” sabi niya. Sinamaan ko siya ng tingin. “Sa hospital tayo pupunta, okay?” may inis pa sa boses ko. “Pupunta tayo sa anak mo?” tanong niya sa akin. Natigilan naman ako. Speaking of that. I cupped his face. Tiningnan ko siya ng diretso sa mga mata niya. Ang ganda pa rin talaga. “Is it okay to you that I have a son?” I asked. Tumango lang siya sa akin. “Yes. Basta anak mo at hindi babalik ang tatay,” sabi nito. Nanlaki naman ang mga mata ko. Marahan ko pa siyang tinulak. “Sira! Halika na nga. Kotse mo gagamitin, ha!” sabi ko pa at saka hinablot ulit ang kamay niya. Nagkatawanan na lang kami pareho. Hila-hila ko siya ngayon palabas ng beach resorts.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD